117

431 27 11
                                    

Huminga ako ng malalim nang tumambad sa akin ang hangin sa dagat. The sea is sparkling lalo na't tumatama ang liwanag ng buwan. 10 minutes away sa bahay ang bay, kung saan lagi akong tumatambay. This is one of my favorite places at dahilan kung bakit ayokong umalis sa Busan.

Ang dami naming nagawa ngayong araw. Kahit na nawala kami sa Gamcheon, sobrang saya pa rin kasi nagkikita naman kami. Pagkatapos doon ay binisita namin ang neighborhood namin nila Avery at Jeongin. Nakita ko na ulit ang nanay ko after months at muntik na nga siyang maiyak pagkakita sa akin.

Sa amin na rin sila natulog kasi sa amin ang may pinakamalaking bahay. Pagod na kasi sila para bumalik sa resthouse plus mas malapit ang daan namin para sa itinerary namin ngayon.

Dinama ko lang ang mga tunog ng alon. Ang soothing sa pakiramdam, nakakarelax. Dito ako pumupunta pag stress ako sa school non or may problema ako na ayaw sabihin. Ang pinakamaganda pa rito, it's the best place to watch the sunrise. Mawawala agad yung mga problema mo sa isang iglap pag nakita mo kung gaano kaganda iyon.

It's still dark since mag-aalas kwatro palang. Ang lamig ng hangin kahit na makapal ang hoodie na suot ko. Iintayin ko ang sunrise gaya ng nakagawian ko.

Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Napatingin ako sa kaniya pero nginitian niya lang ako at tumingin na sa dagat.

"Napadpad ka rito?" I asked.

Nagshrug siya. "Umandar yung Riley radar ko, sabi mag-isa ka lang kaya pinuntahan kita."

"Ang sabihin mo sinabi ni Seungmin." Irap ko. "Kaya uulitin ko. Napadpad ka rito, Mr. Han?"

"Wala ka ngang kasama, hahayaan ko bang mag-isa ka? Anong oras na kaya." He answered pero nakatingin lang siya sa dagat.

"Aayain naman talaga dapat kita," mahinang sabi ko.

"Ikaw ha gusto mo akong i-solo." Tinusok niya pa ang tagiliran ko para mang-asar.

"Tanga sabi kasi ni mama." Tawa ko naman kaya napasimangot siya.

"Parang wala akong narinig, sabi ng tenga ko hindi ko kailangan malaman ang impormasyon na iyon." Mas natawa ako sa sinagot ni Jisung.

Natahimik na kami pagkatapos. Parehas lang kaming nakatingin sa dagat, both hands hidden in the pocket of our hoodies. Yung kaninang sobrang lamig na hangin ay naging bearable pagdating ni Jisung. The atmosphere felt warm, it's somehow felt like home.

To be honest, since bata naman talaga. Everywhere with him felt like home. Laging gumagaan ang pakiramdam ko pag andiyan siya kahit na lagi naman kaming nag-aaway. Basta alam kong malapit lang siya o abot kamay, it's safe.

Kaya nung umalis kami ng Seoul para tumira sa Busan, parang may naiwan ako. And that's him. Ayan ang katotohanan na hinding hindi ko matago sa sarili ko.

The silence is pleasing. Syempre naririnig namin ang alon ng tubig pero yung kaming dalawa na tahimik lang is enough. Paumaga na rin kaya wala na masyadong stars pero maliwanag pa naman yung buwan, ang mesmerizing tignan.

I flinched nang bigla siyang may inilagay sa tenga ko. Hahawakan ko sana iyon pero pinigilan niya ang kamay ko.

"Earphones lang 'yon, nasa akin yung kalahati." Sabi niya kaya napatingin ako sa tenga niya at sa cable sa gitna namin.

Then he played a song. Bumalik ang tingin namin sa dagat. "Nakita ko lang na may ganitong scene sa series na palagi mong pinapanood sa bahay." He explained kung bakit bigla nalang siyang nagpasound trip.

Napatango ako, inalala ang series na kinaadikan ko sa ngayon. "Ikaw ha, pinapanood mo ako."

"Hindi ka naman nakakasawang tignan." Wala sa sariling sabi niya. Napalingon ako sa kaniya pero nanatili ang mga tingin niya sa dagat.

"Kasi ang aliw mo manood. Kahit paulit-ulit mo nang pinapanood iba-iba pa rin reaksyon mo. Nakakatawa ka kaya." He added.

Parang nalaglag ang puso ko. Ewan ko, hindi ko inaasahan na may idudugtong pa siya. Na sana natapos nalang sa mga unang kataga ang mga salitang binitawan niya.

"Ang aliw kasi kahit na paulit-ulit, hindi nakakasawa. Ang sarap sa pakiramdam panoorin kaya tamang rewatch lang habang inaantay ko yung bagong episode." Sagot ko.

"Malapit ko na ngang makabisado yung buong series kakarewatch mo." Tawa niya naman.

"Mukha nga. Ay share ko lang, itong earphones scene pati yung akbay scene ang mga favorite scenes ko." Excited na banggit ko. "Ang casual lang pero nakakakilig, nakakataba ng puso."

"Buti nalang ginawa ko." He mumbled. "Pero sorry kasi wala tayo sa gitna ng crowd, sana nareenact natin ng maayos."

Natawa ako. Ang cute kasi parang ang inosente niya sa mga oras na ito. "Hindi ah, it's cute pa rin. Mas okay na yung gumawa ng sarili nating scene than reenact. At least my originality tayo."

And then another dead silence. Hindi siya awkward, just simply enjoying the presence of each other.

"Namiss ka pala ni Mama." I started another topic.

"Halos ihiwalay na nga ako sa inyo kanina. Kulang nalang talaga ampunin ako non."

"Lah, ayoko ngang maging kapatid ka." I joked.

Lumingon siya sa akin kaya nagulat ako. "Ako rin naman. Ayokong maging kapatid ka no." Tumigil siya saglit. "I'd rather marry you."

"Ha?" Tanong ko kasi hindi ko narinig yung last na sinabi niya.

"Wala, sabi ko ang panget mo kasi pag naging kapatid kita." He replied sabay pingot sa ilong ko.

"Lah, hindi naman yon eh." Pagpupumilit ko.

Huminga siyang malalim. "Gusto mong ulitin ko?" Tumango ako ng parang bata sa tanong niya. Umiwas siya bigla ng tingin sa akin kaya nagtaka ako.

"Hoy, akala ko ba sasabihin m---"

"Sabi ko, I'd rather marry you para maging anak ako ni tita."

I stopped in place. Nakatulala lang ako at hindi alam ang gagawin. Kailangan ko bang magreact? Sumagot? O sakyan ang trip niya?

Just when I was about to say something, nauna na siyang magsalita.

"I was joking, ito naman masyadong kabado." Then laughed after.

Umirap ako sa sinabi niya at pinagmasdan nalang ulit ang dagat. Pero nakita ko siya sa peripheral view ko.

He looked at me, umiwas agad then smiled like an idiot.

I don't know what's more idiotic though, him smiling like a fool or my heart beating like drums being hit repeatedly.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon