September 14, 2019
- Now Playing: Somebody To You by The Vamps
"Ayan na yung master mind!"
Agad na sigaw ni Avery pagkapasok ko ng HQ. Kaming magbabarkada lang ang nandito and ginanap ang birthday ni Jisung sa backyard kasi may fireworks sila mamaya para naman sa celebration ng birthday ni Felix.
Sinalubong agad niya ako na may dalang isang bote ng alak. Yung iba naman ay mukhang di kami napansin dahil sa ingay ng karaoke na nirent namin. Kumakanta si Chae pati si Kuya Changbin kaya ang aliw nilang tignan. Amoy alak na rin ang paligid, halatang marami na rin silang nainom.
"Oy yung crush mo nakatulala na sa may gate." Bulong ko kay Avery.
Nakatitig lang kaming dalawa sa likod ni Jisung na hindi pa umaalis sa gate pagkatapos ako pagbuksan.
"Kanina ka pa hinahanap niyan. Crush ka ata." Bulong naman pabalik ni Avery.
"Gaga!" I hissed na siyang kinatawa niya naman. Mukhang may konting tama na rin to.
"Hey Jisung! Riley is here na oh, why are you nakatayo pa diyan?" Sigaw naman ni Ate Cali, ang tanging di umiinom sa kanila kaya nasa katinuan pa.
Doon lang natauhan si Jisung at agad na lumapit sa akin. Nakaalis na rin pala si Avery dahil kanta niya na yung sumunod.
"You're here." Halos hangin na sambit ni Jisung.
Natawa ako. Amoy na amoy ko yung alak at mukhang konti nalang, hindi na to mapapapasok ni tita sa bahay.
"Hindi, illusion lang ako. Baka tulog ka na." Asar ko pa kaya sumimangot siya.
"Nakailang bote na to ate?" Tanong ko kay ate Cali na papalapit sa amin.
"I don't really know. After they made labas the drinks they didn't stop drinking na. And Jisung is really makulit kasi he is finding you. You two ha." Sagot niya nang may halong pang aasar.
"Nagtatampo kasi bakit daw wala ako sa birthday niya eh nung birthday naman ng iba nakakapag cancel ako. Normal lang yon, gusto niya lang kumpleto tayo ngayon." Sabi ko naman.
Nagkibit balikat nalang si Ate Cali. "Okay, you said eh. Pero I am going to sleep na. I need to sleep on my schedule so I will make iwan you ha?"
Tumango na lang ako. Hinarap ko ulit si Jisung na mukhang stunned pa rin na nandito ako.
Malakas ko siyang hinampas. "Aray!" Sigaw niya agad.
Napansin kong napatingin din sa amin yung mga nagpaparty sa tapat ng karaoke. Nanlaki mata ko nang bigla silang tumayo at tumakbo papalapit sa akin.
Kaniya kaniya silang bati na akala mo ang tagal naming di nagkita. Amoy na amoy ko yung mga alak na iniinom nila at parang sa amoy palang ay nalasing na ako.
"Kanta naman kayo ni Jisung! Tutal ikaw nagplano nito!" Kantyaw pa ni Kuya Chan kaya natawa ako.
"Hindi ako kumakanta." Tanggi ko agad.
"Sinungaling! Binibida pa kita sa kanila no!" Parang batang sigaw naman ni Jeongin. Halos manlumo pa ako nang makita siya.
"Pinainom niyo si Jeongin?!" Malakas na sigaw ko sa kanila.
"Oy wala akong alam diyan!" Mabilis na sagot ni Kuya Woojin.
"Nandito si Jeongin?" Wala sa sariling sagot naman ni Kuya Chan.
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...