"Shit!"
Tinawanan ako ni Jisung dahil sobrang nagulat talaga ako. Akala ko kasi kung sino. Malay ko ba kung walang nakakaalam sa barkada niyang may ganito.
Duh, wala dapat makakaalam na nasa iisang bahay kami. As in wala!
"Wag kang mag-alala, umalis na sila." Parang nabasa naman ni Jisung ang isip ko sa sagot niya. Nakahinga ako ng maluwag.
"Bakit ka andito?" Tangang tanong ko. Bigla nalang lumabas sa bibig ko eh, sa taranta siguro.
"Baka akin to? Ikaw pa nga lang nakakapasok dito eh." Sagot niya at dinampot ang nahulog kong gitara.
"Dapat ba flattered ako? Malay ko ba kung nagsasabi ka ng totoo." Irap ko pa.
"Edi wag kang maniwala." Bitter na sabi niya na siyang di ko nalang pinanasin.
"Marunong ka na pala maggitara?" Napatingin ako sa kaniya. Nakaupo na siya ngayon sa cajón since wala naman nang upuan except sa swivel chair na inuupuan ko.
Napatango ako. "Ah oo, tinuruan ko lang sarili ko."
"Ang galing ah, parang dati kakanta-kanta ka lang para magkapera sa pasko." Asar niya kaya nahampas ko siya.
"Ang kapal mo, parang may pinagkaiba ka naman!" Asik ko sa kaniya.
"Oo na, parehas lang tayo nang-away pa eh." Nguso niya naman.
Napairap ako. "Sino kayang nagsimula."
Hindi na siya sumagot. Inusog niya nalang ang inuupuan niya papalapit sa akin. Inabot niya sa akin yung gitara.
"Kanta ka." Request niya pa.
Tinitigan ko lang siya bago magsink in ang sinabi niya. "Ayoko nga, hindi pa naman ako ganon kagaling."
"Humble, pero narinig kong tumutugtog kanina feel na feel naman." Parinig pa nitong kasama ko.
"Alam mo kung mang-aasar ka lang, aalis na ko. May readings pa ko." Tatayo na sana ako pero hinila ulit ako ni Jisung paupo kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ako nalang tutugtog." Sabi niya kaya napangiti ako.
"Sige nga, may ginawa ka pang secret studio parinig nga ako kung pano tumugtog ang isang Han Jisung."
Tumikhim siya at nagstrum ng isang beses. Tinignan niya muna ako. "Kahit ano." Sagot ko kahit na wala pa naman siyang tinatanong.
Tumikhim ulit siya at nagsimula na na magstrum.
- Now Playing: Beautiful Feeling
by DAY6~ Even just looking at you
Without even realizing it
A smile grows and when I see it
It's amazing ~Kasabay ng strumming niya ay kumanta din siya. Hindi ko pa naririnig ang kantang yon kaya sigurado akong ginawa niya ito.
Bawat words na kinanta niya sa unang verse ay nakatingin lang siya sa akin sabay ngiti. Nailang ako kaya sa gitara nalang ako tumingin.
~ As days pass by,
My feelings
Grow deeper for you ~Nagtama ang mata namin. Nginitian ko lang siya. Ang ganda nung kanta, seryoso.
~ This song right now
Might just sound like another love song
Yeah, I know
But even so,
I want to sing this feeling right now
So baby, listen to me
I'll sing it for you yeah ~

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...