130

458 28 12
                                    

NP: I'm Serious
By Day6

a/n: I REALLY HIGHKEY RECOMMEND LISTENING TO THE SONG! Kasi tungkol talaga sa kantang yan ang buong chapter.

---

"TARA NA LATE NA TAYO!"

Napatakbo kami ng wala sa oras dahil sa sigaw ni Ate Helena. Shet parang deja vu lang kasi ganitong ganito rin kami nung first week concert noong first sem.

"Pucha Riley wala ka talagang balak pumunta sa concert kung hindi ka nami pupuntahan?" Inis na tanong ni Avery sa akin.

"Ako kasi taga bantay sa booth ng org namin, hindi ko naman maiwan." I defended.

"Tanga, nasa concert lahat ng tao. Sino sa tingin mo ang pupunta ng booth niyo?" Iling naman ni Chae sa akin.

"Weh, sabi-sabi lang rin yan ng taong tumakas lang sa pagbabantay ng org booth." Asar naman ni Omi kay Chae kaya ayon, naghabulan tuloy sila at nauna na kay Ate Helena.

Yung ulan simula monday, biglang nawala ngayon. Ang ganda pa nga ng sikat ng araw, mukhang pinagbigyan kami para ngayon.

Kahit na maaraw, basa ang grounds kaya ang booths ay nalipat sa rooms. Sa kasamaang palad, nasa dulong building ang assigned room ng org namin.

Kaya ayon, binalak ko rin sanang hindi pumunta ng concert kasi malayo ang lalakbayin. At isa pa, ako ang magbabantay at magtatally ng pumapasok sa booth.

Nagulat na nga lang ako at hinila ako paalis ng mga kaibigan ko doon kasi inaantay daw nila ako sa arena. Kung hindi sana nila ako sinundo, wala akong balak pumunta.

Tanaw ko na ang university arena at nasa entrance si Kuya Woojin, mukhang inaantay kami. May mga bitbit din siyang ID pass sa kamay niya at mukhang VIP passes iyon. Shet ang saya talaga pag kaibigan mo may special access!

"Bilisan niyo! Magsstart na yung program!" Pagmamadali ni Kuya Woojin sa amin. Wala na rin kasing tao sa labas ng arena kasi kanina pa naman sila nagpapasok.

Isa-isa naming hinablot ang VIP pass sa kamay niya at tuloy tuloy sa pagpasok. Hindi pa nga nakalimutan na humalik sa pisngi ni Kuya Woojin si Ate Helena nang makuha ang pass nito.

Pagpasok, natadnan namin si Seungmin at agad kaming tinakbo sa upuan namin. Dahil may VIP pass kami, nasa harap kami.

Pagdating namin sa upuan, nandoon na si Ate Cali. "You are all matagal, akala ko you will make iwan me here na." Reklamo niya pa sa amin.

"Oo na ang daming satsat, andito na nga kami." Kontra ni Ate Helena.

"Well, I didn't say naman na apat kayong sumundo kay Riley. Like, mawawala ba kayo pag one like sumunod?" Irap ni Ate Cali. Hindi na nalang kami kumontra pa ulit para matapos na.

Saktong pag-upo namin, namatay ang ilaw, indicating na magsstart na ang program. Nag-apir tuloy kami kasi nakaabot kami on time.

"GOOD DAY, JYPNATION!" Lumabas mula sa backstage si Ate Max at Kuya Chan. Todo tili at sigaw tuloy ang lahat ng tao kasi ang emcees ngayon ay ang power couple ng university.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon