Hinintay kong kumalma si Kuya Chan. Nang mahimasmasan na siya, bumuntong hininga ako.
"Wag mo na ituloy Kuya, maiintindihan ko naman." Please, ayokong nakikita kang ganito.
Pero parang wala siyang narinig. Nginitian niya pa ako pero bakit ang sakit? "Hindi, kaya ko. Kailangan kong kayanin kasi nadamay ka na namin. Pasensya na kung ganito ako."
Hindi na ako nagsalita. Kung hindi ko siya mapipigilan, makikinig nalang ako. Pakikinggan ko.
"Pagkatapos non, kami na ang target ng pamilya ng buong grupo nila Wonho. Pati mga magulang namin nadamay na. Pati mga negosyo at trabaho nila nadamay. Pero hindi kami tumigil na magkakaibigan. Hindi namin hahayaan na makatakas lang sila sa mga pinaggagagawa nila. Halos sa ospital na kami sinusundo ng mga magulang namin kakabugbog at kakalaban namin. Lalo na pag may inaatake nanaman sila, hindi pwedeng hindi namin mailigtas yon."
"Dumating na sa puntong muntik na kaming paghiwa-hiwalayin. Natakot mga magulang namin na kami naman ang sumunod na mawala. Syempre nagalit kami, kung takot silang mawala kami, paano naman ang mga magulang ng mga sinasaktan at pinapatay ng MX na wala ring magawa. Ayon na nga eh, nakalaban na namin sila Wonho, syempre gusto naming tapusin. Nagalit din mga magulang namin sa amin, hindi na daw kami nakikinig. Hindi na daw namin sila iniisip."
"Dahil sa mga sinasabi nila, muntik na kami tumigil. Napag-isipan namin na baka nga tama sila, wala na talaga kaming magagawa. Kahit na ganon, nasa katawan namin na ituloy namin yung laban. Pero imbis na magrebelde, pinaintindi namin. Nanghingi kaming tulong kasi hindi namin kaya na kami lang."
"Ayon, nagtulungan kaming lahat. Pati yung mga magulang ng mga biktima tumulong na rin. Nanalo kami sa laban non. Napabagsak namin sila, sa wakas!"
"Nakulong silang lahat. Bumagsak ang ilang kompanya nung pamilya ng MX dahil sa mga balita. Natanggal sa trabaho ang tatay ni Wonho sa pagkapolice at nakulong din. Napanalo namin ang laban."
Napangiti ako, kita ko yung tuwa sa mga mata ni Kuya Chan. Pero agad ding napawi yon nang tumingala siya sa langit at unti unti nanamang tumulo ang mga luha niya.
"Hanggang sa nakilala namin si Jeongin..."
Si Jeongin. Yung masayahing batang yon, kilala ko siya masyado. Alam ko kilala ko siya masyado, o baka naman nagkakamali ako?
"Binubugbog siya nila Wonho."
Napahawak ako sa bibig ko sa gulat. "Ha? Paano? Diba?" Ayan lang ang lumabas sa akin. Walang proper na tanong. Nagulat ako masyado.
"Nakalabas na pala sila at naghihiganti sila sa amin. Patapos na ang 2000 line non ng middle school, tapos highschool na kami simula kay Changbin hanggang kay Woojin. Matagal din namin silang di nakita tapos ayon maabutan namin."
"Kung hindi pa namin sila nakita non, si Jeongin ang ireregalo nila sa amin. Walang buhay na Jeongin ang makikilala namin. Nanggigil kami. Walang gustong magpatalo. Napakahayup ng ugali nila."
"Naabutan nalang namin non, nasa ospital kaming lahat habang si Jeongin naghahabol na ng buhay. Sinisisi nanaman namin ang sarili namin non. Nadamay si Jeongin sa bagay na wala naman siya kaalam-alam. Hindi pa nga namin siya kilala, alam lang namin muntik na siyang patayin nung mga hayup."
"Nahuli agad si Wonho, siya nalang kasi ayaw umalis non kahit pa tinatawag na siya ng grupo niya. Siya nagpahuli, kasi mas maraming daw magtuturo sa kaniya sa kulungan at paghahandaan niya daw ulit kami. Nagtago naman yung iba habang hinihintay si Wonho na makalabas ulit. Pero alam namin, hindi na siya makakalabas kaya napanatag ang loob namin. Si Jeongin lang ang iniisip namin non."

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fiksi Penggemar"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...