140

385 22 2
                                    

Pinilit kong idilat ang mga mata ko. Sobrang bigat kasi nito at parang sinasabi sa akin na mas magandang hindi ko makita ang paligid ko.

Dilim lang ang sumalubong sa akin. Hindi ko nga alam kung nakapikit pa ba ako o hindi kasi wala naman akong takip sa mata.

Ramdam ko lang na nakatali ang mga kamay at paa ko dahil nagmamanhid na ito at hindi ko na maigalaw. Pati na ang katawan kong bagsak lang sa upuan at bigat na bigat.

Hindi ko na maiwasan ang mga luha kong nag-uunahan bumaba nang maalala kung anong nangyari. Gusto kong sumigaw pero pinipigilan ako ng bagay na nakatakip sa bibig ko.

Ang huling naalala ko ay ang mandilim ang paningin ko habang nasa YWTC parking lot ako. Naramdaman ko pa na pagtapos non ay sumakay kami sa isang kotse hanggang sa napunta na ako rito.

Nagulat ako nang biglang may bumukas na ilaw sa may ibabaw ko. Sobrang hina lang at anytine ay pwede itong mamatay. Kahit na maliit na ilaw lang iyon, nagliwanag nang kaunti ang paligid.

Sumalubong sa akin ang pitong mukha na hinding-hindi ko makakalimutan, ang MX.

Nanlamig ang buong katawan ko. Kahit na ganon, naglakas ako ng loob at gumalaw galaw sa pwesto ko. Nagpilit rin ako ng mga sigaw kahit na muffled sounds lang kung sakali ay may makarinig sa akin.

"Nagsasayang kang laway, Riley." Tinaasan ako ng balahibo nang marinig ang mahinhin na boses ni Kihyun.

Mas natakot ako nang ipanghawak niya sa mukha ko ang dulo ng isang baril na hawak niya sabay tawa.

Pero mas pinili kong sumigaw. Sigaw na alam kong wala naman nang ibang makakarinig kung hindi kami lang.

"Ang ingay, hindi niyo pa ba tatapusin yan?" Rinig kong sabi ng isa sa kanila. Hindi ko na binalak pang tignan kung sino kasi kahit paglingon ay wala akong lakas.

"Wag, kailangan natin yan." Bugang sagot ni Wonho, boses na hindi ko makakalimutan.

Nakatalikod siya sa akin pero kita ko ang masamang mukhang meron siya. Pati na yung mga titig niyang hindi mo kayang titigan.

Hinayaan nila ako kaya wala akong ibang ginawa kung hindi ay magpapansin sa kanila.

"Putangina ang ingay!" Tumayo si IM sa inuupuan niya at hinablot ang baril niyang nasa ibabaw ng isang lamesa sabay tutok sa akin.

"I.M PUCHA KA!"

Sobrang bilis ng mga pangyayari. IM pulled his trigger. Buti nalang ay naiwas agad ni Shownu ang tutok ng baril sa akin. Tumama ang bala sa mesa na katabi ko.

Tumigil ang tibok ng puso ko kasabay ng malakas na buhos ng mga luha ko. For fuck's sake muntik na ako mamatay!

Napatayo sa kinauupuan niya si Wonho saka kinwelyuhan si IM. Itinutok din niya ang baril sa ulo nito.

"Ano bang hindi mo naiintindihan ha! Gutso mo ikaw unahin ko!" He growled kaya naalarma ang buong MX pero nanatiling kalmado si IM.

"Sige gawa! Pucha ayan lang naman kaya mo eh!" Bulyaw naman ni IM.

Pinipilit silang ilayo ng buong MX sa isa't-isa. Sila-sila na rin mismo ang nabubuwag at gustong magpatayan sa harap ko.

"Putangina ito nanaman tayo!" Sigaw naman ni Jooheon sa kanila. Naghiwalay na rin ang dalawa pero kita mo ang matalim na tinginan nila.

"Ano, lagi nalang tayong ganito? Gago umayos kayo hindi na tayo mga bata." Sumbat naman ni Minhyuk.

"Putragis, tandaan niyo naman na mga buhay natin nakasalalay dito. Hindi tayo pwedeng magpalpak!" Turo pa ni Hyungwon sa akin at sa kanila.

Mas natatakot ako sa mga nangyayari ngayon. Kung kaya nilang patayin ang isa't-isa, na sila mismong makakaibigan, kaya nilang tanggalan ako ng buhay na parang wala lang.

Tinikom ko nalang ang bibig ko at pinilit na wag na lang magbanggit ng kahit isang salita. Pati na ang paghinga ay iniiwasan ko.

"Sawang-sawa na ako puta! Lahat na ng tao nadadamay natin!" Sagot naman ni IM.

"Tangina pinilit ko ba kayo?! Diba kayo rin sumama kasi gusto niyo ring maghiganti! Ano, itatapon nalang natin lahat ng pinaghirapan natin! Pucha ayan na oh, malapit na tayo!" Nanahimik sila sa mga sinabi ni Wonho. Nagtititigan lang silang pito doon.

Mas umaangat ang takot ko habang pinagmasdan ko lang sila. Miski ako ay nawawala na sa sarili ko. Nagbago ang mga itsura ng mata nila. Each pair have different stories and reasons to tell.

Pero hindi naman ata sapat yon para idamay ang mga inosenteng tao para sa kasiyahan o sa mga pagkukulang sa kanila.

Natauhan sila nang magkaroon ng tatlong malalakas na putok ng baril sa labas. Binunot agad nila ang mga hawak nilang baril at naalarma.

Pumasok ang isang tao nila. "Putangina ano yon!" Bungad ni Kihyun sa kaniya.

"Sabi ko wag kayo magpapaputok kahit anong mangyari!" Diin naman ni Wonho habang hawak ang kwelyo nung lalaki.

"Hindi po namin sinasadya. Ang bibilis po nilang kumilos." Sagot nito sa kanila.

Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig non. Napalunok ako at parang kilala kung sino ang tinutukoy niya.

"Sino?" Tanong ni Wonho, nagpapakumpirma lang sa mga taong dumating.

"Yung Strays po, andito na sila."

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon