112

412 27 3
                                    

"It's not one time lang naman diba?"

Walang nagsalita, we just blinked at each other, na naghihintayan ng reaksyon. Kaya mas kinabahan ako, mas lalo akong naguluhan sa nangyayari at hindi alam kung paano pa maisasalba yung usapan.

"What?" Ate Cali asked when we all looked at her. "I just said the truth, they are nagsisinungaling kaya."

"Ehem." Napunta naman ang atensyon namin kay Kuya Chan. Wala na rin sila sa mga upuan nila, they were literally in front of us. Nakatayo sa harap namin ni Jisung.

"So kailan yung iba?" Kuya Woojin asked.

Nagkatinginan kami ni Jisung. Nagbibigayan ng signal kung ano ang isasagot, na para hindi na masabi yung isa pa.

"Does cheek count?" I asked back.

Mukhang nagulat silang lahat, grabe ang oa pa nung pagkagulat nila. Si Hyunjin nga nahimatay pa kuno sa bigla. Nagpasalo pa siya kay Ara, dahil mas mabigat siya, bumagsak sila parehas.

"Ilang beses?" Maintrigang tanong ni Chae.

Biglang nagbilang si Jisung sa daliri niya. Napatingala rin ako unknowingly at nag-isip. Ilang beses nga ba?

"Saglit saglit saglit!" Pigil ni Kuya Minho sa pagbibilang namin. "Tangina ang wild ha!"

"What?" "Ano?" Sabay na tanong namin ni Jisung.

"Anong what at ano kayo diyan? Tinanong namin kung ilang beses tapos nagbilang kayo diyan?" Gulat na dagdag ni Jeongin. Akala mo mas matanda siya sa amin eh.

Jisung then waved his hands na para bang sinasabing mali ang iniisip nila. "Nung bata kasi kami." Sagot niya pa. He looked at me and signaled help.

"Magkababata kami ni Jisung. Pag nag-aaway kami, lagi kaming pinapagalitan tapos pinagbabati. Syempre as bata, kailangan namin mag-kiss sa cheek ng isa't-isa para masabing bati na. But that stopped after we both reached seven years old, hindi na kami uto-uto non no!" I explained.

"Ayon, ayon na yon wag na kayong magtanong!" Pigil na ni Jisung sa kanila.

Tatayo na dapat siya pero hinila siya ulit ni Ate Cali paupo. Pinaalis niya sila sa harap namin and then faced us. I gulped.

"You will tell them or I will be the one to make sabi?" Her voice was calming but stern, para bang nagbabanta.

"Paano mo naman nalaman?" Mahinang tanong ni Jisung.

So nagbubulungan kaming tatlo dito habang pilit na nakikinig yung iba. Sinasamaan lang sila ng tingin ni Ate Cali, umiiwas o lumalayo agad sila. Mas mataray pa to sa kahit sino sa amin no, lowkey lang talaga.

"I don't drink, duh." Sagot ni Ate kaya naguluhan kami.

"Ha? Anong connect?" Tanong ni Jisung.

"I swear to god, Jisung. You are so bobo." Natawa ako sa sinabi ni Ate kaya nasamaan ako ng tingin nila pareho.

"Makabobo ha, nakakahurt ampucha." Kunyari tampo ni Jisung pero inirapan lang siya ni Ate.

Mas naintriga tuloy itong mga kasama namin at lapit na nang lapit. Nagtutulakan pa talaga sila kaya nainis na itong kausap namin.

"You are all so kulit talaga! Go talikod nga, we don't need you pa." Ate Cali hissed kaya agad silang tumalikod.

Hays, ang katagang "Basta sabi ni Cali, dapat laging masusunod" pa rin ang nanalo.

"Okay, let's continue. You get it ba Riley?" Taas kilay na tanong naman ni Ate Cali sa akin.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon