LOUIE SAAVEDRA
"PUTCHA! Kilos!"malakas na sigaw sa akin ng may kalakihang lalaki. Tila walang pakialam ito sa katandaan ko bagkus ay marahas pa nitong ibinalibag ang hawak-hawak nitong kahoy sa pader na nasa tabi ko sanhi upang mapapiksi ako sa takot. Pakiramdam ko ay isang pagkakamali ko lamang ay maaring tumama sa aking katawan ang mahaba at makapal na kahoy na hawak nito.
"Hoy, matanda. Wala akong pakialam sa kung Sino ka at saan ka nagmula. Makinig kang mabuti ah--kayo ng anak mo. Hangga't nasa loob ka ng pangangalaga ko, bawal ang tatamad-tamad dito. Ngayon kumilos ka at linisan niyo ng anak mo ang banyo! Nagkakaintindihan ba tayo? Babalikan ko kayong mag-ama ha? At kapag bumalik akong hindi niyo pa nagagawang matapos ang pinag-uutos ko. Baldadong katawan ang aabotin ninyo."nakangising sabi nito bago naiiling na umalis at iniwan kaming mag-ama sa marumi at nakapandidiring banyo ng mga criminal. Yes. Pinakulong kami ng kakambal ko. Sa sitwasyon naming ito, masasabing may maliit na awa parin na ibinigay sa akin ang kakambal ko. Ngunit, sa bawat oras na dumaraan pakiramdam ko ay anomang oras ay puwedi kaming mag-ama na bawian ng buhay ng dahil sa mga taong criminal na sa aming mag-ama ay nakapaligid. At naniniwala ako na dahil ito sa kapangyarihan ng pamangkin kong si Andrus Saavedra.
"Anong---Pa! Hindi ba't gawain nila yan ngayon? Bakit pinagagawa sa atin?!"
"Tumigil ka! Hindi na Ikaw ang boss ng mga taong 'yan kaya manahimik ka!"
Naisin man naming umalma ng anak kong si Arnold. Wala kaming magagawa. Karamihan sa mga taong nasa loob ng kulungan na ito ay ang mga taong minsan rin ay naging taohan ko. At ang mga taong ito ngayon ay pinupuno ng galit dahil sa maraming dahilan. At dalawa lamang sa mga rason na ito ay ang kakulangan ng bayad namin sa kanilang serbesyo at ang kalupitan na ipinakita ng anak kong si Arnold sa kanila.
"Pagbabayarin ko sila Papa! Pagbabayarin ko ang Kapatid mo ang mag-amang Ambrosio at Andrus Saavedra na'yon. Nang dahil sa kanila ay nagkaganito tayo!"
Pagbabayarin? Tsss...
Naisin man naming gawin iyon ngunit sa sitwasyon namin ngayon? May magagawa pa ba ang galit namin?
Labag man sa aking kalooban. Nakayukong kinuha ko ang sabon at baldeng may tubig bago magsimulang linisin ang nakapandidiring banyo. Sa kinakaharap na sitwasyon kong ito, muling nanumbalik sa aking ala-ala noong mga panahon pa na hindi pa nagaganap ang aking pagbagsak. Maayos ang pagsasama namin ng kakambal kong si Arthur. Katulad ng isang normal na magkakambal, malapit ang loob namin sa isa't-isa. Ang totoo ay minahal ko bilang nakababatang kapatid ang twin brother ko. Ngunit...kailan nga ba ako nagbago?
Kailan nagsimulang mabalot ng galit at paninibugho ang aking puso?
Habang abala sa paglilinis ng banyo. Galit na sigaw ni Arnold ang pumukaw sa aking atensyon at nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.
"Fck! Pa, narinig mo? Narinig mo 'yon? Tuluyang pinutol ng kapatid mo ang ugnayan natin sa Saavedra! Sinasabi nilang hindi na tayo parte ng Saavedra!"nag-uumapoy ang mga mata sa galit na saad nito bago walang alinlangan na itinapon ang basahan na hawak-hawak nito.
"Arnold...huminahon ka."sa nakikita kong galit sa mga mata ng nag-iisang anak ko. Para bang muling dinala ako ng mga ala-ala sa nakaraan ko. Nang dahil sa inggit ko sa mga pagpupuri, pagtanggap at pagkilala sa kakayanang at katalinohan na natatanggap ng kakambal ay unti-unting sumibol sa aking puso ang ugat ng inggit at selos. Gustong-gusto ko noong maangkin at magawang lampasan ang bawat pag-aari at mga narating nito. Ngunit, saan Ako ngayon dinala ng galit at inggit ko? Sa kulungan. Hindi ko man naisin o matanggap sa aking Sarili ang katotohanan ito. Tunay ngang wala kaming kalaban-laban sa pamilya ng kakambal kong si Arthur Saavedra.
Nagpatuloy Ako sa paglilinis na aking ginagawa at tila walang nadirinig sa mga salitang nagmumutawi sa labi ng anak kong si Arnold. Hindi ko man matanggap, matanda na ako para sa maghigante. Ang pinagsisihan ko lang ay nagawa kong idawit sa kaguluhang ito ang anak kong si Arnold.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
