019

558 22 2
                                    

"Tita, I am here na po."

Tinignan ko ang bell na tumunog pagkabukas ko ng pinto. Kanina pa ako gandang ganda sa shop sa labas pala at mas namangha ako sa loob.

Nilibot ko ang paningin ko hanggang magstop ito sa may counter. Biglang nagbago ang mood at dumilim ang paligid.

"Wala si Mama." Bored na sabi ni Jisung sa akin habang nakapalumbaba siya at nilalaro ang hawak na pen.

"Bakit ka nandito?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

Kinunutan niya rin ako ng noo. "Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, bakit ka nandito?"

Inirapan ko lang siya at hindi sumagot. Bahala siya sa buhay niya, wala akong ganang sagutin siya.

Pumunta rin ako sa may counter at binaba ko ang chain bag ko. Lumibot pa ako ng tingin ng isang beses hanggang sa nakita ko ang isang pinto.

Pumasok ako doon at sinalubong agad ako ng amoy ng mga bulaklak. Ang soothing sa pakiramdam. Isa pala iyong garden na puno ng mga bulaklak at parang maliit na park sa laki kung tignan. May mga workers dito at kusa nila akong nginitian, napangiti rin tuloy ako.

"Si Tita Jean po nakita niyo?" Tanong ko sa kanila.

"Wala nga si Mama, ang kulit." Napatalon ako sa gulat at inis na tumalikod para harapin ang nagsalita.

"Pwede ba Han Jisung, lubayan mo ako?" Iritang sabi ko pa at tinulak siya papalayo sa akin. Ang kapal naman kasi niyang lumapit. Di kaya kami close.

"Sinasabi ko na ngang wala si Mama bakit ba ayaw mong maniwala? Mukha ba akong joke sayo?" Kunot noong tanong niya naman.

"Hindi ba halata?" Annoyed na sambit ko.

"Nandito naman kasi ako naghahanap ka pang iba." Napanganga ako sa banat niya. Ang kapal talaga ng mukha niyang mang-asar no?

Nakarinig naman ako ng mga asar galing sa workers kaya inapakan ko yung paa ni Jisung sa sobrang inis. Baka mamaya ano pang isipin nila.

"Girlfriend niyo po, Sir Han?" Tanong pa nung isa. Bago pa ako ako makaharap, pinigilan ako ni Jisung at ngumiti siya sa kanila.

"Cute niya no?" Banat niya pa ulit at hinila na ako paalis doon.

Narinig ko pa silang mang-asar for the last time bago isarado ni Jisung yung pinto. Ginagalit talaga ako ng lalaleng to, napaka kapal ng mukha!

"Pwede ba?!" Tinanggal ko ang kamay niya na nakahawak na pala sa wrist ko dahil hinila niya ako kanina.

Mas nainis naman ako nang bigla siyang tumawa. "Pulang-pula yung mukha mo sa galit! Baka sumabog ka niyan."

Binato ko sa kaniya ang malapit na spray bottle sa akin pero nasalo niya. Pwede bang tumama nalang sa kaniya yon? Like knock out agad ganon.

"Ang tanga mo pa ring bumato!" Asar niya pa.

Pinakalma ko ang sarili ko at hindi na lang pumatol pa sa mga asar niya. Ako lang naman mapipikon so hindi nalang ako makikisali sa childish acts niya.

"Asan nga ba kasi si Tita?" Tanong ko nalang.

Tumigil naman na siya kakatawa with papunas punas happy tears niya pa at hinarap na ako ng maayos.

"Wala nga, ang kulit. Paulit-ulit?" Irap niya pa sa akin.

Parang tanga talaga to! Kanina lang tatawa tawa tapos ngayon bitch face na siya. Ang sarap hampasin, bwisit.

"Alam kong wala. I mean is nasaan. Bakit wala siya dito." Paglilinaw ko na dahil baka hindi kaya ng peanut size brain niya.

"Nagtext ka daw kasi na malapit ka na kaya umalis siya para bumili ng pagkain. Saktong dumating naman na ako kaya pinahintay ka niya sa akin." Paliwanag niya na.

Pilit talaga nila kaming pinagsasama no? Akala ba nila hindi kami mag-aaway dahil matatanda na kami? Well no! Mas nakakairita na ang mukha ni Jisung ngayon kaysa dati. Mas nakakainit pa ng dugo dahil sumisimple pa siya ng mga pang-asar na banat.

Hindi naman kasi kailangan na porket magkakaibigan sila, dapat magkaibigan narin kami ni Jisung.

"Edi lumayas ka na. Doon ka na sa pinagmamalaki mong BAHAY MO." Diniin ko pa ang bahay mo para naman isaksak niya na sa baga niya.

"Ayoko nga. May dalang pagkain si Mama kaya ikaw nalang ang umalis." Taboy niya pa sa akin.

"Excuse me lang, nag volunteer akong tutulong ngayong araw dahil mabait ako, unlike you." I fired back.

"Mabait bait ka diyan. Iniwan mo nga si Mama na magbukas dito ng maaga dahil may lakad ka." Sabi niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ang kapal mo naman. Kinuha ko yung schedule ko. At least naman tutulong pa rin ako." Sagot ko pero nagmake face lang siya at ginaya ako.

Kung suntukin ko kaya to? Isa lang naman oh.

"Umuwi uwi pa kasi, dapat doon na lang siya sa bahay ng pinuntahan niya." Parinig ko. Tumaas pa yung kilay niya sa akin, tinalo pa ako bes.

"Baka mamiss mo ako eh, kaya umuwi agad ako." Ako naman ang tumaas ang kilay dahil nakahanap nanaman siya ng banat sa sinabi ko.

"Asa ka naman. Dapat nga hinampas pa kita ng malakas gamit yung walis para magkakalasog lasog yung katawan mo tapos sa ospital ka na habang buhay." Nagpout naman siya at nilapit ang mukha niya sa akin. Kusa akong napaatras pero dahil shelves ang nasa likod ko, dead end.

"Edi ikaw naman mamimiss ko?" Kindat niya pa sa akin.

Itutulak ko palang siya nang biglang nagring ang bell sa taas ng pinto, meaning ay bumukas ito.

"Tita Jean! Dalaw kami!" Sigaw pa nung dumating.

Nataranta ako at tinulak si Jisung palayo. Na out of balance siya at nahulog sa lapag pero I have no intentions na tulungan siya.

"Good afternoo---" natigil ako sa pagbati nang makita kung sino ang dumating.

Nalaglag ang panga ko nang makitang eight na lalake ang nasa harap ko at may isang tao na pamilyar sa akin.

"NOONA?!"

Lagot ka Riley!

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon