046

464 26 7
                                    

- flashback 003

- Now Playing: Hurt Road by DAY6

"Bilis, ilalagay mo lang naman!"

Napatingin ang isang 7 years old na Jisung sa mga mga nagbubulungan. Nakita niya ang dalawang babae niyang kaklase na may hawak na papel.

Lalapitan niya sana ito pero natigil siya pagkarinig niya ng mga sumunod na salita. "Basta hindi ako malalagot nito."

Tumango ang isang babae kaya napanatag naman ang may hawak ng papel. Sinundan sila ni Jisung hanggang malapit na sila sa room nila.

Nasa harap pala ng mga ito si Riley na bukas ng konti yung bag. Dahan-dahan nilang pinasok ang papel sa bukas na bag nito at naunang pumasok.

Hindi na sila nahabol ni Jisung at nakapasok na rin ng classroom nila si Riley. Wala pa namang cctv sa corridor ng kanilang school at meron lang sa bawat classroom. Kung kaya't walang makakaalam ng nangyari kung hindi si Jisung at yung dalawang babae lang.

Hindi nalang ito pinansin ni Jisung dahil baka nagbibiruan lang sila. Isang pirasong papel lang naman iyon kaya hinayaan niya.

Hindi pa man siya nakakapasok ng room, nakita niyang aligaga ang kanilang teacher. "May nakakita ba sa inyo ng answer key natin para sa periodical? Nawawala ang copy natin."

Kumunot na lamang ang noo ng batang lalake. Tinignan niya si Riley na iniwan ang bag sa kaniyang upuan para tulungan hanapin ang sinasabi ng teacher.

Pasimple siyang dumaan sa upuan ni Riley para tignan ang papel na nilaagy ng mga kaklase niya sa bag nito.

Pagkakuha niya ng papel, tama nga ito. Nilagay nila ang answer key sa bag ni Riley. Para siguro pagbintangan siya.

Alam niyang marami nang gustong bumagsak si Riley dahil ito ang top 1 ng school. Lalo na ang dalawang niyang kaklase na laging pinapagalitan ng mga magulang dahil hindi nila ito mataasan.

Magsasalita pa lamang si Jisung nang unahan siya ng dalawang niyang kaklase na naglagay ng papel sa bag ni Riley. "Teacher! Nakita po namin si Riley kanina! Nilagay niya po sa bag niya!" Sigaw ng babaeng naglagay ng papel nito sa bag.

Agad namang tinago ni Jisung ang papel sa taranta. Hindi niya alam ang gagawin dahil baka hindi naman siya paniwalaan.

Maglalakad na sana ang teacher nila papalapit sa upuan ni Riley nang biglang sumigaw ang batang babae.

"Teacher! Nakita ko po si Jisung na may nilagay sa bulsa niya!" Sumbong pa ni Riley.

Dahil nga sa wala pang alam si Jisung, nilabas niya ito agad. "Nakita ko po ito sa bag ni Riley! Nilaga---"

"Pagbibintangan mo pa ako!" Agad na kontra naman ng batang babae. "Hindi naman kita inaano eh!"

"Eh hindi nga ako naglagay!" Sabat din naman ni Jisung.

"Eh bakit nakita kitang tinatago yan! Bakit hindi mo sinabi kay Teacher? Gusto mo siguro tumaas kasi bobo ka!" Naiiyak na sabi pa ni Riley.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon