048

503 23 8
                                    

"Hey, let's go! We need to find a good spot!"

Napatakbo kami sa sigaw ni Ate Helena. Kasama rin namin si Naomi at Chaebin. Hindi namin mahanap si Avery habang magkasama naman si Ate Max at Ate Cali na nasa SC.

Papunta kami ngayong Arena para sa first week concert. May mga booths and such din to celebrate the day. Ang ligalig tuloy ng lahat dahil pagpasok next week, back to reality na talaga.

Back to normal ang trato sa amin ng mga students. Parang walang nangyari kahapon at todo ngiti na sila sa amin. Binabati pa nga nila kami at nagtatanong kung okay lang ba. Sanay naman na daw sila dahil maraming gustong sumira sa kanila then pagnatapos na yung issue, back to nakangiti nanaman sa kanila yung mga tao.

Pero kahit na ganon, hindi naman sila naintimidate. Alam kasi nilang hindi nila mapeplease lahat ng mga tao kahit pa anong gawin nila at okay lang yon. Hindi naman talaga kami perpekto pero alam rin namin na hindi kami masasamng tao.

"Saglit, hindi ba natin hahanapin si Ave?" Tanong ko habang tumatakbo kami.

"Kasama niya si Hyunjin." Sagot ni Naomi.

"Kanino mo nalaman?" Kunot noong tanong ko.

Hindi sumagot si Omi at naunang tumakbo kasabay ni Ate Helena. Nagkatinginan naman kami ni Chae sabay tawa.

"May source kasi." Tawa pa ni Chae kaya natawa din ako.

Nakarating kami sa University Arena at mahaba na ang pila. Napabuntong hininga tuloy kami at sumunod nalang sa pila.

"Ugh, hindi tayo nakaabot." Hiningal na sigaw ni Ate Helena.

"Sinong may sabing hindi?" Napalingon kami sa nagsalita. Nagliwanag naman ang mata namin nang makita si Ate Max at si Kuya Chan.

Kasunod nila si Kuya Woojin at ngiting ngiti niyang pinakita sa amin ang backstage passes ID.

We squealed na napatingin pa sa amin yung mga students na malapit sa amin. Napatalon pa nga si Ate Helena habang tuwanag-tuwa na kumapit sa Fiance niya.

"Natuwa masyado?" Sabay na sabi ni Kuya Chan at Ate Max.

"Omg life saver ka talaga Woobear!" Sigaw pa rin ni Ate Helena at wala sa sariling hinalikan si Kuya Woojin sa labi.

Nagkatinginan kaming lahat sa dalawa and giggled. Natauhan naman ata sila and parted away.

"Oops, nacarried away." Sabi ni Ate Helena pero inilingan lang siya ni Kuya Woojin.

"Layas na, hindi niyo naman na kailangan pumila. Pasok na kayong backstage." Taboy ni Kuya Chan.

"Saglit lang, may pupuntahan kami." Biglang excuse ni Kuya Woojin.

Yung dalawang magjowa naman, tinaasan sila ng kilay sabay tawa. "Wag kayong maingay ha!" Asar pa ni Ate Max.

"Sira ulo, bibili kaming pagkain. Malapit na maglunch." Iling naman ni Kuya Woojin.

"Oo na, oo na. Bilisan niyo lang, may papatayin pa tayo." Tulak pa ni Kuya Chan dun sa dalawa.

"Pagsabihan mo mga anak mo ha. Akala ba nila hindi natin sila mahuhuli?" Inis na sabi naman ni Kuya Woojin.

"Anak mo rin yon tanga. Bilisan mo, wag mong pakainin. Di pa nga natin nakakusap." Sagot naman ni Kuya Chan.

Nagkatinginan kaming tatlo ni Omi at Chae sabay tawa. We don't know what happened pero ang aliw nila mag-usap. Akala mo para talaga silang mag-asawa na nag-aaway dahil may ginawa nanaman ang mga anak nila ng kalokohan. Ganon din naman yung dalawa sa boyfriend nila.

"Edi kayo na happy family." Iling ni Ate Helena.

"Baka gusto niyo kayo nalang magkasama?" Nakapamewang at pabirong tanong naman ni Ate Max.

"Sige, kami nalang. Tara hon." Hila ni Kuya Chan kay Kuya Woojin at hindi naman siya pumalag.

Napaikot nalang ni Ate Max at Ate Helena ang mata nila at hinarap kami.

"Susundan namin yung dalawa ha. Pasok na kayo ng backstage para hanapin yung iba." Bilin pa ni Ate Helena.

"Plus, wag magulo. Babalik din agad kami dahil may aasikasuhin pa kami sa SC." Tumango nalang kaming tatlo sa sinabi ni Ate Max.

Kumaway na sila sa amin sabay alis. Naiwan na tuloy kami dito kaya napagpasyahan naming pumunta munang booths.

Since hindi naman na namin kailangan pumila, mag-eexplore muna kami kasi idol namin si Dora.

"Uy!" Titignan palang sana namin kung sinong nagsalita nang mapansin kong may nakaakbay na sa akin.

Kusang bumilis ang tibok ng puso ko kahit na hindi ko pa nalalaman kung sino ang umakbay sa akin.

Hindi ko alam kung dahan-dahan lang ba akong humarap sa kaniya o sadyang nagsoslow motion lang yung paningin ko pag siya na ang haharapin ko.

At tama nga ako, it's none another than, Hwang Hyunjin.

Pinigil ko ang paghinga ko habang minataan ang dalawa na halata namang inaasar ako ng mga tingin nila. Naputol naman yon nang magsalita si Hyunjin.

"Nasaan si Babe?" Tanong niya pa.

Nakagat ko ang labi ko. Syempre, si Avery hahanapin. Wala naman na siyang ibang hahanapin sa amin kung hindi ang bestfriend niya lang.

"Hindi mo ba kasama?" Kunot noong tanong ni Omi.

Kunot noo naman siyang inilingan ni Hyunjin. "Hindi ah. Ayaw nga akong paalisin ni Ara." Pangalawang pangalan na binanggit niya, girlfriend niya naman ngayon.

"Mali ata yung source mo." Asar pa ni Chae kaya siniko siya nung isa.

Tumikhim naman ako kaya napatingin sila sa akin."Mabigat." Turo ko sa braso ni Hyunjin na nakapatong sa akin.

"Ay sorry!" Gulat na sabi niya at saka inalis na ang akbay niya.

Awkward akong tumawa. "Okay lang. Nabigla lang ako."

Bago pa magtuloy tuloy ang awkward conversation namin, sinalo na ni Omi.

"Findi your bestfriend, Hwang." Taboy nito.

Napakamot naman sa ulo si Hyunjin. "Nagpapabili ng milktea si Ara. Samahan niyo ako, ililibre ko kayo."

"Ay Under." Asar ni Chae. Napatingin naman siya sa akin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

Nginisian niya lang ako. "Si Riley din gusto ng milktea. Kanina pa siya nag-aaya kaya sama nalang kayo. Hahanapin nalang namin si Avery at saka si Ate Cali."

Hinawakan niya na si Omi sa braso at hinila ito papalayo bago pa ako magreklamo.

"Byeee!!" They both giggled pa.

I sigh and tumingin kay Hyunjin. "Ako kasama mo? Okay lang?"

Tumango naman siya. "Ikaw naman talaga isasama ko kahit ayaw mo. Kailangan natin maging close, madaya naman kung sila lang close mo." Ngumiti pa siya and swear, buo na araw ko.

I smiled at him para naman suklian siya. Hindi naman pwedeng siya lang yung ngumingiti, baka kasi mamaya makahalata pa siya.

"Tara na!" Energetic na sabi niya at bigla akong hinala. Hindi naman ako nakapalag dahil masyado akong struck sa kaniya.

In a short period of time, hindi ako makapaniwalang hulog na hulog na ako kay Hwang Hyunjin.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon