052

500 27 8
                                    

"Hey! Andito us!"

Napatingin kami nang marinig ang boses ni Ate Cali. Napangiti nalang ako dahil ngayong araw, ngayon ko palang siya makikita.

Nilibot ko ang paningin ko at saka napanganga nalang sa sobrang dami ng tao. Hindi ko nga malaman kung students pa ba ng JYP ang mga nandito o outsiders na. May mga nakakatakas daw kasi sa guards na students galing ibang school gamit ang IDs ng mga kaibigan nila dito. Sanay naman na sila kaya hinayaan nalang, wala naman na silang magagawa.

We hopped papunta sa harap. First come, first serve ang pagkuha ng upuan, paunahan talaga. Since may backstage passes kami, para na rin kaming VIP sa concerts at nakareserve na ang mga upuan namin.

Hindi na rin kami dumaan sa backstage dahil crowded na at malapit na lumabas ang performers. Kinawayan agad nila kaming tatalo pagkakita nila sa amin sabay bigay ng banners.

"Uy balita ko nagdate daw kayo ni Jisung?" Asar ni Chae. Nagkatinginan kaming tatlo sabay nailing.

"Kung alam mo lang." Sagot nalang ni Avery.

Hindi naman na sila nagtanong. Kompleto na rin kaming mga babae at sobrang hindi mapakali sa excitement.

Napatingin rin ako sa banner na binigay nila sa akin. Dalawa ito, si Jeongin at si Hyunjin. Si Ate Max naman ay si Kuya Chan habang si Ate Helena naman si Kuya Woojin. Hawak naman ni Chae ang kuya niya pati si Kuya Minho at si Ate Cali ay si Felix. Si Naomi naman, syempre si Seungmin at kay Avery naman ang bukambibig niyang si Jisung.

Dalawa binigay nila sa akin para daw hindi ako masugod ng girlfriend ni Hyunjin. Hindi ko naman talaga to dapat kukunin kaso binigay na nga lang sa akin mag-iinarte pa ako.

Umalis din agad si Ate Max dahil siya daw ang emcee kasama si Seungmin. Pinuntahan niya lang daw kami to give the banners. Hindi niya rin naman binitawan ang banner niya, sinabi niya pa nga sa amin na dadalhin niya iyon hanggang sa umakyat siya ng stage.

Nag-usap usap pa kami habang naghihintay magstart. Bigla namang namatay ang mga ilaw kaya nagtilian na ang crowd, indicating na magsisimula na.

Umakyat na sa stage ang emcees kaya halos mangisay na sa kilig si Naomi. Iirap irap pa nga siya kanina na kunyari walang pake pero hindi niya mapigil ang feels niya.

"Ang ingay ha, dudukutin ko mga lalamunan niyan eh." Gigil na sabi pa nito kaya natawa kami.

"GOOD AFTERNOON JYPNATION!" Start ni Ate Max kaya naghiyawan kami. Syempre full support kaming Meys.

Sobrang ingay ng crowd na yung mga sunod na sinabi ng emcees ay hindi ko na narinig.

"LET'S START OUR FIRST WEEK CONCERT!" Ang tanging naintindihan ko sa mga sinabi ni Seungmin. Edi todo cheer na yung students.

Namatay ulit ang mga ilaw at pagkabukas ulit nito, may nakasulat na STRAYS sa may big screen. Nagwala bigla itong mga katabi ko. Ibig sabihin ba nito yung mga lalake to?

And I am right, nasa gitna si Kuya Changbin habang nagpapacute pa. Sobrang lakas ng hiyawan na halos mabingi na ako.

"HAN FREAKING JISUNG, I LOVE YOU!" Nakatayo na si Avery habang winawagayway yung banner niya kaya kulang nalang ibato ko siya sa stage.

At dahil rin part na ni Jisung yon, nasa harap siya at sure na rinig niya yon kasi nasa harap rin naman kami.

