PAGLILIGTAS NI VINCENT

719 33 6
                                        

Nagising si Alexis sa isang abandonadong silid. Nakatali ang kaniyang mga paa paitaas patungo sa isang kisame, kaya pala parang pabaliktad ang mga nakikita niya dahil nakatali pala siya sa kisame. May kadiliman ang silid na ito ngunit sa tulong narin ng maliit na lamparang nakapatong sa isang maliit na mesa. Nababanaag ni Alexis ang hitsura ng lugar na kinaroronan niya. Ang huling natatandaan niya ay natutulog siya sa silid nilang mag-asawa. Kung  ganoon ay bakit nandirito siya sa isang pook na hindi nakikilala? May nangyari bang hindi maganda? Nakidnap ba siya ulit? Sa isiping may masamang nangyari na naman nagsimulang mabalot ng takot ang puso ni Alexis. At ang masama pa sa sitwasyon niya ngayon ay hindi niya hawak ang phone niya. Paano niya makokontak si Andrus kung wala ang cellphone?

Habang abala sa pag-iisip at sa samo't-saring emosyon. Tunog ng mga pag-uusap ang kaniyang nadirinig mula sa labas.

"Ako na ang bahala sa male conceiver sa loob. At kayo naman...kayo na ang bahala sa mga buhay ng dalawang nurse at doctor."



"Masusunod Young Miss."

Sa mga salitang ito pakiramdam ni Alexis ay marahas na binalot ng tila napakalamig na yelo ang buong katawan niya. Nadirinig niya ang mga paimpit na pagtangis ng mga taong marahil ay ang dalawang nurse at doctor na nangangalaga sa kaniyang kalusugan.


Ang tinig ng babaeng 'yon...

Bakit parang familiar sa pandinig niya?

At sa mga sandali ring iyon ay dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid sa kung saan ang kinaroronan niya ay doon ay unti-unting pumasok ang isang magandang babaeng kilalang-kilala niya.


"Ikaw?" Nanginginig ang tinig na sambit ni Alexis nang makikala ang babaeng sa kaniya ay nakangiting lumapit.

"Ako nga. Ngunit...Hindi Ako ang Miss Tu ng Tontawan na kilala mo."humahagikhik pa nitong sabi bago tuluyang lumapit sa kinaroronan ni Alexis. "Ako ang half-sister ng baliw na Miss Tontawan na'yon. Ang anak sa labas ni Mr. Tontawan. Anak sa labas na iniwan ng walang kuwenta kong Ama. Nakakalungkot diba? Subalit, masuwerte parin ako dahil hawak-hawak ko na ngayon ang buhay at kataohan ng half-sister ko."nakangiting sabi nito bago lumapit sa isang lumang kabinet na ngayon lamang ni Alexis napansin at may kinuha doon na alak at maliit na baso, sinalinan ito at sumimsim dito.
"Alam mo bang masaya na sana ang buhay ko? Pero mapagbiro ang tadhana sa amin ni Krystal Mendes. Ninakaw ang buhay na nararapat para sa amin. Ikaw at ang tunay na Tu Tontawan 'yon. Ngunit mas may utak Ako kaysa sa kapatid mo. Well, tignan mo, narito Ako ngayon sa harapan mo bilang si Miss Tu ng Tontawan Family."masayang sabi nito. Subalit mabilis rin naman na naglaho ang ngiti nito ng napansin ang walang emosyon at kakulangan ng interes sa mukha ni Alexis.
"Hindi ka natutuwa para sa akin? Minamaliit mo rin ba Ako? Sa totoo lang ay wala na akong balak na idamay ka pero-- ang guwapo naman kasi ng husband mo. Nabihag nito ang puso ko. Kung kaya... pasensya na Alexis ha? Ako na muna ang bahala sa husband mo. Kahalintulad ng nagawa ko noon kay Miss Tu. Aangkinin ko rin ang kataohan mo."

Panandaliang nagulumihanan si Alexis sa ibigsabihin nito ngunit nang masilayan nito ang isang napakatalim at mahabang bagay na ngayon ay hawak-hawak ng mga kamay nito. Isang nakatatakot na reyalisasyon ang bumalot sa puso't-isipan ni Alexis.

Papatayin siya ng babaeng ito at aangkinin ang pagkatao niya katulad nang nagawa nito sa dalaga ng Tontawan Family! Sa isiping ito ay halos bumalot sa puso ni Alexis ang lahat-lahat ng magkahalong emosyon. Ang takot para sarili at sa batang nasa sinapupunan niya.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka naman mag-iisa dahil makakasama mo sa kabilang buhay ang batang 'yong dinadala. Kung kaya ay..."malapad na ngayon ang ngiting nag-uumapaw sa mukha ng pekeng Tontawan. Nag-uumalab narin ang kislap ng kasiyahan sa mga mata nito dahilan sa marahil ay makikitang takot sa mga mata ng male conceiver.
"Goodbye Alexis Mendes. Ako na ang bahala sa husband mong si Andrus Saavedra."malamyos na sabi nito bago marahas na akmang itatarak ang matalim at mahabang bagay sa puso ni Alexis.


The Possessive Husband (BL)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon