LIGTAS SI ALEXIS

400 21 2
                                        

Sa Loob ng isang malawak at puting silid. Marahang idinilat ni Alexis ang kaniyang mga mata, kapagkuwan ay masusing sinisayasat ang paligid.

Nasaan siya? Unang katanongan na mabilis na umahon sa kaniyang isipan. Akmang kikilos siya sana para bumangon nang biglang makaramdam siya matinding kirot mula sa kaniyang hita dahilan upang mabilis siyang mapaungol sa sakit.  May sugat siya? Sa isiping ito ay dahan-dahang bumuhos sa kaniyang isip ang ilang mga ala-ala. Sa kung paano siya aksidenteng nasaksak ng Pekeng Tontawan. Kaalinsabay ng magkakasunod na pagputok na madirinig mula sa labas ng lugar na kaniyang kinaroronan at ang pamilyar na tinig ng isang lalaki na sa kaniya ay tumulong para siya ay makalabas sa pinagkulungan sa kaniya ng dalaga.

Ibigsabihin ba nito ay nakaligtas siya?

Vincent...

Si Vincent Logan ang nagligtas sa kaniya,kung ganoon ay nasaan ito?

Habang abala sa pag-inda sa sakit.Tinig ng isang babae ang mabilis na pumukaw sa kaniyang atensyon.
"Paumahin pero hindi pa ho' kayo maaring gumalaw."saad ng babaeng bagong dating. At doon lamang napagtanto ni Alexis na Isang nurse ang babae. At doon niya napagtanto sa kung nasaan siya at kung anong sitwasyon niya. Nakaligtas nga siya at si Vincent Logan ang tumulong sa kaniya.

"Miss. Nasaan ang naghatid sa akin rito?"mahinang sabi ni Alexis sa babaeng nurse. Ngumiti muna sa kaniya ang magandang nurse bago tumugon.

"Umalis na ho' si Mr. Logan, Sir. Ngunit, huwag ho' kayong mabahala.Naipabatid na namin sa husband mong si Mister Andrus Saavedra ang iyong kalagayan at ilang mga sandali lamang po' ay maaring---"

Hindi pa natatapos ang sinasabi ng magandang nurse ay magkakasunod na mabilis na yapak ng mga paa ang pumukaw sa kanilang atensyon. At ilang sandali lamang ay nababalot ng nag-aalalang mukha ni Andrus ang bumungad sa paningin ni Alexis. Mababanaag ang mabibigat na samo't-saring emosyon sa guwapong mukha ni Andrus at ang hindi maitagong takot na nag-uumapaw sa mga mata nito, at ang kapansin-pansin na pagod.

"W-Wife!"

Sa takot na mababanaag sa mga mata ni Andrus. Hindi napigilan ni Alexis ang masinghap nang masilayan ito. Ngayon lamang niya nakitang nagkaganito ang husband niyang. Ang lalaking hinahangaan, pinakahahangad at kinatatakotan ng ilang taong nakakilala rito. Ngayon ay kinakitaan niya takot at lubos na pagkabahala. Sa kauna-unahang pagkakataon ay napagtanto ni Alexis ang isang katotohanan na, mortal rin pala ang husband niyang si Andrus Saavedra.

Kapansin-pansin ang panginginig ng katawan ni Andrus at mabilis na paghinga nito. Akmang tatawagin ni Alexis ang pangalan nito nang biglang isang mahigpit na pagyakap ang bumalot sa kaniyang katawan, kaalinsabay ng nanginginig na mga braso ni Andrus ang pumigil sa mga salitang nagnanais kumawala sa kaniyang labi.

"Thank goodness! Oh gawd... salamat at ligtas ka! Salamat at ligtas ka..."nanginginig ang boses na saad ni Andrus.Hindi lang ang panginginig ng boses at mga braso nito ang pumukaw sa atensyon ni Alexis kundi maging ang tila mainit na mga likidong ngayon ay pumapatak sa kaniyang leeg.

Umiiyak si Andrus?

Wait--umiiyak talaga si Andrus?  Sa sandaling iyon pakiramdam ni Alexis ay para bang mabilis na nanuot sa kaniyang puso ang isang mainit na emosyon. Nagsimula narin niyang maramdaman ang dahan-dahang pag-iinit ng kaniyang mga at ang unti-unting pagsibol ng mga hinanakit na nagnanais kumawala sa dibdib niya. Sa mga oras na'yon ay nais niyang magsuplong sa asawa sa kung gaano siya nakararamdam ng takot sa mga sandaling nakidnap siya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto niyang ipabatid sa asawa ang takot na mawala siya sa mundo dahil hindi na niya ito makikita. Yes. Natatakot siyang hindi na makita at makasama ang lalaking mahal na mahal niya.

"Natakot ka ba wife? Sabihin mo sa akin...natakot ka ba mahal ko? Fck! I'm sorry kung wala Ako sa tabi mo. I'm sorry...oh gawd... sorry kung wala Ako sa tabi mo at ng anak natin. Masakit ba ang sugat mo? Masakit ba?"halos magkandautal na saad ni Andrus rason upang tuluyang bumagsak ang luha sa mga mata ni Alexis. Nang dahil sa nakikitang pag-aalala ng asawa, tuluyang binalot ng pagmamahal ang puso ni Alexis. Gustong-gusto niyang ipabatid sa lalaki ang lahat-lahat ng kaniyang hinanakit. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nais niyang magpakatotoo sa kaniyang sarili. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi na na niya kinakailangan ang maglihim o magtago ng nadarama.

The Possessive Husband (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon