077

456 24 6
                                    

"M-magkakilala kayo?"

Nagtitigan muna silang dalawa saka tumikhim si Kihyun.

Tumawa pa ito. "Nakita ko lang yung pangalan niya sa necklace na suot niya." Turo niya pa doon.

Napatingin din ako. Totoo ngang may suot na necklace si Hyunjin na may pangalan niya at kumikintab ito kahit na madilim kaya madaling makita.

Hindi na sumagot si Hyunjin at hinila na ako paalis doon. Siya na nga rin ang nagtap sa ID ko para makalabas kami.

Nang makarating sa labas ng library, huminto kami. "Sorry don, akala ko kasi hinaharass ka na." Nahihiyang paliwanag ni Hyunjin.

Natawa ako. "Okay lang. Mapilit din kasi yon eh, thank you pala." Mukha akong pabebe habang sinasabi yon pero wala na akong pake.

"Nagdinner ka na? Tara, libre kita?" Aya niya pa.

"Hindi pa, kakatapos ko lang magreview. Sakto gutom na rin ako." Syempre chance na yon, magpapabebe pa ba ako? Eh inaya na nga ako ng crush ko. Marupok for the win!

Ready na akong maglakad ulit pero pinigilan ako ni Hyunjin. "Saglit lang, cr lang ako. Hintayin mo ko ha, pag may lumapit ulit sayo, sigaw ka lang." Paalam niya kaya napatango nalang ako.

Tumakbo siya pabalik ng library habang naiwan ako sa entrance. Pagkaalis niya, nandoon nanaman yung feeling kong may nakamasid sa akin. Di ko nalang pinansin kasi baka naman nag-aasume lang akong may tumitingin sa akin diba. Echosera ko naman masyado.

Five minutes na ata ako sa labas at wala pa ring Hyunjin na bumabalik. Naflush na kaya yon sa cr?

Sumilip ako sa gilid kung saan ang way ng cr. Nagulat ako at napatago agad nang makitang nag-uusap si Kihyun at Hyunjin.

Mukhang sobrang seryoso nila kasi kita ko yung galit sa mga mata ni Hyunjin kahit na malayo siya. Tapos andoon yung mapag-asar na ngisi nung Kihyun habang tumatawa.

Pinat pa ni Kihyun ang balikat ni Hyunjin kaya mabilis na inalis ni Hyunjin ang hawak niya don. Bago pa ako mahuli na nakita yung scene na yon, umalis na ako at bumalik sa pwesto ko kanina.

Napaisip ako, sigurado bang hindi talaga sila magkakilala? Mukhang ang laki ng galit nila sa isa't-isa, sa aura palang.

"Tara na?" Nginitian ko si Hyunjin pagdating niya.

Okay Riley, kunyari wala kang nakita.  "Tara!" Very good, behave dapat.

"San mo gusto kumain?" Tanong niya paglakad namin. Kinuha niya pa nga sa akin ang bag ko kaya todo kilig ako.

"Kahit saan." Simpleng sagot ko kaya nagulat ako nang pitikin niya ako sa noo. Napahawak ako agad doon. "Aray! Para saan yon?"

"Sawa na ako sa sagot na yan kaya san mo talaga gusto kumain?" Napanguso ako nang wala sa oras. Edi siya na may girlfriend, leche.

Finefeel ko pa naman yung pagtawag niyang girlfriend sa akin kanina. Charot, 1/2.

"Ramen house? G ka?" Ngumiti siya at saka tumango.

"Sakto, may alam akong bukas pang Ramen shop. Kaso malayo, okay lang?" Tumango agad ako. Edi long talks with crush diba? Game na game!

Naglakad lang kami. Yung malayo na sinabi niya ay parang di naman matagal kasi natuwa ako sa mga usap namin.

Minsan sobrang random, tapos minsan naman napapareview nalang kami at nagbabatuhan ng questions out of no where. Last day na kasi ng midterms bukas kaya todo kayod kami sa review.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon