"Ang sweet niyo ha."
Napatingin kami sa nagsalita.
"Minho hyung!" Takbo agad ni Jisung dito. Ay nakalimutan ko, magjowa nga pala tong dalawang to.
"Bakit nandito kayong lahat?" Tanong ni Minho oppa at iniwasan si Jisung. Napasimangot tuloy si kupal.
"Bakit din? Cafe mo ba?" Taas kilay na tanong naman ni Changbin oppa.
"Hoy ang gulo niyo nanaman!" Suway ni Chae.
"Changbin hyung!" Biglang sigaw ni Seungmin na galing sa baba.
"Ano? May sunog ba?" Kunot noong tanong naman ni Changbin hyung.
"May naghahanap sayo sa baba." Sagot ni Seungmin at bumaba na. Ganon na rin si Changbin oppa na hinila pa si Chae kaya hindi siya nakapalag.
"Magigising si Lena!" Sabi rin ni Ate Max dahil ang ingay pa rin ng mga kasama namin.
"Ano bang meron diyan?" Turo ni Minho oppa kay Ate Helena na tulog pa rin despite sa kaingayan namin.
"Wag niyong gisingin." Biglang sulpot ni Woojin oppa sa kaniya. May bitbit itong tray na may pagkain na para siguro sa fiance niya.
"Wow naman hon. Sweet mo sana sa akin rin." Parang hurt na sabi ni Chan oppa with acting.
"Sira ulo ka. Nandiyan girlfriend mo, saka na pag hindi natin sila kasama." Kumindat pa si Woojin oppa kaya umaktong kinikilig si Chan oppa. Napaface palm nalang si Ate Max habang parang normal nalang sa iba ang nakikita nila.
Naguluhan ako. Sobrang out of place ko sa kanila tapos wala pa si Avery. Ano na ako ngayon diba? Wala akong alam sa mga nangyayari sa kanila.
"Gusto ata makipagbreak nito?" Sakay ni Ate Max sa trip nila.
"I think you should break up na talaga. My brother want Woojin oppa pa ata eh." Asar din ni Ate Cali.
"Hala wala ako diyan ha. Hoy hon, ikaw lang diyan. Alis na muna ako saglit, may gagawin lang ako." Biglang paalam ni Woojin oppa at agad na umalis dahil saktong tumunog ang phone niya.
"Uy sama ako!" Sigaw naman ni Chan oppa at sumunod kay Woojin oppa. Okay... I am: Confused.
"Alam niyo, kung hindi ko sila kilala baka aakalain ko talagang sila ni Woojin." Iling ni Ate Max sa boyfriend niya.
"Oo. Tignan niyo si Riley, out of place." Tawa pa ni Naomi sa akin kaya siniko ko siya. Ano ba yan, di na nga nila ako napapansin na awkward ako tapos pinoint out pa ni Omi.
"Uy okay lang ako! Continue nalang kayo, oorder lang ako." I forced a smile kaya natawa sila.
"Ako na bahala. Cheesecake sa inyo ni Jisung, yung original?" Ulit niya ng order namin. Tumango kami.
"And one americano for me." Mabagal na sabi ko. Ayoko talaga ng kape pero dahil sa kabobohan ni Jisung, I have to.
"Ikaw din diba?" Tanong nito kay Jisung.
"Chocolate chip frappuccino sa akin." Paglilinaw ni Jisung at tinanguan siya ni Omi.
"Ikaw Minho oppa?" Tanong din nito kay Minho oppa na busy sa kakagalaw ng mga libro ni Ate Helena sa mesa.
"Nakaorder na ako." Balik sa katotohanan ni Minho oppa. Lininaw lang ni Omi yung order then bumaba na para gawin iyon.
"Ano Babe? Hindi mo pa rin ako papansinin?" Tinusok tusok pa ni Jisung yung katabi niya.
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fiksi Penggemar"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...