101

527 27 3
                                    

Pagod akong napaupo sa sofa. Kani-kanina pa sila umalis at hindi man lang tumulong maglinis ang mga kupal.

Nag-excuse na agad pagkatapos kong magkwento. Tapos nagkaroon ng mga lakad bigla nung nanghihingi ako ng tulong maglinis ng mga kalat nila.

Ayon, mga pinalayas ko nalang ng bahay kaya tuwang tuwa sila.

Sinamaan ko ng tingin si Avery na tinatawanan ako. Pinag-stay ko kasi siya since gusto ko siyang isama sa dinner namin ni Jisung mamaya. Ayon nalang naman magagawa ko sa ginawang kalokohan ni Jisung kanina.

Bestfriend ko si Avery, alam kong nasasaktan siya kahit na tinatawanan niya ang mga asar ni Jisung sa akin. It's also my fault kasi sinasabayan ko naman. Siguro nasanay lang kami kasi ganon na kami simula bata.

"Sor---"

"Di mo kailangan magsorry sa akin." Putol ni Avery sa sasabihin ko. "Naiintindihan ko. At saka hindi ako jowa niyan ano ba, wala naman akong karapatan magalit."

Sumimangot ako. "Kahit na no! Dapat sinabi ko sayo agad, dapat nagkwento ako. Ang tagal na nating magbestfriend pero parang tinago ko yung nangyayari sa buhay ko."

"I told you, naiintindihan ko. Ano pa at magbestfriend tayo diba? Immune na ako diyan kay Jisung, alam ko namang walang gusto sa akin yan."

"Ave, naman." Yayakapin ko sana siya pero binatukan niya ako. "Aray! Para saan yon!"

"Ang drama mo!" Tawa niya pa. "Okay lang nga sa akin parang tanga to. Ang cute niyo nga eh."

Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpatay malisya lang naman siya at nagphone nalang para iwasan ang masamang tingin ko at ang pagpigil ng tawa niya.

Hinampas ko siya kaya natawa na siya lalo. "Oo na joke lang, ampota. Ayaw na ayaw mamsh?"

Inikot ko ang mata ko. "Ganito nalang, gusto mong sumama mamaya? Kakain lang ng dinner."

"Sino kasama?" She asked.

"Sino pa ba, syempre yung dakilang crush mong si Han Jisung. Tinatamad daw maghugas ng plato mamaya at saka susunduin na rin siguro si Tita."

Kumunot ang noo niya kaya nagtaka ako. "Welcome ba talaga ako diyan? Mukhang family bonding niyo eh."

"Ayan ka nanaman eh!"

"What? Seryoso ako. Syempre may mga limits ako no. Alam kong may mga bagay na sa inyo lang yon."

Bumuntong hininga ako. "Sama ka na, okay lang promise."

"Sige na nga, basta andoon ka ha."

"Ako ba talaga? Baka naman si Jisung?" Asar ko.

Saktong pang-aasar ko naman tumunog ang phone ko. Since mas malapit si Avery sa side table, kung asan yung phone ko, pinakuha ko sa kaniya.

"Bub mo tumatawag." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Pinakita niya pa sa akin yung phone at Bub nga ang nakalagay sa caller ID. Nanlaki ang mata ko at mabilis ko naman tong sinagot.

"Ano ba talagang problema mo Han Jisung?" Inis na bungad ko sa kaniya.

Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. "Ako agad pumasok sa isip mo sa Bub ha. Hindi mo pa nga ako naririnig magsalita."

"Ikaw lang naman kasi kilala kong makapal mukha. At saka tigil tigilan mo nga ang kakaasar mo!"

"Asar ba yon?"

"Malamang!" I shouted. "At saka gago ka! Kinuha mo nanaman pala phone ko! Pinalitan mo pa yung pangalan mo sa contacts."

"Tanga ka. Di pa pala kita napapagalitan!"

Kumunoy ang noo ko. "Para saan? Baka ikaw dapat pinapagalitan."

"Iniwanan mong bukas yung sliding door mo papuntang balcony. Kita mo na ngang delikado ka ngayon Riley napakatigas ng ulo mo. Buti nalang naisipan kong icheck kasi nung lumabas ako nung hatinggabi, hinahangin yung mga kurtina mo." Seryosong sabi niya.

Doon ko lang naalala. Oo nga, kaya pala nagtaka ako bakit ang lamig kagabi akala ko nananaginip lang ako.

Ngayon lang ako natuwa na accessible yung balcony sa kwarto naming dalawa. Kinasusumpa ko kaya yon, kaya minsan lang ako lumabas ng balcony eh.

"Edi thank you at saka sorry, mag-iingat na po. Pero hindi naman yon dahilan para palitan mo yung contact name mo no!"

"Bayad mo na yan. Wag mong palitan ha."

"Asa ka, di ko alam kung saang lupalop ka ba kumukuha ng kakapalan ng mukha."

"Oo na Bub. Daming sinabi, kilig na kilig? Nasa labas na ako ng bahay."

Pagkasabi niya non, binaba niya na yung tawag. Napatingin ako kay Ave at nagshrug lang siya.

"Ang intense ng pag-uusap niyo ha. Kakaiba nga kayo mag-away." Tawa niya pa.

Inilingan ko nalang siya at hinila na siya palabas ng bahay. Nilock ko ng maayos yung pinto before storming papuntang kotse ni Jisung at naupo sa passenger seat.

"Alam mo, kupal ka." Inis na sabi ko agad pagkasakay.

"Oo paulit ulit mo nang sinasabi sa akin yan eh tapos ayon pa pinangalan sa contacts niya pucha." Nguso niya pa. "Kaya pinalitan ko, ang cute kaya ng Bub." Depensa niya naman.

"Cute ka diyan? Mandiri ka nga! Walang cute paggaling sayo."

"Cute ako sabi ko, assumera ka naman." Malakas ko naman siyang hinampas kaya napasigaw siya sa sakit.

"Oo na ikaw na cute, tangina kailangan pa manakit."

"Hindi yon!"

Tinaasan niya ako ng kilay saka ngumisi. "Kiss nalang kita gusto mo?"

"Han Jisung!"

Tinawanan niya lang ako. Pulang pula na ata ako sa sobrang inis pero tatawa lang siya? Pasagasa ko kaya to?

At saka ayan nanaman yang kiss na yan. Isang sekreto nanaman na hindi ko masabi kay Avery. Feeling ko tuloy ang sama sama kong kaibigan.

Bwisit yan, kahit na ilang beses kong gustong kalimutan, di mawala sa isip ko. Tapos ibibring up nanaman nito yung salitang "kiss".

Nahalata niya namang naiinis na talaga ako ng bonggang bongga kaya tumigil na siya at saka nagseryoso.

"Oo na titigil na, baka mainlove ka na sa akin eh."

Dahil humirit nanaman siya ng asar niya, hinampas ko na siya ng maraming beses. Hanggang sa nahuli niya ang dalawang kamay ko at hinarap ako sa kaniya.

Napalunok ako nang makita ang posisyon namin. Dahil kanina niya pa hinahabol ang kamay kong hinahampas siya, ang lapit tuloy namin, specifically yung mukha namin, sa isa't-isa.

"Ehem."

Sabay kaming napaayos ng pwesto at napatingin sa likod. Nasapo ko ang noo ko nang maalalang kasama pala namin si Avery.

Tanga ka talaga Riley! Napakasama mong kaibigan! Bobo ka! Bobo!

"Sasama ka?" Agad na tanong ni Jisung. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tanong niya.

"Inaya ako ni Riley kaya..." sagot ni Ave bago ko pa masagot.

"Nagtatanong lang ako." Tawa ni Jisung sa sobrang tense up nitong bestfriend ko. "Welcome ka naman sumama lagi."

"Magdrive ka na nga! Malandi ka kasi eh!" Inis na sabi ko nalang kay Jisung.

"Oo na Bub."

Bago ko pa mabugbog, pinaandar niya na yung kotse. Hindi ko tuloy siya naistobo dahil baka mabangga kami.

Nakakainis ka Han Jisung! Masamang timitibok puso ko sayo, tigil ka na please.

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon