079

439 20 0
                                    

- flashback 005

"Sir, magsasara na po kami."

Nagising si Hyunjin sa kalabit ng gumigising sa kaniya. Napakurap siya at napakunot ng noo dahil hindi maalala kung nasaan na siya.

Kinusot niya muna ang mata saka luminaw. Nilibot niya ang paningin at naalalang pumunta nga pala silang gaming center kasama ang mga kaibigan niya.

Hindi naman siya naglaro dahil wala daw siyang tulog nung araw na yon kaya hinayaan siya. Ayon, nagising pa rin siya sa pwesto niya kanina at wala na sila.

Napunta ang atensyon niya sa isang guard na nasa harap niya. "Kanina pa po umalis yung mga kaibigan niyo, di po kayo pinagising." Sambit pa nito sa binata.

"Ah sige po. Pasensya na po sa abala at saka salamat." Tumango nalang ang guard at umalis na.

Napailing nalang si Hyunjin dahil iniwan nanaman siya ng mga kaibigan niya. Kinuha niya ang bag niya sa gilid at lumabas na ng gaming center.

Napatingin siya sa relo niya, alas otso na pala. Nagsend muna siya ng malutong na mura sa group chat kasama ang mga kaibigan niya saka nagpasundo sa driver nila. Tinatamad kasi itong magcommute ngayon lalo na at wala siya sa mood.

Matagal tagal pa naman siya bago sunduin dahil sabi nito ay kakain muna siya. Napagdesisyunan nitong kumain sa convenience store malapit sa JYP.

Makipot ang daan mula sa pinanggalingan niya kanina papunta sa lugar kung saan papunta siya ngayon. Madilim din dahil sira ang ilang street lights.

Nakayuko lang si Hyunjin at prenteng naglalakad. Hanggang sa natigil siya nang may gumulong na steel sa paanan niya. May bahid pa ng dugo ito.

Napaangat siya ng tingin. "Abot mo." Ang sumalubong sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya. May limang lalaki sa isang gilid habang pinapalibutan ang isang lalaki. Bugbog sarado ito at nagdudugo na. Itong isa naman na malapit kay Hyunjin, nakatungo at inaantay iabot ang steel sa kaniya.

Tumingin ulit si Hyunjin sa steel saka nilagpasan ito. Wala siyang ibang daan kung hindi ay sa kanila kaya wala siyang magawa kung 'di ay lagpasan sila.

"Gago to ah!" Inis na sambit nung lalaking nagpapaabot dahil nilagpasan lang siya ni Hyunjin.

Nasa kalagitnaan na siya nila nang may humawak sa braso niya. Napatigil siya at nilingon ito na may masamang tingin. Ito yung unang lalaki, yung nagpapaabot ng steel.

"Bitaw." Malaming na sabi pa nito.

"Ah matapang." Ngisi ng pangalawang lalaki na nakapalibot doon sa lalaking nabugbog.

"Hanapan mo yan." Utos ng pangatlong lalaki doon sa unang lalaki.

Hinayaan ni Hyunjin na buksan nito ang bag niya. Basta basta nalang rin nilalaglag ang mga gamit na para sa kanila ay walang kwenta.

Sunod ay ang bulsa ng pantalon ni Hyunjin, nakapa agad nila ang wallet nito. Labas palang ay alam nang maraming laman ang wallet.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon