028

502 20 0
                                    

Hindi na ako nagdalawang isip at sinalubong si Naomi ng yakap.

"OMG BAKIT HINDI MO SINABING NAKARATING KA NA PALA!" she squealed habang nagtatatalon kami. Nawala na nga sa isip ko na kasama ko pala si Seungmin.

"Surprise!" Tawa ko pa pagkahiwalay namin ng yakap.

"Bakit ka pala andito sa SC? Hindi ka pa ba pupunta sa block mo?" Tanong pa ni Omi sa akin.

"I was about to! Ikaw, bakit ka andito?" Tanong ko naman.

"May hinihintay sana ako." Awkward pa siyang nagsmile kaya hindi na ako nagtanong pa. Baka ayaw niya pa sabihin.

"Magkakilala kayo?" Kunot noong tanong ni Seungmin.

Mukhang nagulat naman si Omi nang makita si Seungmin. "Magkakilala kayo?" Tanong din nito.

Ako naman naguluhan. "Wait, ako nalang magtatanong. Magkakilala kayo?" Pagkatanong ko non, pinitik ni Seungmin ang noo ko kaya nasamaan ko siya ng tingin.

"Malamang. Parehas kaya kami ng grade kaya malamang magkakilala kami." Sagot pa ni Seungmin. Ang hirap din pala pag may brain cells yung kausap mo.

"We've met once. Pero kayo... paano kayo nagkakilala?" Putol ni Omi ng katahimikan.

"Nagtatrabaho siya sa flower shop ni Tita Jean at saka binilin siya sa akin for a week." Sagot naman ni Seungmin. Pagkatapos non, ang awkward na ng paligid.

Ano ba yan, ano bang meron sa dalawang to.

"RILEY JUNG!" napatingin kaming lahat nang biglang may sumigaw.

Nanlaki ang mata namin ni Omi dahil patakbong papalapit si Jeongin at Avery sa amin. Nagtutulakan pa nga sila para mas mauna kaya natawa kami. Pagkadating nila, niyakap nila agad ako.

"Omg namiss kita!" Sigaw agad ni Ave.

"Busan pa kasi." Parinig naman ni Jeongin.

"Naririnig niyo yon? Wala naman diba?" Sarcastic na sabi ng bestfriend ko kaya nairapan siya nung isa.

"Pag kayo nagkatuluyan, tatawanan ko kayo." Sabi naman ni Omi don sa dalawa kaya nag-apir kami.

Mukha namang nandiri yung dalawa kaya nagtukan pa sila papalayo. Arte arte eh.

"Ano yan, reunion?" Sabat ni Seungmin sa amin. Ay, nandito pa pala to?

"Hyung, bakit ka andito?" Tanong ni Jeongin sa kaniya.

"Binilin siya sa akin for a week. Papunta na sana kami ng room pero nandiyan naman na kayo. Pahatid naman siya, makakablock naman kayo. Tapos ikaw Jeongin, sa kabilang building ka pa kaya layas na. Magbebell na kaya." Pagkasabi niya non, umalis na rin siya.

Ginulo niya pala muna buhok ko sabay sabing magpakabait daw ako. Napasimangot tuloy ako. Ang kapal naman niyang guluhin buhok ko, di kaya kami close.

"Close kayo?" Tanong ni Omi na inilingan ko lang.

"Alis na rin ako! Baka malate pa ako eh first day na first day!" Kumaway pa si Jeongin sa amin saka umalis.

Nagkatinginan naman kaming mga babae sabay tawa. "Tara na nga at baka tayo naman ang malate." Aya ni Avery sa amin.

Si Naomi naman, tulala pa rin. "Block 1 ka rin?" Tumango lang ako kaya nagpasigaw siya. Excited masyado. At least marami na akong kaibigan sa block namin.

Hinila na nila ako papunta sa building namin, which is katapat lang ng SC building.

Nagpahila naman ako, duh wala naman akong alam dito sa JYP except dun sa mga pinuntahan ko nung inaayos ang papers ko for enrollment.

"Good morning!" Bati nung dalawang babae pagpasok namin ng room. Napatingin pa nga sa kanila yung students na nandito. So eto ngayon ang ate niyo, hiyang hiya kaya heads down lang tayo.

