080

450 22 1
                                    

- flashback 006

"Anong pangalan?"

Nilagay ng isang lalaki ang folder sa harap ni Wonho. Kompleto ang leaders ng MX ngayon, isang sikat na gang Seoul.

Kinuha agad ni Shownu ang folder at tinignan ang pictures na laman noon. Ito yung mga nangyari nung umuulan at binugbog nila si Hyunjin.

"Riley. Jung Riley." Sagot naman ng lalaki.

"Riley? Bago ba yan?" Tanong ni Hyungwon.

"Bagong salta sa tropa nila. Galing Busan." Si Shownu ang sumagot dahil nakayuko lang si Wonho habang hawak ang ulo, nag-iisip.

"At saka girlfriend ni Hyunjin." Dugtong ni I.M habang nakasilip sa folder.

"Sigurado? Panghahawakan ba talaga ni Hyunjin yan?" Tanong naman ni Wonho kahit na nakayuko.

"Sigurado boss, bestfriend lang rin niya yung Avery." Sagot nung lalaki.

"May bagong jowa agad yan?" Ngisi ni Jooheon. "Sabi na di tatagal yan dun sa isa."

"Kukunin mo?" Nagtaas baba pa ng kilay si Minhyuk.

Tinulak lang ni Jooheon ang mukha niya palayo. "Ulol!"

Wonho gritted his teeth. "Pucha kasi ang tanga tanga niyo!" Inis na sigaw nito kaya napayuko ang lalaki.

Natawa si Minhyuk kaya sinamaan siya ng tingin ni Wonho. Hindi naman siya natinag at inakbayan pa ito.

"Alam mo kasi, chill ka lang muna. Alam na nga natin kung nasan sila tapos nagmamadali ka pa rin."

Nainis lang si Wonho lalo at inalis ang kamay na nakaakbay sa kaniya. Nagtaas tuloy ng dalawang kamay si Minhyuk bilang surrender at lumayo.

"Kayo nga kumausap diyan. Give up na ko." Sambit pa nito at umupo na para magphone.

"Patingin nga." Hinablot ni Kihyun ang folder kay Shownu. "Puta ang ganda, balato mo na sa akin!"

"Asa ka namang papatulan ka niyan." Asar naman ni Jooheon.

Sumilip din si Hyungwon sa folder. "Ako nalang, ako kukuha tapos kayo na bahala." Nagtaas pa siya ng kamay.

"Ulol ka! Agawan mo pa ako ng trabaho, nauna na nga ako eh." Kontra naman ni Kihyun.

"Ako pass, ang corny niyan." Sabi naman ni I.M at sinamahan si Minhyuk sa paglalaro ng Ml.

Tinignan tuloy ni Wonho si Shownu. "May plano ka?"

"Malamang," natigil silang lahat at nagkumpol kay Shownu. "Ganito..."






Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon