010

556 21 8
                                    

- flashback 001

Seoul, South Korea

"MAMA SI JISUNG NANG-AASAR!" Sigaw ng isang seven years old na batang babae at nagsusumbong sa nanay niya.

"MAMA SI RILEY ANG ARTE!" Sumbong naman ng isang batang lalake na kasing taon nito.

Iniwan muna sila ng mga magulang nila kaya walang sumasagot sa kanilang dalawa.

Nainis si Riley kaya binatuhan niya ng barbie si Jisung. Sinalo naman ito ng batang lalake at pinugutan ng ulo.

"Wala ka ng bestfriend! Wah iyak!" Pang-asar pa ni Jisung kaya napaupo sa damuhan si Riley at umiyak nalang.

Natigil naman sa pagtawa ang batang lalake saka tinignan ang kalaro niya. Mukhang naawa naman ito at binalik ang ulo ng barbie kung saan ito dapat.

Dahan-dahang naglakad papalapit si Jisung kay Riley at lumuhod ito para pantayan siya.

"Ito na barbie mo." Tumingin naman si Riley sa kaniya bago punasan ang luhang tumutulo sa mata niya.

"Thank yo---"

Bago pa iabot ni Jisung ang barbie kay Riley, hinatak niya ulit ang ulo ng barbie at binato sa kalaro.

"Bahala kang ayusin yan! Iyak ka na ulit bilis!" Asar pa ulit ni Jisung kaya nainis na si Riley.

Binato niya ang sirang barbie palayo at kinuha ang limited edition na laruan na kotse ni Jisung.

Nanlaki naman ang mata ng batang lalake dahil handa nang ibato ni Riley ang laruan sa ilog.

"Lumangoy ka kung gusto mo!" Inis na sambit nito at binato na talaga ang laruan.

Sa pagkakatong ito, si Jisung naman ang napaluhod sa damo at nagwala habang umiiyak.

Nadatnan naman ito ng mga magulang nila at nagtaka sa itsura ng dalawa.

"Ano bang nangyari sa inyo?" Tanong ng nanay ni Jisung habang pinapatahan ang anak.

"Nasaan na yung barbie mo?" Tanong naman ng nanay ni Riley sa anak.

Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan sabay tinignan ang anak nila. Tumahan ang mga ito at nagsamaan ng tingin ang dalawang bata.

"MAMA NAKAKAIRITA SIYA!" sabay na sabi ng mga bata na siyang inilingan ng dalawang nanay.








- 1 year later

"Papa, saan ka po pupunta?" Tanong ni Riely sa tatay niyang nag-aayos ng gamit.

"Magtatrabaho si Papa sa Malaysia ha? Kaya magpapakabait ka." Sagot naman nito.

Tumango si Riley. "Syempre po Papa! Good girl po ako!"

"Sino pong kasama niyo?" Tanong pa ni Riley.

"Kasama ko yung Papa ni Jisung. Kaya wag kayong mag-aaway para hindi sumakit ulo nila Mama niyo ha?" Bilin ng tatay niya pero sumimangot si Riley.

"Mabait po ako pero bad po si Jisung! Sabihin niyo na nga lang po sa Papa niya na isama siya para masaya po ako." Inis na sambit ng batang babae kaya tinawanan siya ng tatay niya.

"Ikaw talagang bata ka. Sinasabi mo lang yan pero si Jisung lang naman kalaro mo."

"Eh kasi ang bad niya Papa! Papansin kasi! Tapos ang taba pa ng pisngi ang sarap tusukit kasi pacute siya!" Sumbong pa ulit ni Riley kaya mas tinawanan siya ng tatay nito.

"Hoy narinig ko yon! Ang cute ko kaya!" Sulpot ng isang batang lalake sabay binatukan si Riley.

Gumanti naman ang babae. "Pangit ka! Pangit kasi mukhang kang squirrel na pangit!"

Bago pa tuluyang mag-away ang dalawa, binuhat na sila ng mga tatay nila.

"Tama na yan. Magbabye na kayo sa mga Papa niyo."







- Last year of Grade School

"Aalis na ba talaga kayo?" Tumingin ang dalawang bata sa mga Mama nilang nag-iiyakan.

Hawak ni Riley ang malaking maleta niya kasama ang suot niyang malaking backpack.

"Pupunta kayo ng libing diba?" Tanong din ng nanay ni Riley sa kaibigan.

Tumango naman ang nanay ni Jisung. "Syempre naman. Si Tita yung namatay, naging parang nanay ko na rin siya."

"Mama, uuwi rin ba sila Papa?" Di na napigilang tanong ni Riley. Tumango naman ang nanay niya.

"Oo naman. Pero saglit lang rin si Papa mo tapos aayusin pa natin yung bahay sa Busan." Paliwanag ng nanay nito.

Matanda naman na si Riley at nauunawaan niya na ang mga nangyayari. Hinihintay niya lang na magpaalam ang dalawang magkaibigan, ang nanay niya pati ang nanay ni Jisung, at pumasok na siya sa kotse.

Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ng kotse, may kumatok sa bintana. Naikot ni Riley ang mata niya nang makita kung sino yon pero binuksan pa rin ang bintana.

"Pupunta na ba talaga kayo ng Busan?" Tanong ni Jisung.

Tumango si Riley at saka ngumiti. "Malalayo na rin ako sayo sa wakas! Wala ka na kaaway pero wag kang mang-aaway ng iba! Ako lang nakakatiis sayo, nako lang." Banta pa ni Riley.

"Kapal mo naman, hawak mo ba buhay ko? Ikaw yung wag maldita, ako lang din nakakatiis sayo." Balik asar naman ni Jisung. Napairap nanaman si Riley.

"Lumayas ka na nga dito, panira ka ng araw eh. Ang ganda ganda na maninira ka pa." Taboy ni Riley.

"Ayus ka, mamimiss mo lang ako." Asar pa rin ni Jisung.

"Asa ka! Wag ka na magpapakita sa akin!" Bulyaw niya pabalik.

"Wag ka na rin babalik!" Sagot naman ng isa at nag walk out, iniwan si Riley na inis rin.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon