"Anong nangyayari dito?"
Lahat kami napatingin sa nagbukas na pinto. Nandoon si Tita habang nakapamewang sa amin.
Tumayo naman si Jisung mula sa lapag at nagulat din sa nakita niya. Magkakaibigan ba tong mga to? Isa isa ko ulit silang tinignan at binilang.
Naduling ata ako kanina dahil seven lang pala silang dumating. Nashook ata ako masyado, ang daming poging kaibigan ng pandak na Squirrel na to.
Nabalik ako sa katotohanan nang kalabitin ako ng katabi ko. Nagkatinginan kami ni Jisung and for once, nagkasundo kami ng iniisip. Sabay kaming napatingin kay Tita at ganon din si Tita sa amin.
Binigyan namin siya ng please makisakay ka nalang po look. At mukhang nagets naman ni Tita.
"Bakit pinagkakaguluhan niyo ang new recruit ng shop ko?" Tanong ni Tita dun sa pito kaya nakahinga kaming dalawa ng katabi ko.
Patago pa nga kaming nag-apir which is first time ever. Parehas naman pala kami ng plano.
"New recruit?" Napatingin ulit sa akin si Jeongin. Gulat na gulat pa rin ako nang tawagin niya akong Noona kanina.
Hindi ko naman kasing aakalain na magkaibigan pala sila ng pandak na Squirrel! What a small world nga naman.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may trabaho ka na pala agad dito sa Seoul?" Tanong pa ni Jeongin.
"Uhhhh, surprise?" I motioned na surprise pa sa kamay ko kaya mas maguluhan si Jeongin. Hala what to do?
Buti nalang at tumikhim si Tita kaya napunta sa kaniya ang atensyon. Omg I love talaga Tita!
"Hi T-tita?" Hindi pa ako sure kung Tita nga ba ang itatawag ko sa kaniya. Like duh! Alam nilang new recruit lang ako. Hindi nila alam na kilala ko talaga si Tita!
"Don't be shy, just call me Tita. At kayong pito naman, bakit hindi niyo sinabing pupunta kayo dito? At saka bakit kulang kayo?" Binalingan ng tingin ni Tita ang pitong lalake.
Si Jeongin naman ay binibigyan pa rin ako ng confused look kaya nginitian ko siya na naging ngiwi.
"May photoshoot si Hyunjin." Sinagot na ni Jisung yung isang tanong ni Tita dahil mukhang gulat pa rin yung pito.
"Magsusurprise sana kami." Gulat na tanong nung maputing lalake na blonde ang buhok.
"Pero mukhang kami ata yung nasurprise sa nakita namin." Dugtong naman nung lalakeng mukhang bear at kitang kita mo ang dalawang malaking ngipin niya sa harap.
"Bakit? Ano bang nakita niyo?" Kunot noong tanong naman ni Tita.
Sinamaan ko ng tingin si Jisung pero tumingin lang siya sa kung saan saan at nagpatay malisya.
"Etong babaeng to!" Napaatras ako nang biglang humakbang ang isang lalake papunta sa akin.
"Hoy hoy hoy!" Pigil nilang lahat na miski si Jisung ay hinarangan ako. Napapunta pa nga sa side ko si Jeongin dahil sa gulat rin.
Hala shems! Papatayin ata ako nito.
"Minho hyung huminahon ka nga!" Sabi nung pinakamaliit sa kanila habang hinaharangan yung Minho ata yon.
"Kung ano anong ginagawa niyo ha! Wag na wag ka na lalapit sa akin, Han Jisung tandaan mo yan!" Banta niya pa.
Tumakbo naman si Jisung sa kaniya at kumapit sa braso niya. "Babe, I can explain."
Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Sila ba?! Edi hindi pala straight ang isang Han Jisung?! What kind of revelation is this?! Totoo ba to?!
"I can explain ka diyan. Lumayo ka sa akin, di tayo bati." Binitawan na nila yung Minho pero ayaw pa rin umalis ni Jisung sa kaniya. Nakakapit ito sa braso nung Minho at ayaw umalis.
Napaface palm tuloy si Tita. "Kayong magjowa, pwede bang tumigil kayo?" Pigil ni Tita doon sa dalawa kaya kumalam yung Minho. Ako naman dito, hindi pa rin makapaniwala na totoong sila nga. Kasi miski si Tita ay alam.
Mukhang pinagloloko lang ata ako ng mga tao dito. Naguguluhan na ako.
Nagulat ako nang biglang tumingin si Tita sa akin. "Riley, halika dito!" Nagdalawang isip pa ako kung hahakbang ba talaga ako.
"IKAW SI RILEY?!" sabay sabay na sigaw nila. Nagulat pa ako at napakapit sa kamay ni Jeongin.
"Help." Bulong ko sa kaniya.
"Hyung! Tumigil nga muna kayo! Natatakot si Noona!" Sigaw ni Jeongin sa kanila kaya kumalma naman sila kahit papaano.
"Magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Tita sa akin.
"Yes po." Sagot kay Tita. Hinarap ko naman yung pitong lalake.
"Kilala niyo ako?" Kunot noong tanong ko. Sinamaan ko ng tingin si Jisung pero pasimple siyang umiling sa akin.
"Nakwento ka ni Jeongin sa amin." Sabi nung isa na ngiting ngiti pa kaya nagmumukha tuloy siyang aso. Cute.
This time, si Jeongin naman ang sinamaan ko ng tingin. Nginitian niya lang ako at nagtaas ng dalawang kamay bilang surrender.
"Sagutin niyo ako." Snap ni Tita kaya nabalik ako sa katotohanan.
"Nagkakilala po kami ni Jeongin nung middle school sa Busan tapos we've been friends ever since." Paliwanag ko at tumango naman si Tita.
"At bakit naman kinwento mo siya sa kanila?" Taas kilay na tanong ni Tita kay Jeongin.
"Baka pinilit." Bulong ni Jeongin or more like pinarinig niya.
"Hoy!" Sabay sabay na sigaw nila. Trip nilang sumigaw no?
"Nakita kasi ako nila Felix hyung sa mall kasama si Riley kaya nagtanong sila tungkol sayo. Hope you don't mind Noona." Tawa niya pa.
"Jeongin!" Diin ko sa inis. Tong batang to, napakadaldal talaga.
"Hoy wala ako diyan!" Sigaw naman nung malalim na boses. Nagulat pa nga ako sa boses niya eh, hindi kasi halata na ganon magiging boses niya.
"Anong wala? Ikaw kaya may sabi sa akin na kuhanan ko sila ng picture!" Banat naman nung pinakamaliit sa kanila.
"Tama na nga yan." Sabi naman nung maputing blonde yung buhok.
"Si hyung kasi, parang hindi naman nangchichismis kahapon." Sabat nanaman nung malalim na boses.
"Anong chismis?" Tanong nung Minho. Well sorry ha, siya lang yung narinig kong pangalan sa kanila.
"Yung kachat ni Jisung kahapon!" Nagsnap pa yung mukhang aso kung makangiti.
Nanlaki naman yung mata ni Jisung sa gulat kaya mas naguluhan ako.
"Ano bang sinasabi niyo?" O tignan niyo, pati si Tita naintriga.
"May nag-add daw po kasi kay Jisung kahapon." Sagot na nung mukhang bear.
"Oh ano naman ngayon?" Tanong nanaman ni Tita.
"Ah!" Napatingin ako kay Jeongin nang bigla siyang sumigaw.
"Ikaw yung babaeng kachat ni Jisung kahapon!" Sigaw naman nung Minho at may paturo turo pa sa akin.
"Hoy wag!" Sigaw ni Jisung kaya kumunot ang noo ko. Ano namang sinabi ng lalakeng to sa kanila?
"Na gusto mo daw si Jisung hyung sabi niya kahapon Noona."
Mas nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jeongin. Sinamaan ko ng tingin si Jisung kaya ngumisi siya sa akin.
What the heck, Han Jisung!
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...