Pag-angat ko ng ulo ko, nasa upuan na kami. Nasa likod kami malapit sa bintana.

"Hi Riley!" Nagulat ako nang humarap sa akin ang tao na nasa harap ng inuupuan ko.

"Uy Felix!" Bati ko rin. Oo nga pala, kablock ko rin to. Kasama ni jisung at Seungmin pati yung isa nilang tropa na hindi ko kilala. Wala rin naman ako balak kilalanin.

"Wow, close kayo?" Sabay na tanong ng dalawang kaibigan ko.

"Bakit? Bawal ba?" Tanong naman ni Felix sa kanila.

"Omg! Kinuyog niyo ata si Riley nung nagtatrabaho siya kila Tita Jean!" Nakapamewang na sabi ni Avery kahit na nakaupo pa siya.

"Bakit alam niyong nagtrabaho si Riley kay Tita Jean? Kailan ka pa ba nakabalik?" Tanong naman sa akin ni Naomi.

"Last two weeks pa." Kamot batok na sagot ko.

"Tapos hindi ko alam?" Nakapamewang na rin si Omi.

"Hoy! Hinohot seat niyo naman si Riley! First day na first day ang init ng dugo niyo." Awat ni Felix.

"Sabi kasi ni Ave na nasa bakasyon ka pa daw kaya sinurprise nalang kita ngayon." Paliwanag ko na kay Naomi.

"At kayo naman!" Hinarap ko si Felix at Avery kaya sila naman ang nagulat.

"Bakit magkakilala kayo?" Tanong ko naman.

"Surprise! Yung tropa nila yung sinasabi kong mga kaibigan kong lalake!" Tawa ni Avery tapos nag-apir pa sila ni Felix.

Nanlaki naman ang mata ko. That means...

"Hoy bakit nagkukumpol kayo dito?" Napatingin kami sa taong umupo sa tabi ni Felix. Parehas pa kaming nagulat nang makita ang isa't-isa.

"Hoy Jisung! Awatin mo yung dalawa, nagkakalat ng lagim!" Utos ni Naomi sa dumating. Natauhan naman na siya saka nakipag-apir sa mga kasama ko.

"Magkakilala naman kayo diba?" Turo ni Felix sa aming dalawa. Ano ba yan, magkatropa pala mga kaibigan namin.

"Oo, nagtrabaho siya sa flower shop ni Mama." Maikling sagot ni Jisung habang ako naman ay tumango. Humarap naman siya kay Avery.

"Eh kayo?" Turo naman ni Jisung sa aming tatlong babae.

"We only met once! Pinakilala siya sa akin ni Avery." Sagot ni Naomi.

"We've been bestfriends since middle school. Kaming tatlo ni Jeongin, kahit na sila lang talaga ni Jeongin magkasundo." Paliwanag naman ni Avery.

"Ano ba yan. Ngayon kayo nagtanungan, may get to know naman mamaya." Awat ni Felix sa amin pero nag-shh lang si Naomi.

"Siya yung sinasabi mong bestfriend mo?" Kunot noong tanong ko.

Nagkatinginan naman silang apat sabay tawa. Punyeta, nagtanong akong maayos tatawanan lang ako? Magpalit na kaya akong nga kaibigan?

"Pauso ka. Crush ko kaya to!" Ngisi ni Jisung sabay taas ng kamay para makipag-apir.

Natigilan naman si Avery pero nakabawi rin agad at tinaggap ang apir ni Jisung. "Oo nga. Crush ko kaya to!" Sakay pa niya sa trip nung isa.

"Sige kayo! Since high school pa yang tawagan niyo! Pag kayo nagkatuluyan ewan ko nalang." Asar ni Naomi dun sa dalawa kaya patagong kinurot siya ng bestfriend ko.

Tinignan ko tuloy si Avery ng marami kang ikekwento sa akin look kaya tumango siya.

"Bestfriend mo ba kasi nasaan?" Tanong nalang ni Felix.

"Paparating na daw si---"

Natigil si Avery sa pagsaslaita nang biglang may pumasok ng room.

"Good morning!"

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon