"Good morning, Bub!"
Sinamaan ko ng tingin si Jisung nang ngiting-ngiti niya akong sinalubong pagkababa ko ng hagdan.
It's now 7:45 am.
Thank god at nakatulog pa ako pagkatapos ng prank ni Jisung. Halos 3 hours din yon dahil ang alarm ko naman talaga ay 7:00 am. Medyo inagahan ko dahil ayoko malate ngayon first day at sinabi ni Tita na gusto niyang mag full breakfast kaming tatlo para full energy kami buong araw.
Hindi ko naman alam na pagkatapos kong mag-ayos, sasalubong sa akin tong lalakeng to. Wala na, tuluyan na talagang sira ang araw ko.
Ay, kaninang 4 am palang sira na pala araw ko. At iisang tao lang ang sumira non.
"Close ba tayo?" Taas kilay kong tanong.
Lalagpasan ko na sana siya pero bigla niya akong hinigit at inakbayan. Sobrang bilis na hindi ako nakareact at nagpoprocess pa rin sa akin kung anong ginawa niya.
"Ayan, close na tayo." Ngisi niya.
Inirapan ko siya at tinulak papalayo sa akin. "Pwede ba? Lumayo ka sa akin and stop calling me Bub!" Inis ko pang sabi.
"Ayoko nga, pulang pula yang mukha mo sa inis tapos titigil ako? Make me, Bub." Nilapit niya pa yung mukha niya sabay taas baba ng kilay. Diniin niya pa ang ang Bub para mas maasar ako.
Nag sigh nalang ako at dumeretsyo na ng dinning table. Sige na, talo nanaman ako. Wala akong ganang makipag-away kay Han Jisung kaya pasalamat siya sa akin.
"Good morning, Tita." Bati ko kay Tita na nagluluto ng breakfast saka kumuha ng juice na nasa table.
"Ano nanaman bang pinag-aawayan niyo? Rinig na rinig ko ang bangayan niyo." I faint a smile kay Tita. Mukhang nakuha naman niya na nabwibwisit ako sa anak niya kaya hindi na siya nagtanong.
Saktong dumating naman si Jisung. "Good morning Ma." Bati pa niya at tumingin sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata and mouthed, "Tumigil ka parang awa."
Ngumiti lang siya. "Wala pa rin akong good morning sayo, Bub."
Napaface palm ako. Ang sarap ibato sa kaniya nung flower vase na nasa mesa pero mukhang mahal kaya hindi ko na ginawa.
"At talagang may tawagan pa kayo ha." Asar ni Tita pagkalapag niya ng pagkain sa table.
"Maghanap siya ng ibang Bub niya at tigil tigilan ang pamemeste niya sa akin. Tita, pakisabi naman po." Ngiti ko pa habang hindi tumitingin kay Jisung.
Humarap naman si Tita kay Jisung dahil narinig niya naman talaga ang sinabi ko. Duh, magkatapat lang kami ng inuupuan.
"Bakit pa ako maghahanap ng iba kung andiyan naman siya. Pakisabi naman Ma." Kahit hindi ako nakatingin kay Jisung ngayon, ramdam ko yung pang-aasar na tingin niya sa akin.
Sa inis ko, sinipa ko siya sa ilalim ng table kaya napa aray siya ng malakas. Pinigil ko naman ang tawa ko.
"Ma tignan mo! Nananakit!" Parang batang sumbong niya.
"Tita siya nauna!" Sumbong ko naman.
Napailing nalang si Tita sa amin. "Alam niyo, di na kayo nagbagong dalawa. Ganiyang ganiyan kayo nung bata kayo."
Nagkatinginan na kami ni Jisung habang masama ang tingin sa isa't-isa. Sabi tiisan nalang diba? Edi tiisan ang laro namin.
"Pag kayo nagkatuluyan, tatawanan ko nalang kayo." Dugtong pa ni Tita.
"Yuck!" "Kadiri naman Ma!" Sabay na daing namin ni Jisung. Natawa tuloy si Tita sa amin.
"Oo na, hindi na. Kumain na nga lang kayo. Mamaya malate pa kayo."
Kahit papaano naman, tahimik lang kaming kumakain. Nagtatanong tanong lang si Tita since alam niyang magkablock kami. Hanggang sa may sinabi siya na kinahindi namin ni Jisung.
"At saka sabay kayong papasok." Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Tita. Uminom muna ako ng tubig kaya naunahan ako ng reklamo nung isa.
"Ma naman!" Parang batang maktol ni Jisung.
"Bawal umayaw. Hindi pa sanay si Riley sa mga daan papuntang JYP kaya alagaan mong mabuti yan." Bilin pa ni Tita sa anak niya. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin sa kaniya.
Mas okay nang mawala kaysa naman makasamang pumasok tong kupal na to. At saka wala dapat makaalam sa JYP na nasa iisang bahay kami! Mamaya makahalata pa sila pagsabay kaming pumasok ng University.
Mabilis na kaming natapos. Wala naman kaming magawa kaya sabay kaming papasok it is.
Kinuha ko lang ang mga gamit ko sa kwarto ko at agad na bumaba. Naabutan kong nakaupo si Jisung sa sala kaya tinaasan ko siya ng kilay.
Pagkatapos niya akong gisingin ng alas kwatro may balak bang magpalate nito? Pigilan niyo ako, baka mahampas ko ulit siya ng walis.
"Kunin mo to."
Tumayo siya sa pagkakaupo at inaabot niya sa akin ang isang jacket, cap and mask.
"Anong gagawin ko dito?" Kunot noong tanong ko.
Umirap siya before answering "Baka palaba ko sa'yo yan ng ganitong oras no? Malamang suotin mo!"
"Ha? Hibang ka na ba? Bakit ko naman susuotin to?" Sagot ko naman.
"Di ba hindi dapat nila malaman na nakatira ka sa amin. At saka isang metro dapat layo mo sa akin."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Buo na talaga ang desisyon kong hampasin siya ngayon kaso andiyan pa si Tita kaya mabait muna tayo.
Hindi pa ako nakakareact ng maayos, kinuha niya na ang bag niya. "Alis na ako. Wag mong kakalimutan suotin yan ha!" Sigaw niya saka mabilis na lumabas ng bahay nila.
Napabuga nalang ako ng hangin at kinuha ang phone ko. Halos mapanganga ako dahil nakita kong 32° pala sa labas tapos pagsusuotin niya ako ng jacket? Ano ako, tanga?
Sinuot ko nalang yung cap at mask. Okay lang naman sa akin dahil ayoko naman talagang may makahalata sa aming dalawa. Pero asa naman siyang isuot ko yung jacket.
Ang init init tapos magsusuot ako non? Ano yon, suicide?
Lumabas ako siguro 5 minutes pagkatapos lumabas ng bahay ni Jisung. Alam ko naman kung paano pumunta sa JYP sakay ang bus pero hindi lang namin masuway si Tita.
Nakita ko na ang bus stop at nakita ko rin si Jisung na papasok na ng bus. Mukhang napansin niya naman ako at gumawa ng I can see you sign saka tuluyang pumasok ng bus.
Inikot ko ang mata ko at pumunta na ng bus stop. Saktong pagkarating ko ay ang pag-andar ng bus. Napabuntong hininga nalang ako at umupo to wait for the next one. Ayoko rin namang makasabay si Jisung
Nakarating naman ako ng University after ng 20 minutes na biyahe. Pagkapasok ko ng gate, I took a deep breath.
New start I guess.
Maglalakad na ulit sana ako pero bigla akong nagulat nang biglang may magbaba ng cap na suot ko. Inis ko namang itinaas ulit yon para makita kung sino gumawa non.
Nagtaka ako dahil wala namang tao sa tabi ko pero hindi nakaligtas sa tingin ko ang isang crumpled paper sa lapag na alam kong wala dito kanina.
Kinuha ko yon saka binasa. "Sabi ko suot mo lahat ng binigay ko. Tigas talaga ng ulo mo."
Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko si Jisung na medyo malayo palang sa akin. Sa sulat palang alam kong siya ang nasulat nito.
Papansin talaga kahit kailan.
![](https://img.wattpad.com/cover/184077881-288-k538919.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...