141

354 25 3
                                    

"Yung Strays po, andito na sila."

Pagkarining non, lahat sila naalarma. Tumakbo ang anim palabas habang naiwan si Kihyun dito sa akin.

Hindi mo rin aakalain na muntik na silang magpatayan kanina sa sobrang alerto at tibay ulit nila. Buhay sa buhay naman kasi ang nakasalalay dito.

Mas lalo akong kinabahan. Ngayon, hindi nalang buhay ko ang nakasalalay, pati sa buong Strays.

I was praying na sana Strays lang ang nandito at hindi na sumunod ang mga babae. Sobrang daming buhay na ang nakataya, hindi ko kakayanin kung may dumagdag pa sa isa sa amin.

Amidst my thoughts, nakarinig ako ng kaluskos sa may bintana sa likod ko. Halatang pilit itong binubuksan.

Nataranta naman ata si Kihyun at binaril ang bintana ng tatlong beses. I looked at the window shocked.

Shit! Baka isa sa mga Stray yon!

Dahil sa gun shots, nasira ang bintana. Saktong namatay ang nag-iisang ilaw dito sa loob ng kwarto. Tinataasan ako ng balahibo, natatakot sa anong mangyari.

Until I heard a thud, nanggaling ito sa may bintana. Binaril ulit ni Kihyun ang parte na iyon kaya I shouted, more like muffled, him to stop dahil baka mapatay niya na kung sino o ano man iyon.

"Shut up!" He just hissed at me, ramdam din ang takot at nginig niya.

I closed my eyes and saktong pagkasara ko, I heard another thud. Napabukas agad ako ng mata ng wala sa oras. 

Gumagana na ang ilaw pagdilat ko. Nagpapatay bukas nga lang ito. Pagbaba ko ng tingin ko, I saw Kihyun. Nakahiga na siya sa lapag at wala na sa kaniya ang baril na hawak niya. I gasped, nagtataka sa sitwasyon.

Inikot ko ang tingin ko and started to cry. Nadadala at natatakot sa mga nangyayari. Hanggang sa may nagtanggal ng takip sa bibig ko and felt someone's embrace. Kahit hindi siya magsalita, I know this warmth.

"Riley..." I sighed in relief pero halata sa boses niya ang pagod at takot.

"Jisung." That was the first word I said hanggang pangunahan nanaman ako ng mga luha ko.

Mas hinigpitan ko ang yakap niya sa akin. Napabitaw lang ako nang marinig ko siyang mag-hissed.

"B-bakit..." I breathe nang makita ang braso at mga kamay ko pagkahiwalay sa kaniya.  It was full of blood. Basang basa pa at mukhang bago ang tulo.

I looked at him. His eyes was full of worry pero nagawa niya pang ngumiti sa akin. Napatingin ako sa balikat at braso niya, patuloy ang tulog ng dugo doon.

"You got shot!" Banggit ko kahit na obvious naman na.

"Okay lang ako, ang importante ay maligtas ka." He started untying the rope at my feet kaya mas nag-aalala ako.

"Bub, you're gonna run out of blood! Anong okay ang sinasabi mo!" I helplessly cried again, ayan nalang ang tanging magawa ko.

"Bub, pagsinabi kong okay lang ako, maniwala ka. Bala lang to, pero pag hindi kita naligtas mas ikamamatay ko." Mahinahong sabi niya para pakalmahin ako.

I started to palpitate, my whole body feeling weak as the ropes detached to my body. Manhid na ang buong katawan ko.

"Pagsinabi kong takbo, tumakbo ka na. Pagkabukas mo ng pinto, labas na yan. Nasa kabilang dulo sila Chan hyung, diretsyo ka lang nang takbo at wag kang titigil kasi gitna ng labanan ang tatakbuhin mo." Nahilo ako sa bilin ni Jisung.

"And you're coming with me?" That wasn't supposed to be a question pero yung bilin kasi ni Jisung ay parang namamaalam.

He finished untying the rope in my hands at pumunta na ulit sa harap ko. He slowly leaned forward and kissed my forehead.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon