"Hoy bilisan niyo diyan!"
Sigaw ni Chae paglabas ng resthouse. Nasa loob pa kasi si Ate Cali, Naomi, Avery, Hyunjin at Felix para mag-ayos ng mga kalat at maghugas ng plato. Kakatapos lang kasi namin kumain ng dinner, slash barbecue party. Natalo sila sa batok batok pik kaya sila yung nasa loob. Si Ara rin nagpa-delay kasi mag-aayos pa raw.
Malalim na rin yung gabi, it's almost midnight na rin kasi. Naglilibot pa sa beach yung iba na wala sa loob ng resthouse habang nagreready na kami para sa bon fire. Naglagay sila ng mga logs to sit on para hindi kami sa mismong sand nakaupo. Nakaform iyon ng circle habang nasa gitna ang apoy. Nakapantulog na rin kami para toothbrush at higa nalang ang gagawin mamaya.
We skipped the alchohol din for tonight at hot chocolate lang ang mga hawak namin. Lumabas na ako ng resthouse at naghanap ng mauupuan since dalawa o isang tao lang kasya sa isang log.
I spotted Seungmin na mag-isa lang sa isang log kaya tumabi ako sa kaniya.
"Paupo ako." Pagpapaalam ko.
Napatingin siya sa akin. "Ayoko nga."
Humarap ako sa kaniya at sinimangutan siya. "Epal, gustong magsolo. Tatabi lang eh."
Natawa naman siya sa reaksyon ko kaya hinampas ko siya. "Ibubuhos ko talaga sayo tong hot choco na hawak ko, hindi ako natatakot." Banta ko pa.
"Putek nambanta pa." Iling niya at humarap na ulit sa apoy. "May nakaupo na kasi riyan."
Kinunutan ko lang siya ng noo kahit na hindi siya nakaharap sa akin. "Sira ulo, wala ngang tao rito. Anong nakaupo pinagsasasabi mo?"
"Nasa loob pa kasi. Inaantay ko lang lumabas." He explained at uminom sa hot hot choco niya.
Mas lalo akong naintriga. Nilibot ko ang paningin ko, magkakatabi sa isang log si, Kuya Chan at Kuya Minho, si Kuya Woojin at Jeongin, Ate Max at Changbin, habang mag-isa naman sa log si Chae. Kami pa lang naman ang nasa labas tapos may mga naglilibot din.
"Ang lalim ng iniisip." Tawa ni Seungmin sa akin tapos ginulo pa yung buhok ko kaya napabuga nalang ako ng hangin. "Tama na yan, sayang braincells. Uupo kasi girlfriend ko sa tabi ko kaya layas."
Mas lalo akong naguluhan ng bonggang bongga. "Ulol ka. Si Kuya Chan at Ate Max, Kuya Woojin at Ate Helena pati si Hyunjin at Ara lang naman ang magjojowa sa atin. Sino namang girlfriend sinasabi mo?"
Umiwas muna siya ng tingin nang tignan ko siya sa mata. "Di pwedeng imaginary? Pinapalayas lang kita ganon?"
"Che bestfriend kita tapos nagtatago ka ng sikreto." Kunyaring tampo ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
"Parang ako lang yung nagtago ng sikreto." Balik naman ni Seungmin sa sinabi ko.
"Anong sikreto ka diyan?"
Nagshrug lang siya. "Malay ko sayo, sekreto mo yon tapos sa akin mo itatanong."
"Mas may alam ka pa sa akin eh!" Bulyaw ko naman.
Mas natawa siya sa reaksyon ko. "Ayaw mo kasing tanggapin yung sekreto mo. Kailangan pinupush?"
"Hatdog ano?" Hindi maintindihan na tanong ko.
"Wala, ikaw lang makakarealize non. Puso ko ba yan?" His words stopped me. Mukhang alam ko na kung anong sinasabi niya.
Syempre hindi ko pinahalata at binalik sa kaniya ang topic. "Bahala ka na buhay mo. Tititigan kitang maigi peste ka, humanda ka talaga sa akin."
