Tigagal ang mga matang napatitig si Krystal sa ngayon ay walang emosyon na mukha ng lalaking nasa harapan niya. Hindi pagkapaniwala ang bumalot sa buong mukha nito sa kung paano nagbago ang sitwasyon at kaniyang mga plano. Subalit sa kabila ng lahat ng iyon ay mabilis na sumilay sa kaniyang labi ang isang mapait na ngiti.
Sa huli siya parin ang natalo. Sa huli ay naglaho parin sa kaniyang palad ang lahat-lahat. Ang dating masayang buhay na inaakala niyang kaniya ay tuluyan na inagaw sa kaniya ng gher na kinamumuhian niya. What if, tinapos na niya ang buhay ni Alexis noong maliit palang sila? Maayos kaya ngayon ang buhay niya? Kung pinatay na sana niya noon si Alexis disin sana'y masaya ang buhay niya. Sa isiping ito ay hindi napigilan ni Krystal ang luhang dumaloy sa kaniyang maamong mukha.
Siya dapat ang bida e, sa kaniya dapat ang lahat-lahat ng mayroon si Alexis. Ngunit mapaglaro ang tadhana.Tigagal ang mga matang muli niyang itinaas ang duguang braso sa direksyon ni Alexis. Yes, duguan ang kanang braso niyang may hawak-hawak na baril dahil binaril ito ni Sebastian. Nanginginig dahil sa sakit at kirot, nakangising walang alinlangan niyang muling itinutok ang baril sa direksyon ng nakahandusay sa sahig na si Alexis bago akmang muling papaputukin ito nang biglang muling dalawang malakas na putok ng baril ang muling tumama sa kaniyang katawan. At sa pagkakataon na ito ay ang kanyang kaniyang mga paa sanhi upang tuluyang bumagsak sa semento ang katawan niya. At sa pagkakataon ding ito ay si Andrus na ang bumaril sa kaniya. Sa puntong iyon ay hindi na nagawa pang pigilan pa ni Krystal ang mga mapapikit sa walang habas na luhang bumuhos sa kaniyang mga mata at kasabay nang mahinang pagtawa na nababalot ng magkahalong mabibigat na mga emosyon na siyang umalingawngaw sa tahimik na buong silid. Nagsimulang manginig ang buong katawan ni Krystal. Damang-dama niya ang magkahalong takot at hinanakit sa kaniyang dibdib. Bakit ba hindi man lang siya binigyang pagkakataon na lumigaya? Sa mga oras na'yon, pakiramdam niya ay marahas na binalot ng napakalamig na yelo ang puso niya,naninigas ang katawan niya, hindi niya ito en makilos. Wala sa sariling pinakatitigan niya ang mga dugong dahan-dahang dumadanak sa sahig. Kulay pulang likidong nagbibigay kulay sa kaniyang mga paningin. Kulay na nagpapahiwatig ng kabiguan niya...no, mali, kulay na waring pinagtatawanan siya ng dahil sa kahinaan niya at kawalang abilidad na matalo ang male conceiver na siyang kinamumuhian niya. Tsss....duwag at talonan talaga siya. Tila ba ito ang dalawang salitang paulit-ulit na isinasampal sa kaniyang mukha ng kulay likidong dumadanak sa sahig na nagmumula rin sa sugat niya.
"Alexis... kinamumuhian kita..."nauutal na sambit ni Krystal bago marahang ibinaling ang paningin sa kisame ng silid kapagkuwan ay paimpit na nagpakawala ng malalim at nanginginig na hininga. "Alexis...Bakit ba patuloy mong sinisira mo ang buhay ko? Bakit ba pa isinilang ka sa mundo ko? Bakit ba paulit-ulit mong--"
Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Krystal ng biglang tumayo sa kaniyang harapan ang binatang si George Amore. Walang mababasang ni katiting na emosyon sa mga mata nito at nagsabing,
"Ikaw ang sumira sa buhay mo kaya tumigil ka."pagkatapos ng mga salitang ito ay mabilis na inutusan ni George ang mga kasama nitong kalalakihang nakasuot ng itim at doon nga ay binuhat ng mga ito ang nanghihinang katawan ni Krystal saka walang lingon-lingon na inilabas sa nasabing silid na iyon.
Habang tangan ng mga kalalakihang ito, kitang-kita ng mga mata ni Krystal ang isang emahe na pinag-uumapaw ng pagmamahal. Nababalot ng pag-aalala ang mukha na niyakap ni Andrus ang katawan ni Alexis kapagkuwan ay maingat na iniangat ang ulo ng male wife sa sahig at humalik sa noo nito. Isang magandang larawan ng pagmamahal. Pagmamahal na naghahatid ng mabigat na pait at kirot ng inggit sa puso ni Krystal. Bakit hindi siya kasing suwerte ng male conceiver brother niya?
"Gamotin ninyo ang sugat ng babaeng 'to at muling sugatan ulit sa pangalawa pang pagkakataon. Sa pagkakataon na'yon ay huwag na ninyong bibigyan ng lunas. Hintayin ninyo ang kasunod na utos ko."dinig ni Krystal na utos ni Andrus Saavedra sa mga taohan nito.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
FanfictionTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
