Calling Mama...
Connecting...
Connected.
"MA!"
Narinig ko ang tawa ni Mama sa kabilang linya. Argh! Plinano nila to!
"Napano ka anak?"
"Ma, di mo na ba ako mahal?!"
Tinawanan nanaman ako ng Mama ko. Di naman halatang tuwang tuwa siya sa pinaggagagawa niya no?
"Nasaan ka na ba?"
"Ma, mali ka ng address na binigay!"
"Ha?! Asan ka ba kasi?"
"Sa address na binigay mo sa akin! Tama ba talaga to?"
"Nasa labas ka ba? Sinabi ba na mali ka ng address?"
"Nasa loob na ako Ma, ginamit ko yung susi na binigay mo."
"O yun naman pala, nakapasok ka nga eh. Edi ibig sabihin tama yung bahay."
"Ma naman, wag kang magjoke."
"Di ako nagjojoke anak. Diyan ka titira."
"Ano?!"
"Ano ba yan anak, nabingi ka na ba talaga?"
"Ma naman eh! Kila Avery nalang talaga ako titira!"
"Subukan mong umalis diyan, sa kalsada ka matutulog."
"Ma ayoko dito!"
"Sa tingin mo gusto kita?" Tumingin ako sa hagdanan at bumababa doon ang bihis na si Jisung. Nagsamaan kami ng tingin bago siya umupo sa sofa nila at kinuha ang phone niya. Siguro ay tatawagin din ang Mama niya.
"Di kita kausap." Irap ko kay Jisung pero inirapan niya lang rin ako. Sige, irapan kami dito.
"Sweet niyo diyan ha."
"Ma naman eh!
"Mag-ayos ka nga ng sarili mo. Wag kang magulo diyan."
"Ma no! Bakit dito mo ako pinunta?! Akala ko ba kumare mo?"
"Kumare ko nga. Di mo ba kilala Tita mo? Halos magkasama nga kami niyan nung bata pa kayo."
"Ma! Alam mo kung bakit ayoko dito."
Bago pa sumagot si Mama, may nagbato sa akin ng unan kaya napa-aray ako.
"Manahimik ka nga! Mas lalo akong naiinis sayo!" Bulyaw ni Jisung sa akin.
"Mas nakakainis ka! Lumayas ka nga dito!" Bulyaw ko naman pabalik.
"Bakit ako lalayas? BAHAY NAMIN TO." Diniin niya pa na bahay nila to kaya mas nainis ako.
"Ma, aalis ako." Buong desisyon na sabi ko.
"At sabi ko hindi. Wala kang matitirahan pag umalis ka diyan."
"Ma, maawa kayo sa akin. Papatirahin niyo ako dito? Kasama ang isang Han Jisung? Galit ka ba talaga sa akin?" Para akong bata na nag tatantrums sa harap na nagcecellphone na Jisung. Parang wala man lang siyang reaksyon.
"Hindi niyo ba namiss ang isa't-isa? Tagal niyo kayang di nagkita ulit."
"Tinatanong mo ba talaga yan Ma?!" Nagulat din si Jisung sa sigaw ko.
"Inaano ka ba?" Inis na sambit ni Jisung sa akin pero tumalikod lang ako para hindi siya pansinin.
"Laki ng galit ha. Sige na, paparating na daw ang bestfriend kong nanay ni Jisung diyan. Basta, diyan ka titira. I love you anak."
Binaba agad ni Mama yung tawag kaya napasabunot nalang ako sa buhok. Stress naman nito!
Huminga muna ako ng malalim saka hinarap si Jisung. Nilapag niya na rin ang phone niya sa coffee table. Lamapit ako sa kaniya at umupo sa upuan na malapit sa kaniya.
"May alam ka ba dito?" Tanong ko agad. Kasi naman ang kalmado niya.
"Kailan ka pa dumating?" Tanong niya rin.
"I am asking you a question." Irita at madiin na sabi ko.
"Ako rin naman, tinatanong din kita." Bored na sabi niya naman.
"Pwede ba?!" Napasigaw na ako sa galit. Ewan ko, nakikita ko lang si Jisung kumukulo na dugo ko.
"Wala. Wala akong alam pero hindi lang halata na gulat ako. Kumalma ka nga kasi, para kang tanga." Inirapan ko lang siya pero kumalma rin. Hindi kami magkakaroon ng maayos na usapan pag hindi ako umayos.
Nagtitigan lang kami ng masama na akala mo ay may laser beam sa mga mata namin. As in parehas kaming nagmamatigas at walang gustong magpatalo.
Naputol ang masamang titigan namin at kinuha niya ulit ang phone niya. Para siguro maalis ang atensyon niya sa akin.
"Bakit ka ba andito?" Walang emosyon na tanong niya sa akin.
"Kasi pinapunta ako ni Mama dito?" Sarcastic na sabi ko.
"Kutusin kaya kita?" Irap niya kahit hindi nakatingin sa akin.
"Syempre mag-aaral na ako dito! Sana sa hotel nalang ako nagstay kung magbabakasyon lang. At saka haler! Patapos na kaya summer!" I snapped!
"Daming sinabi, isa lang naman gusto kong sagot." Parinig niya.
"Ikaw? Bakit ka andito?" Tanong ko naman. Napatingin naman siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
"Ang kulit? Bahay ko nga to. Kaya tinatanong kita. At saka masakit pa rin likod ko sa hampas mo." Natawa naman ako nang maalala ang malakas na paghahampas ko sa kaniya.
"Bakit ba kasi bumababa ka ng hindi pa nagbibihis? Sira ulo ka ba?" Sumandal ako sa upuan at nag-indian sit.
"Kasi akala ko ikaw si Mama. May pupuntahan kasi ako kaya nagmadali akong magpaalam. Punyeta naman kasi, para ka paring tanga. Late na tuloy ako." Sagot niya naman kaya hindi napigilan ng kamay ko na kutusin siya.
"Aray!" Daing niya. Natawa naman ako.
Natigil na kami parehas non. Nagkaroon na ng awkward silence ang paligid at walang gustong magsalita ulit.
Tumikhim ako. "Wala ka nang sasabihin?" Cross arms na tanong ko.
"Anong gusto mong sabihin ko sayo? Namiss kita?" Natigilan ako sa sinabi niya.
Sasagot palang sana ako pero inunahan niya na ako. Tumingin ulit siya sa akin pero this time, wala na yung masamang titig niya.
"Pero seryoso, namiss kita. "
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfic"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...