"Sige lang. Napakagaling mong ibalik sa akin yung topic pucha. Pagnalaman mo na, wag kang maingay ha."
I was shook by his words. "Seryoso ka talaga? Meron? Bakit hindi namin alam?"
Tumingin ulit siya sa akin at ngumiti. "Sikretong malupet. Kaya manahimik ka na, sinabi ko na nga sayo. Kaya pag ikaw, alam mo na din nararamdaman mo pakisabi agad. Layas na ron."
Hindi pa rin akong makapaniwala sa sinabi ni Seungmin at umupo nalang sa katabing log na inuupuan niya. Pasalamat talaga siya at medyo malaki ang bilog ng mga inuupuan namin kaya walang nakarinig sa usapan namin. May kaniya kaniya rin kasi silang usapan since hindi pa naman kami buo.
If totoo ngang may girlfriend siya sa barkada, what the fuck nalang talaga. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kaniya o hindi kasi paano ba naman, una, tinago nila sa barkada, pangalawa, bakit hindi namin nahalata.
I was lost in thoughts at saka ko lang napansin na may nakaupo na pala sa tabi ko nang binuggo niya ang tasa niya sa tasa ko na para bang nakikipagcheers.
"Tulala ka." Felix told me nang mapatingin ako sa kaniya.
"Wala, nagulat lang ako sa nalaman ko." I answered kaya nagform ng creased ang noo niya.
"What?" His low tone voice asked.
I shrugged at umiwas ng tingin para tignan ulit si Seungmin. Sakto paglabas ni Omi kasabay si Hyunjin at Avery. Pasimpleng umupo si Omi beside Seungmin. Inabutan pa nga ito ni Seungmin ng hot chocolate na para bang kanina niya pa ito inaantay.
Until it hits me, sila kaya talaga ni Naomi? Ayon ba ang update sa kanilang dalawa na hindi nila masabi? Seryoso na yon?
Kasi sa totoo lang, it was shocking. Napaharap si Seungmin sa gawi ko and signaled a shhh sign sabay ngiti. Napatango ako at nagmaintain na kalmado kahit na nagwawala na ako inside.
What the fuck talaga? Totoo ba tong binigay na information ni Seungmin sa akin o inuuto lang ako?
"Wala, nakalimutan ko na." Late reply ko kay Felix para na rin mawala ako sa thoughts ko at baka mas lumalim pa yon. Nako mahirap na, masabog pa ako niyan.
Before he could even react, Chaebin clapped twice para makuha ang mga atensyon namin.
"Laro tayo!" Si squealed, mukhang may balak nanaman to. "Never have I ever, without drinks!"
"Pano yon?" Tanong naman ni Jeongin.
"Easy, ganito. Taas niyo muna mga kamay niyo." Tumayo pa si Chae sa inuupuan niya para makita namin siyang lahat. Tinaas rin namin ang mga mga kamay namin. "Bawat daliri, isang buhay. Bali we have ten lives. Kada nagawa mo na ang isang bagay, baba isang daliri hanggang sa mababa mo lahat ng daliri mo." Tumigil muna siya at tinigann kaming lahat ng nakakaloko. "Para exciting, pag naubos na ang buhay mo, truth or dare ang kapalit. Pag may nakapag truth or dare na let's sleep na. Pagod na rin naman tayong lahat tapos maaga pa gising bukas."
"Game na, game na!" Sabay na sigaw ni Kuya Minho at Jisung, syempre maiingay eh.
Sumang-ayon naman kaming lahat. "Hoy labasan ng secret to ha! Walang KJ!" Bilin naman ni Avery.
Nagready na kaming lahat sa laro. Nakarinig kami ng tikhim kaya napatingin kami roon. It was Ara, kaya nagulat kami kasi nagpaparticipate siya sa mga kalokohan namin.
She smiled at us, a genuine one. "I'll start."

BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fanfiction"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...