057

500 28 16
                                    

"HOY BILISAN NIYO!"

Mas napatakbo pa kami sa sigaw ni Chae. Late na kasi kami sa next subject namin dahil nag-overtime ang last subject namin.

Hingal na hingal na nga kami ni Naomi at Felix dahil sa kabilang building pa kami nanggaling. Buti nalang at na pilit namin yung mga kaibigan namin na pigilan yung prof.

"Andiyan na ba?" Hingal na tanong ni Naomi na dinaan lang si Chae na nasa pinto.

"Wala pa, buti nalang!" Sagot naman ni Chae.

Umupo si Omi sa tabi ni Jisung. Sumunod si Felix na tumabi dito. At sabay naman kaming umupo ni Chae sa harap nila which is sa tabi ni Seungmin.

Busy nga si Seungmin na nagulat pa pagkaupo namin. "Buti nakaabot kayo." Tawa niya pa.

"Late naman daw prof tumakbo pa kayo." Dagdag niya pa sabay takbo.

Napanganga na lang kami at hindi makapaniwala sa sinabi niya. Alam niyang sobrang tinakbo namin yung university tapos di niya sinabi sa amin.

Narinig ko tumawa si Jisung sa likod ko. Sa inis ko, hinampas ko siya kasabay ni Omi at pabirong sinuntok naman siya ni Felix sa braso.

"Tatawa pa eh." Sambit ko pa.

In a span of two weeks after nung incident kay Hyunjin, mas naging malapit ako sa kanila. Pwera nalang kay Kuya Minho na medyo iniiwas-iwasan ko talaga. Yung mga tingin niyang mapang-asar hindi talaga mawawala kada magkikita kami. Kasi naman, akala niya kami talaga ni Jisung.

Speaking of Jisung, para na kaming normal classmates sa university o kaya pag andiyan yung mga kaibigan namin. Hindi kami ganon kaclose pero hindi rin ganon kadistant.

Kahit nga sa bahay, nag-uusap kami ng matino at dahil don, amazed na amazed si Tita sa amin. Halos magpaparty pa nga siya nung sinabi naming ayos na kaming dalawa.

Natauhan ako nang may nagsara ng pinto sa harap. Nandiyan na pala ang prof namin at mukhang ngiting ngiti pa siya. Mukhang may ipapagawa na sa amin to. Kasabay na pumasok si Seungmin at naupo na ulit katabi namin.

"Good morning class! Stay seated nalang because nagmamadali talaga ako. I have a meeting to attend so I'll make this quick and I'll dismissed you right after." Sabi niya agad pagkapasok palang. Nagwala naman ang classmates ko pero nawala rin yon nang ngisian kami ng prof.

Si Professor Ahn ang favorite ng lahat kasi bata palang siya pero alam mong magaling talaga. She knows us well kaya alam niya na mga galawan namin.

"I'll give you your project for my class at pagnatapos niyo na to, pasado na kayo at pwede na kayong di umattend sa class ko. But, you should also do well sa midterms and finals so I can give you perfect scores."

Imbis na matuwa ay nagpalumbaba kaming lahat. Kahit na ganon ganon nalang pumasa, sure kaming mahirap ang ipapagawa niya.

"Easy lang naman ang project ko. Since ang subject ko is Acting, your task is to do a short movie. It will contain information such as paano kayo nagkakilala at anong status niyong dalawa. You will film things na alam niyong extraordinary na nangyari between you two hanggang sa pasahan which is after ng finals. I want you to learn your different sides na pwedeng makatulong sa inyong dalawa lalo na sa mga weaknesses niyo na nakakahadlang in expressing yourself. Dahil expression is a point on learning acting." Paliwanag pa niya.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon