047

503 29 13
                                    

- flashback 004

- Now Playing: Enemies by Lauv

"That's considered as cheating Mrs. Han. And also stealing."

Walang alam na nakaupo lang si Jisung sa may principal's office. Tumigil na ito sa pag-iyak dahil sinabi naman ng Mama niya na hindi siya galit.

Nakayuko lang siya at hindi alam ang gagawin. Wala naman siyang maintindihan sa mga sinasabi ng principal nila.

"If the board made their decisions, we're sorry to say na baka umabot na maexpelled ang anak niyo. School rules are rules."







"Ma," hila ni Jisung sa kamay ng Mama niya. Naglalakad sila ngayon papunta sa isang fast food chain.

"Ano po yung expelled?" Curious na tanong nito.

Tumigil sila sa paglalakad at lumuhod ang Mama niya para pantayan siya. Himinga ito ng malalim at nginitian ang anak niya

"Aalis ka ng school non, Sung. Gusto mo ba yon?" Dahan-dahan na tanong ng Mama niya.

Ngumiti naman si Jisung. "Saan po ako pupunta? Hindi ko na po ba makikita yung bad kong classmates?"

Hindi namalayan ng Mama ni Jisung na mapaluha. Napaka inosente kasi niya at alam niyang hindi magagawa ng anak niyang magnakaw ng answer key.

"Mama, bakit ka po umiiyak? May umaway po ba sayo?" Nag-aalalang tanong ng nito.

Agad namang pinunsan ng Mama niya ang kaniyang luha. "Napuwing lang si Mama, Sung."

"Dapat po nag-iingat kayo! Aawayin ko po mga nananakit sa mga importante sa akin!" Nagform pa ng fist si Jisung kaya napangiti ang Nanay nito.

"Sungie anak, bakit mo nagawa yon?" Seryosong sabi nito sa anak.

Natigilan naman si Jisung. "Hindi ka po ba naniniwala sa akin, Mama?"

Inilingan siya nito. "Syempre naniniwala si Mama sayo. Kaya nga nagtatanong ako bakit mo sinabi na ikaw kumuha ng papel na yon."

"Kasi po Mama nilagay po ng bad naming classmates yung papel sa bag ni Riley. Tapos po nagsinungaling sila." Paliwanag ni Jisung.

Bago pa magsalita ang Mama niya, dinugtungan pa niya ang sasabihin niya. "Pero bad rin po si Riley kasi kinampihan niya yung bad. Kaya galit po ako sa kaniya. Napatawag ka po tuloy."

"Hindi anak, hindi bad si Riley. You didn't explain what happened kaya nagalit siya sayo." Paliwanag naman ng Mama niya.

Mabilis na umiling si Jisung. "Bad po siya! Hindi naman po siya naniniwala sa akin."

Wala nang nagawa ang Mama niya kung hindi bumuntong hininga. "Pero muntik mo na mawala ang iniingatan mo."

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon