"Wala si tita?" Salubong ko kay Jisung pagkadating ko sa dining room. Siya lang kasi nakaupo don.
"Wala? Nakikita mo ba?" Pilosopong sagot niya.
Kusang umikot ang mata ko sa sagot niya. "Thank you sa magandang sagot ha, nakatulong."
"Magtatanong pa kasi eh, nakita na ngang wala." Tamad na sagot pa niya.
Hindi na ako nag-abalang makipagbangayan sa kaniya. Sabado ngayon so baka maagang umalis si tita para pumuntang flower shop. Tanghali na rin kasi ako nagising tapos naligo muna ako bago bumaba.
At saka mukhang busy kasi siya kaya ayaw paistorbo. Nagbabasa siya ng readings habang yung reviewers niya kalat-kalat pa sa mesa. Bukas pa nga ang word sa laptop niya na kalahati palang ng isang page ang laman.
Late na ako natulog dahil din sa mga yan. Ang dami ko pa kasing readings na inaasikaso plus nagrereview para sa midterms next week.
Pumunta akong kitchen at dumungaw kay Jisung. "Kumain ka na ba?"
Doon lang nag-angat ng ulo si Jisung at saka tinaggal ang salamin niya sabay kusot ng mata. "Hindi pa simula kaninang umaga. Di na nakapagluto si mama kasi nagmamadali siya. Di ko naman maiwan tong mga ginagawa ko."
Napatango ako. "Anong gusto mo?"
"Ikaw." Sagot niya lang at bumalik na sa ginagawa niya.
Napaawang ang bibig ko. Bago pa ako makapagreact ng bongga, dinugtungan niya na. "Ikaw bahala."
Napairap naman ako. Mang-aasar pa eh di nalang buuin agad. Gumawa nalang ako ng simpleng pasta at saka toast na may bacon and egg. Nagbrew na rin ako ng coffee saka nilagyan ng ice para kay Jisung habang ako nagtubig lang.
Pagkalapag ko palang ng pagkain namin, may nagdoorbell bigla. Nagkatinginan kaming dalawa ni Jisung. Sino namang magdodoorbell eh wala naman kaming mga bisita dahil ayaw naming malaman nilang nasa iisang bahay kami?
"Ako na." Sabi ko kay Jisung para di na siya maistorbo sa ginagawa niya.
Pumunta ako ng intercom at saka pinress yon. "Jisung!!!"
Pinatay ko agad ang intercom bago pa ako makita. "Shit! Yung squad mo nasa labas!"
"Ano?!" Tarantang tumayo si Jisung sa inuupuan niya. Lumapit siya agad ng intercom.
"Ang tagal mong lumabas, punyeta ka papasok na kami." Sa boses ay alam kong si Kuya Minho to.
"Wag!" Kontra agad ni Jisung. Napatingin siya sa akin. Saka ako sinenyasan ng, "Magtago ka!"
"Saan?!" Walang boses na sabi ko naman. Binalik niya na muna ang atensyon niya sa intercom.
"Nauulol ka na ba? Sinong kausap mo diyan?" Sure akong si Hyunjin to.
"Gago pre binabanggit ko lang readings ko. Marami pa akong gagawin magsi-uwi na kayo!" Taboy pa ni Jisung sa kanila.
"Tangina kailan ka pa nagbasa ng readings?" Si Seungmin naman to.
"Papasok na kami, mainit sa labas." Barumbadong sabi naman ni Changbin.
Narinig na namin yung bukas ng gate kaya nataranta na kaming pareho. Kinuha ko agad ang pagkain ko saka kami parang tangang nag-iikot sa dining area.
Sa sobrang taranta ni Jisung, may inangat siyang picture frame sa pader saka may pinindot doon. Sakto ang pagbukas ng isang pinto na kanina ay pader lang.
"Pasok, pasok!" Utos niya sa akin.
"Ha? Ayoko baka may kung ano pa diyan eh!" Tanggi ko naman.
Biglang bumukas ang pinto kaya dali dali akong pumasok at sinarado ang pader o pinto, ah ewan ko na! Nababaliw na ako.
May lock yon sa loob kaya nilock ko na. Sakto non ang pagsarado ng pinto ng bahay, it means ay nakapasok na sila.
"Lah gago bat pawis na pawis ka?" Sa boses ay tanong ni Seungmin to.
"Tamang work out lang habang nagrereview." Parang gagong sagot naman ni Jisung.
"Push ups habang nagrereview?" Di makapaniwalang tanong naman ni Felix.
"Hayaan niyo na yan, sariling trip niya." Tigil siguro ni Kuya Chan.
"Ang kalat ng kusina niyo. At saka nagluto ka?" Sa boses palang ay alam kong nagtataka na si Kuya Woojin.
"Ah hindi, si mama yan di niya naayos kanina kasi nagmamadali siya." Sagot ni Jisung kasabay ang pagtunog ng mga gamit sa kusina.
Nagbukas din ang tv kaya mukhang nasa sala yung iba. Di ko pa naririnig si Jeongin kaya baka dumeretsyo siya don o wala talaga.
"San si Tita?" Tanong naman to ni Kuya Changbin.
"Nasa flower shop na, kaninang umaga pa." Sagot ni Jisung. Halatang hinihingal at nag-iingat siya sa mga sinasagot niya. "Si Jeongin?" Tanong pa niya.
"Nagrereview, di na namin ginulo." Sagot naman to ni Kuya Chan. "Ikaw nagrereview ka rin pala, sasama ka ba sa amin"
"Ha?" Halata ang gulat sa boses ni Jisung.
"Dinaanan lang namin yung mga papadalang mga bulaklak ni tita, nasa garden daw. Di ka sasama?" Parang takang sabi ni Kuya Chan na nakalimutan ni Jisung kung anong gagawin nila ngayong araw.
"Ah, hindi. Nagpaalam na ako kay Mama. Magrereview pa ako, nakasalalay finals ni Riley sa akin diba?" Sabi naman ni Jisung.
"Pahinga ka muna, kawawa brain cells mo!" Rinig kong sigaw ni Seungmin. Nasa sala siguro to.
"Wala siya non tangeks. Kaya kesa sayangin mo diyan, dito ka na. Saglit lang kami dito!" Si Kuya Minho to na nasa sala rin siguro.
"Saglit lang kami, tatambay lang daw sila. Para na rin makapagreview ka, kawawa si Riley sayo." Assure naman ni Kuya Chan.
"Sige na, puntahan mo muna yung iba don. May dala kaming pizza. Ako na maghuhugas sa mga to." Si Kuya Woojin to. Akala ko umalis na siya kanina, nasa kusina pa pala.
"Hoy Jisung! Maglabas kang soft drinks!" Rinig kong utos naman ni Hyunjin.
Ang dami nang nagyayari sa labas nawalanan na ako ng pake. Madilim pa rin dito sa loob ng kung ano man at di ko mahanap ang switch.
Sakto ay may nasagi ako at nagbukas ang mga ilaw. Napanganga ako nang makita kung nasan ako.
Nasa isang maliit na studio ako! Sobrang daming gamit at may ilang instruments din. Complete din ang gamit for recording. Binaba ko ang pagkain ko sa isang tabi.
Hindi ko inaakalang may ganito sa bahay nila. At halatang ginawang secret talaga since may hidden door pa.
Dito na ako kumain. Matagal din akong kumain since madami yung nasa plato ko at saka wala pa akong kain ng breakfast.
Naiwan ko rin naman yung phone ko sa kwarto ko kaya kumakalikot nalang ako dito. Naamaze ako sa mga equipment. Di ko nga lang alam pano paganahin yung iba kaya di ko na ginalaw.
Naamaze pa rin talaga ako na may ganito sa bahay. For sure ay kay Jisung to kaya tatanungin ko siya mamaya.
Sa sobrang bagot ko na sa loob, kinuha ko na yung gitara. Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa labas.
Mahina lang yung mga tugtog ko nung una pero di ko namalayang naooverwhelmed ako at napapalakas.
Saktong nagbukas ang hidden door kaya nagulat ako. Nabitawan ko agad ang gitara.
"Shit!"
![](https://img.wattpad.com/cover/184077881-288-k538919.jpg)
BINABASA MO ANG
Stay | Han Jisung
Fiksi Penggemar"Wala akong magagawa kung ayaw mo sa akin!" - Riley "Ry" Jung Tropang Ligaw Series # 1: Han Jisung Han Jisung x Reader || Stray Kids Fanfiction || Date Started: 05 \ 01 \ 2019 Date Completed: 05 \ 24 \ 2020 [ Completed ] Written by: staysthetic ©...