Sobrang nanigas sa kinatatayuan niya si Ave nang ngitian sabay kinindatan siya ni Jisung. Nagrecover lang siya nung natapos na ang part ng crush niya at part na ng bestfriend niya.

In my thoughts, sobrang whipped na talaga nitong babaeng to. Pero not gonna lie, Han Jisung is really attractive. Lalo na while he's performing.

Naalala ko bigla nung mga bata kami, he really dreamed to perform on stages. Sobrang natutuwa siya if he ever got on stage. Kahit magkagalit kami, I somewhat felt proud.

Dumating ang killing part ni Hyunjin. Tinulak tulak pa talaga nila ako para lang tumayo sa kinauupuan ko and I didn't regret.

Nahulog nanaman tayo sizt.

Pagkaupo ko naman, ramdam kong may mga masasamang mata sa akin. Alam ko, ako naman talaga ang may kasalanan. May girlfriend na nga kasi yung tao tapos sisingit pa ako dito. Ang galing naman Riley.

The performance ended. May ilan pang nagperform pero nadrain na kami sa isang performance ng Strays kaya nagrerecharge ang mga kasama ko for their unit stages.

The last three performances have started. Nagsimula ito sa unang unit Stage ng Strays na sila Jeongin.

Nakatayo kami ni Omi at Ate Helena to root for them. Sobrang todo na sigaw at halos sabayan namin ang kinakanta nila.

Sumapit pa nga sa point na naiyak si Omi sa sobrang ganda. At saka dahil na rin sa sobrang moved niya nung ngitian siya ni Seungmin.

Hindi na ako nakaupo nang lumabas ang next performers. Pupunta pa sana ako sa barricade para mas malapit pero may tumulak sa akin. So sila na yung nasa barricade.

Magrereklamo pa sana ako nang makita kung sino yon.

"I'm sorry." I quietly said.

"Stop bothering my boyfriend." Inis na sabi nito kaya hindi na ako umimik.

"Kakalbuhin ko talaga." Gigil na sabi naman ni Avery na nasa likod ko na.

"Hey stop, nasa public tayo." Sita naman ni Ate Helena kaya tumahimik na kami.

Hindi niya naman natigil si Chae na gustong mang-asar kaya umakyat ito sa inuupuan niya sabay hila ng banner ni Hyunjin at sumigaw.

"Go baby Hyunjin! We love you!" Napukaw nila ang atensyon ng malapit sa amin at miski ang tatlong nagpeperform. Sumabay pa kami sa kantyaw kaya sobrang ingay naming magkakaibigan.

Tawang tawa na sila pero they maintain their poise at tinapos ang sayaw. Ayon, di ko tuloy na enjoy stage ng crush ko. Aliw naman tong kaibigan ko kaya worth it!

Sobrang saganang entrance ang binigay ni Ate Max sa next and last performers. It's 3RACHA, unit group ng Strays at ang pinakainaabangan ng lahat.

It started. Hindi na dapat ako manonood dahil wala na talaga akong energy pero sa nakikita ko sa crowd, sobrang saya.

Kumanta ang lahat. Kahit na we didn't fully know the song kasi first time nila ipeperform at sila ang gumawa, nakikisabay kami sa beat.

Sobrang hype ng crowd and we can see Ate Max na nasa backstage cheering for her boyfriend. Nalagay pa nga siya sa big screen kaya nawitness nila ang scene.

Mas naghiyawan ang crowd. Ang cute cute kasi nilang tignan. Silang dalawa kasi ang power couple at best couple image ng university.

The song ended at naghahanap ng encore. But to be fair sa lahat ng performers, hindi nila ginawa.

They are the last one kaya sinundan namin sila ng tingin. And one thing I am amazed, sa isang tao lang ako nakatitig sa buong First Week Concert.

Nagulat din ako na hindi ang isang Hwang Hyunjin and tinititigan ko,

It's freaking Han Jisung.

This is so bad.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon