105

454 25 6
                                    

"Bub, matagal ka pa ba?"

Mas nataranta ako sa sunod-sunod na katok ni Jisung sa kwarto ko. Hindi ako sumagot at binuksan nalang ang blower para hindi na marinig ang mga katok at sigaw niya sa labas ng kwarto ko.

"Riley naman, hinihintay nila tayo."

Okay, kasalanan ko naman talaga. Late akong nagising. Shit talaga, nahooked up ako sa binabasa kong twitter au na hindi ko siya natigilan basahin hanggat hindi siya tapos. Kaya papikit palang ako nung ginising ako ni Jisung.

Tapos na ang finals week at, nakalimutan kong ngayon yung trip namin sa Busan! Yup, my fault.

Hindi na ako nagulat nang buksan ni Jisung ang pinto ng kwarto ko. Natigil pa nga siya sa kinatatayuan niya dahil sa sitwasyon ngayon ng piligid.

Bukas pa ang suitcase ko kasi nakalimutan kong maglagay ng swimming clothes at saka ng slippers. Nakakalat pa ang ilang pouches ko sa bed na merong basic necessities at hindi pa nalalagay sa backpack ko. May ilang damit rin na nakaunhook sa may closet kasi hindi rin ako nakapili ng susuotin ko para ngayon. Sobrang messed up ko talaga today. Bad news pa, kami nalang ang hinihintay nila sa HQ kung saan ang meet up place namin.

Jisung looked at me with an open mouth na para bang gustong manghingi ng explanations pero walang lumabas sa bibig niya.

4:00 am niya ako ginising dahil alam niyang matagal akong kumilos. He even called me sa phone at tinadtad ako ng text. Pumasok na nga rin siya ng kwarto ko kanina. Sinabi ko sa kaniyang maliligo na ako non kaso natulog lang talaga ako.

5:20 am na ako nagising ulit at doon palang ako nagready. I started to panic na non kaya wala na akong nagawang tama. 6:00 am sharp pa naman ang alis namin kasi 6 hours biyahe papuntang Busan galing Seoul pag walang traffic. Ang schedule kasi ay nasa Busan na dapat kami by 12 pm or 1 pm at doon na kakain ng lunch.

"I'm so sorry..." I cried at pinatay na ang blower. Ah bahala na! Kahit hindi pa tuyo yung kalahati ng buhok ko okay na yon.

Napatingin ako sa wall clock ko at 6:00 am na. I started to cry, legit. Hindi kasi ako sanay na naghahabol ng oras at nagcacram kasi hindi kaya ng katawan ko yung stress na aabutin ko. I broke down.

Kinwento ko sa kaniya yung nangyari kung bakit ganito ang lagay ko ngayon kahit pa hindi siya nagtanong. Late, wala sa ayos, magulo at tired. I was crying the whole time habang siya pinapakinggan ako with a super worried face. Hindi niya alam kung anong gagawin.

Bago pa ako manghina sa legs at bumagsak, sinalubong na ako ng yakap ni Jisung. "Shhhh, okay lang. Tatawagin ko nalang sila at sasabihin malelate tayo. Maiintindihan nila. Please stop crying, ako na bahala dito, tuloy mo na pag-aayos mo."

Pinunasan ko agad ang mga luha ko at tumango sa kaniya. Hindi ko na afford magsayang ng oras. Kinuha niya agad ang phone niya saka lumayo sa akin. Pumasok ulit ako ng cr ko at naghilamos. Paglabas ko ng cr, inaayos na ni Jisung ang kalat sa bed ko at nakasarado na ang maleta at bag ko.

Walang nagsalita at pinagpatuloy ko ang pag-aayos ko. Inuna ko na ang paglalagay ng concealer sa ilalim ng mata ko dahil ang laki ng eyebags ko ngayon. Powder and lip tint lang rin ang nilagay ko. Mga kaibigan ko lang naman kasama ko, saka na kami mag-aayos pag magpipicture nalang o pag trip nilang magphotoshoot.

"May iaayos ka pa?" Tanong ni Jisung sa akin pagkatapos niyang malinis ang kalat ko sa kwarto. Umiling ako.

Nagulat naman ako nang unahan niya ako sa pagkuha ng blower. "Ako na, tignan mo nga kamay ko. Nanginginig ka pa. Okay na, hihintayin nalang daw nila tayo. Wala naman daw kaso yon."

Hindi na ako nakipagtalo para mabilis nalang kami. Siya tumapos ng pagboblower ko. Nang matapos, kinuha niya ang maleta at backpack ko at siya na ang nagbaba non. Nagsuot muna ako ng mask bago sumunod pababa.

"Jusko ko kayong dalawa, akala ko hindi na kayo sasama. Akala ko ba before 6:00 dapat nakaalis na kayo sa Seoul? Aba'y 6:30 na." Iling ni Tita. Natawa nalang tuloy kami.

"Sorry po, nalate po ng gising." Sabi ko nalang.

"O siya, nagready ako ng mga isshare niyo sa mga kaibigan niyo. Mga tinapay lang yan at saka kimbap. Tapos naglagay pa ako ng kung ano-ano." Dagdag pa ni Tita sa aming dalawa na para bang kinder kami na pupuntang field trip.

Kinuha ni Jisung yon at niready na ang mga gamit niya. Parehas kaming may dalang maleta at backpack. Sinuot na namin ang backpack habang siya naman, binitbit ang dalawang maleta.

"Ako na sa maleta." Hihilain ko sana ulit sa kaniya kaso binigay niya nalang ang paper bag ng mga pagkain.

"Ayan nalang, mas magaan yan." Sumimangot nalang ako at kinuha nalang yon. Wala naman akong laban diyan, magtatalo nanaman kami if ever.

"Asus, para akong magpapaalis ng anak kong bagong kasal at papuntang honeymoon." Bigla sabi ni Tita sa amin ni Jisung kaya nagulat kami parehas.

"Tita!" "Ma!" Sabay na reklamo pa namin. Nagawa pa talagang mang-asar ni Tita jusko.

"Biro lang. Sige na, makikita ko ulit kayo pagkatapos ng isang linggo. Umayos kayo ha! Tapos Riley, Hi kamo sa nanay mo."

Parehas kaming tumango sa huling bilin. "Alis na po kami, Tita." "Alis na po kami, Ma." Sabay pa kaming humakbang at humalik sa magkabilang pisngi ni Tita.

Nagsamaan pa kami ng tingin at nagsabing "Gaya- gaya!" Bago pa maging away yon, pinigil na kami at hinila ni Tita sa may pinto.

"Layas na aba, may mga nag-aantay sa inyo. Wag niyo na silang paghintayin."

Huling beses na tumango ako at nagsimula na maglakad, natigil lang ako nang may naglagay ng cap sa ulo ko.

"Lagi mo nalang nakakalimutan." Iling ni Jisung. Kinuha ko ang cap na isinuot niya sa akin at tinignan iyon sabay tingin sa may suot niya. Parang couple cap ang design non.

Nakalimutan ko nanaman ang cap ko pero wala na akong magagawa para mag-inarte sa suot ko, sobrang late na namin.

We waved goodbye at naglakad na papuntang HQ. 15 minutes walk rin yon pero hindi naman gusto mag-iwan ng kotse ni Jisung sa labas ng head quarter kasi baka wala na raw siyang maabutan pag-uwi namin.

"Dito na kami!" Sigaw ko pagkapunta namin sa HQ. Nagcheer tuloy ang mga kaibigan namin na nasa loob ng coaster.

Nag-aantay sa labas si Kuya Woojin at Kuya Chan na silang sumalubong sa amin. Tinulungan nila kami sa bitbit namin at sila na ang nagpasok sa loob.

"Hayup, meron palang mas malelate kay Hwang." Biro pa ni Seungmin na sumilip sa may bintana.

Natawa nalang kami at sumakay na sa Coaster. Malaki siya, 20 seaters kasi nakuha nila, given na 17 lang naman kaming lahat. Yung likod ng coaster, tambak lahat ng gamit namin doon.

Sobrang ingay sa loob, mukhang hindi nga nila napansin na halos isang oras nila kaming inaantay ni Jisung sa sobrang gulo at excited nila.

Natigil kaming dalawa ni Jisung sa harap kasi sumenyas si Kuya Minho. "Bunot kayo. Gitna at dulo nalang meron."

Tumango kami parehas at saka kumuha ng papel. Dulo ang nakuha ko kaya ibig sabihin ay gitna ang nakuha ni Jisung.

Naunang nakaupo si Jisung at katabi niya si Seungmin. Ako naman, dumeretsyo sa likod. Pagdating doon, napako ako sa kinatatayuan ko nang tignan kung sino ang katabi ko.

Ngumiti si Hyunjin sa akin. "Mukhang katabi kita sa biyahe." Tawa niya pa.

What the fuck? Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?

---

Konting pasilip lang pag naging jowa mo si Jisung HAHAHAHAHAHAHAHAHA.

LET'S GO PAPUNTANG BUSAN NA SA NEXT CHAPTERS! BUSAN TRIP TAYONG LAHAT!

Stay | Han JisungTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon