131

380 25 3
                                    

Nabingi ako sa mga sigawan. Lalo na at binanggit pa ni Jisung ang pangalan ko sa buong arena.

The whole university just witnessed the performance kaya sigurado akong talk of the town kami ngayon.

Pero kahit na ganon, my heart is uneasy. Parang may nakakalimutan ako, may mali.

At isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"NASAAN SI AVERY?" I shouted kasi hindi na mapigil ang malakas na sigawan ng students.

Hindi ko rin napansin na umalis siya kanina kaya nagtaka ako at wala na siya sa tabi ko.

"Nandi--- Fuck!" Mukhang nagulat rin ang mga kasama ko na napamura pa si Chaebin.

"Shit! I'll find her!" Aalis na dapat ako pero pinigilan ako ni Naomi.

"Enjoy the moment Ry, kami na maghahanap."

Hindi ako nakinig at tumakbo na paalis. Fuck shit, napakasama ko talagang kaibigan!

Hindi ko na rin pinansin ang ilang phone na nakatutok sa akin. Since ako ang binanggit na pangalan ni Jisung, it's weird na tumatakbo ako palabas ng arena ngayon imbis na damahin yung moment.

Putangina may time ba akong magdama ng moment kung alam kong yung bestfriend ko nasasaktan dahil sa akin?

Just when I'm about to push the door palabas, I heard one of the emcee professors speak.

"And thank you for that wonderful act! Nakuha kayo no? Grabe tilian, wala kayo sa movie no!" I could sense how clowning her voice is.

I froze. Naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko. So the whole performance is just an act? Walang meaning? Pinaasa lang ako sa buong students ng university?

Putangina, I thought I'm living the life of y/n, akala ko lang pala.

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko pero agad ko rin 'yon pinunasan. At least my bestfriend can redeem herself again, I'm just a whole joke anyway at wala lang ang performance na 'yon.

I saw Ave, nakaupo sa isang bench sa harap mismo ng entrance. She's facing down at para siyang lantang halaman sa itsura niya ngayon. Seeing her just made me feel worst.

Dahan-dahan akong tumabi sa kaniya saka siya hinarap. I nudge her, "Hey, look at me."

Inangat niya ang ulo niya at nang makita ako, she forced a smile. Niyakap ko siya, "Shit you're guessing it wrong, Ave."

I heard her small chuckles. "Sige na, ikaw yung gusto wala naman akong magagawa eh. Hindi ko naman hahadlangan kaligayahan niyo."

Mas hinipitan ko ang yakap. "No, no, mali lahat ng 'yon Avery. He doesn't like me," I paused. Parang may pumigil sa lalamunan sa sumunod kong sasabihin. "I, I don't like him."

"Hay nako Ry, hanggang kailan mo ba itatanggi ang nararamdaman mo?" I got confused. Sobrang halata ko bang tao para malaman na nagsisinungaling ako?

"I know what you're thinking." Pinangunahan niya ako. Humiwalay siya sa yakap at hinarap ako. "Bestfriend mo ako, akala mo hindi ko mapapansin?"

"Alam kong gusto mo rin si Jisung at mutual kayo. Kaso pinipigil mo kasi may gusto rin ako sa kaniya. Ngayon follow your heart, hindi naman ako hahadlang sa inyo." She added.

My tears started to fall, naramdaman nito na sobrang sama kong kaibigan. "I'm sorry." I cried, hindi ko naman na maitatanggi.

"Sira, don't be sorry. Hindi ako galit at hinding-hindi ako magagalit sayo." Avery smiled. "I'm actually happy. At least hindi ko na makikita pang umiiyak si Jisung because of a girl. He can be happy with you."

Sasagot palang ako, inunahan niya nanaman ako. "And para na rin sa ikakapanatag ng puso mo. Alam kong nakita mo kaming dalawa ni Jisung sa Busan. But it's not his fault. Since the hostage happenings with the MX non, I confessed to him kasi alam kong wala lahat ng oras sa akin at baka pagsisihan ko pag hindi ko nasabi sa kaniya agad.  Sinabi niya sa akin na may iba na siyang gusto. Alam ko naman na, matagal na pero tinggap ko. Wala akong karapatan para pumagitan pa at ipagpilitan lang ang sarili ko sa kaniya. Kaya nung sa Busan, I asked him a favor na ibigay na yung time na iyon sa akin for the last time. Kahit na maramdaman ko lang kung paano ba talaga siya magmahal."

"Ave..." I became speechless. Sobrang daming information, hindi ko na madigest lahat.

"Don't worry, it was worth a try. Kahit na sa illusion lang ay naramdaman ko." She continued. "Pero I also did it para na rin itrigger yang nararamdaman mo at tanggapin kung ano man yon. Nakakapagod kayong tignan alam mo yon? Ako mismo alam na may gusto kayo sa isa't-isa pero kayo ni isang clue wala."

"Avery, wait shit." Hindi na gumagana ng maayos ang utak ko. Gulong-gulo na ako at hindi na alam kung anong tamang words ang dapat ilabas.

Natawa naman si Avery. "If you say sorry once again, friendship over na tayo."

I can't help but laugh sa tawa niya. I know it genuine pero nasasaktan pa rin ako.

"Since nakaamin naman na siya, it's your turn. Be happy for me okay?" Bilin niya pa sa akin.

Kahit na gusto kong sumang-ayon nagpumilit lang ako ng ngiti. "I think you got it wrong, Ave."

Naguluhan siya sa sinabi ko. "What do you mean?"

Bumuntong hininga ako, "The information you know is all wrong. Kasi hindi niya naman ako gusto."

"What?!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon