PAGPAPATULOY
;----------------------;
Sa loob ng isang magarang Mansion ng Amore Family. Magkaharap na nag-uusap ngayon ang apat na magkakaibang sina Andrus at ang magkapatid na sina Enzo at George at ang binatang si Eduard Montenegro.
Marahang bumaling si Eduard sa ngayon ay tahimik na kaibigan bago nagsasabing,
"Andrus. Natagpuan ko na ang taong sa akin ay iyong ipinapahanap."sa sinabi niyang ito ay agad rin namang bumaling ang magkapatid at tila interesado sa impormasyon na isasaad ng kaibigan.
"Talaga."tugon ni Andrus na ngayon ay kinakitaan na ngayon ng insteres na reaction sa mukha.
Ang totoo ay inabot ng tatlong-buwan bago magbunga ang paghahanap na ito sa isang tao. Ang paghahanap sa tunay na Miss Tu ng Tontawan family. At dahil hindi maaring maghanap ng paibabaw kung kaya ay kinakailangan nilang maghanap ng pailalim at sa tulong narin ng mga taong pinagkakatiwalaan ni Eduard Montenegro.
"Natagpuan siya ng mga taohan ko sa isang bahay-ampunan. Ayon sa mga madre na nakapulot sa kaniya, natagpuan nila ang dalaga na walang malay, duguan at sugatan ang katawan at may ilang ala-ala na kaniyang nalimotan. Nang dahil dito ay nahirapan silang mahanap ang kataohan ng dalaga at nagpagdesisyonan na manatili muna ito sa kanilang lugar upang makaiwas sa posibleng panganib para sa buhay ng dalaga."
Ayon sa mahabang sa pagpapatuloy ni Eduard. Baliw ang babaeng pekeng Tontawan, at nagawa pang pag-eksperimentohan ang katawan ng dalagang Tontawan sanhi upang magkaroon ng kaunting problema sa tamang pag-iisip nito. Ang katawan ng babae ay paulit-ulit na tinurukan ng magkakaibang uri ng druga, sanhi upang dumaloy ang mga bawal na gamot na ito sa utak nito at magkaroon ng damaged na humantong sa pagkakaroon ng IQ na tulad sa isang Limang Taong gulang na batang babae. At kung 'yong susumahin ay lubos na katakot-takot ito. Sa isipan ng tatlong binata ay wala man lang ni isang nakapansin sa pagkakapalit ng kataohan nung peke at orihinal na Miss Tu sa pamilyang Tontawan? S tingin nila ay imposibleng mangyari ito. Maaring natakot ang head ng Tontawan at Ama ng tunay na Tu sa maaring kalalabasan ng lahat ng ito. Ang malaman ng lahat ang kaniyang sekretong pagtataksil noon. Pinanatili niyang lihim ang pagkakapalit ng kaniyang legitimate child at anak sa labas upang mapangalagaan ang kaniyang lihim.
"Sa tingin ninyo... Saan nagsimulang magbago ang dalagang Tontawan?"
Takang pagtatanong ni Enzo sa tatlong kausap nito.
"Nung huli naming pag-uusap."tugon ni Andrus.
At sa kasagotang ito ni Andrus ay mabilis na tumahimik ang tatlo at ilang sandali muna bago nagsalita si Enzo.
"Andrus. Kumilos na ngayon ang mga tao ko sa loob ng Tontawan Company. At sa ngayon ay masasabi kong nagkakagulo na ngayon ang Kumpanya nila."nakangising sabi nito bago siniko ang walang emosyon na mukha ng kapatid nitong si George.
"So... Anong kapalit ng pagsusumikap ko?"
Sa sinabi nito ay mabilis na sumilay ang ngiti sa labi ni Andrus kapagkuwan ay mabilis na napalitan ito ng isang sarkastikong ngiti.
"Huwag kang mag-alala magiging Ninong Ako sa kasal mo at ng pinsan kong si Thanya."sa sinabing ito ni Andrus ay mabilis na nagbago ang expression ng mukha ng dalawang binatang sina Enzo at Eduard na agad rin namang napansin nina George at Andrus rason upang mabilis na mapaangat ang kilay nila sa isa't-isa. Mukhang hindi magiging magaan ang daan para sa pag-ibig ng dalawa.
At sa isipan ni George Amore. Ngayon palang ay nagsisimula ng mabahala ang kaniyang puso para sa daan ng pag-ibig na tatahakin ng kapatid. Iisang babae ang tinitibok ng puso ng dalawa. Kaibigan o kapatid? Mahirap mamili sa kung saan ka papanig.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
