003

817 25 4
                                    

Mama calling...

Accept | Decline

"Mama!" Bungad ko kay Mama kaya ramdam ko yung paglayo niya ng phone sa tenga niya.

Ay lagot ka Riley, baka itakwil ka na talaga niyan.

"Baka gusto mo na lumayas?"

"Joke lang Ma, love you." Nagkissy face pa ako kahit na alam ko namang hindi niya makikita.

"Lalayas ka na rin naman talaga, ipapatapon na kita sa Seoul."

Naikot ko ang mata ko. Nanay ko ba talaga to? Para ko lang kaibigan eh.

"Paano ako lalayas kung wala naman akong pupuntahan. Saan mo ba ako papatapon Ma?"

"Secret." Narinig ko pa ang paghagikgik ni Mama sa kabilang linya. Kung batukan ko kaya to? Joke.

"Secret ka diyan Ma? Paano ko malalaman kung saan ako pupunta?"

"Ibibigay ko yung address pag nakarating ka na ng Seoul."

"Ayoko nga! Mamaya ibibigay mo pala ako sa masamang tao tapos ibebenta yung laman loob ko. Wala ka ng magandang anak pag nangyari yon."

"Wala naman talaga akong magandang anak kaya okay lang yon."

"Ma, mana mana lang yan." Natawa pa ako sa sinabi ko.

"Syempre biro lang. Ikaw na nga lang anak namin, dapat maganda ka. Kaya dapat rin na magkaroon ka ng boyfriend."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Since umalis siya kasama ang mga kumare niya, wala akong kasama sa bahay. Ni loud speaker ko and phone ko para hindi ako mahirapan.

"Oo nalang Ma."

"Wag mo akong ino-oo nalang. Gawin mo dapat!"

"Tumawag ka ba talaga Ma para sabihin sa akin na maghanap ako ng boyfriend?"

"Araw-araw ko na pinapaalala sayo yon kaya hindi na kailangan pang itawag. Sasabihin ko lang talaga sayo kung saan ka pupunta pag dating mong Seoul."

"Arte kasi Ma eh, may pa secret secret pa."

"Bibigyan naman kitang clue. Para masurprise ka naman."

"Wag na Ma, kay Avery nalang ako tutuloy."

"Hindi ako papayag. Handa na ang future mo sa pupuntahan mo."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Mama. "Ma! Ano nanaman ba binabalak mo? Kay Avery nalang talaga ako tutuloy."

"Subukan mo lang, tignan natin kung makakapasok ka sa condo niya."

"Ma naman eh! Ibebenta mo na ba talaga ang napakaganda mong anak?"

"Cinareer mo na talaga yang napakaganda mong anak ha. Ewan ko sayong bata ka, basta planado na kung saan ka tutuloy diyan sa Seoul."

Huminga nalang ako ng malalim dahil hindi naman ako mananalo sa amin ni Mama. Di tuloy mangyayari yung pangarap namin ni Avery na magshare ng isang condo pag college na.

"Di mo naman ako bebenta Ma diba?"

"Anong akala mo sa akin? Ipapatapon lang kita sa bahay nila."

"Bahay nila?"

"Ang ang daldal ko talaga! Wala yon, echosera ka naman, masyado mo dinamdam."

"Mama naman eh! Susumbong kita kay Papa!"

"Magsumbong ka. Pumayag kaya ang Papa mo. Magkasundo ata kami dito."

"Kailan pa ba kayo hindi nagkasundo? Pati ata panunukso sa akin napagkakasunduan niyo."

"Syempre ganon ka namin kamahal. O siya, dahil nasabi ko na rin naman."

"Sasabihin mo na kung saan ako titira?" Kumislap pa ang mga mata ko at tinigil ang pag-aayos ng gamit ko.

"Hindi pa rin. Sasabihin ko lang kung sino kasama mo."

Napasimangot ako at tinuloy nalang ulit ang ginagawa ko.

"Napagkasunduan namin ng kumare ko na sa kanila ka tumira. Kailangan rin daw kasi ng kasama ng anak niya dahil laging wala sa bahay nila yung kumare ko."

"Sino kumare nanaman ba yan Ma? Kilala ko ba?"

"Hay nako anak, kilalang kilala mo."

Kumunot ang noo ko. Kilala ko?

"Sige na anak, ibababa ko na yung tawag at baka kung ano pa masabi ko. Uuwi na ako, may gusto ka bang ipabiling pagkain?"

"Ma, last na tanong nalang bago mo ibaba."

"Sige, ano yon?"

"Saan ba ako titira?"

"Hays ang kulit mo talaga! Basta sa District 9. Sige na, ibababa ko na yung tawag. I love you anak."

Nagprocess pa yung sinabi ni Mama kaya bago ko pa masagot ang I love you niya, nababa na ang tawag.

District 9?

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon