Kasalukuyan na abala ang lahat sa Mansion ng Saavedra sa paghahanap sa may kalakihang daga na hindi nila mawari sa kung paano nakapasok at kung saan nagmula.
Paanong magkakaroon ng malaking daga sa isang magara at malaking mansion ng Saavedra Family?
"First, hanapin ninyo ang bawat sulok ng buong mansion. Make sure na matatakpan ninyo ang kahit ni katiting na butas para maiwasan makatakas ang dagang 'yon. Then, e-check ninyo ang bawat security system ng Mansion para malaman ang rason at kung paanong nangyaring nakapasok ito. Paanong magkakaroon ng daga sa Mansion ng Saavedra Family?"abalang pag-uulit na pag-uutos ni Butler Wu.
Kanina lang kasi ay nabalot ng pagkagulat ang lahat nang may biglang sumulpot na nilalang sa kanilang harapan sanhi upang mataranta ang takot sa dagang si Mrs. Veronica, kinakailangan pa nilang dalhin ito sa silid nito upang mapakalma pagkatapos nitong mag-iwan ng utos na siguraduhing ligtas si Alexis dahil kasalukuyan na nagsusukat ito ng mga damit na mga napili nito.
"Tawagin ang Madam Alexis at siguraduhing ayos lang siya loob. Nagkakaintindihan ba tayo?"may pag-aalalang sabi ng Butler Wu, lalo pa't buntis ang wife ng boss nito.
"Masusunod Butler Wu."
;----------------;
Sa loob ng fitting room. Isang marahang pagkatok sa pinto ang umagaw sa atensyon ni Alexis habang nakatitig sa salamin.
"Yes."tugon ni Alexis.
"Madam. Pinapasabi po ng Butler Wu na naghihintay sa'yo ang Young Master Andrus sa harden ng pangalawang side ng Mansion." Harden pangalawang side ng Mansion? Ang kinaroronan ng harden na ito ay may kalayoan at ito ang paboritong lugar ng Old Master Saavedra dahil dito ito naglalagi. Makikita kasi rito ang mga magkakaibang bulaklak na paborito noon ng namayapang Grandma Saavedra. Sa narinig na salitang ito ay mabilis na binitawan ni Alexis ang isa pa sanang damit na susukatin bago mabilis na nagtungo sa pinto at binuksan ito. Pinapupunta siya ni Andrus? At ano na naman kaya ang pakulo ng husband niyang 'yon. Natatawag saad ni Alexis sa kaniyang isipan.
"Bumalik na pala ang husband ko?" Pagtatanong ni Alexis
"Yes, young Madam. Tayo na ho' at naghihintay ang Master Andrus. Pakautos-utos rin po nito na samahan kita patungo roon."tugon ng babaeng maid.
May surprise si Andrus para sa kaniya? Ngunit bakit parang hindi siya mapakali?
Sa pagkakataon na iyon ay hindi mawari ni Alexis sa kung bakit may kung anong kaba ang namuo sa kaniyang puso. At hindi rin niya maunawaan ang kakaibang pagkabahala na ngayon ay nagsimulang mabuo sa kaniyang dibdib. Pero wala naman sigurong mangyayaring masama lalo pa at nasa loob siya ng Mansion diba? Ngunit, walang masama sa nag-iingat kung kaya ay minabuting pakakatigan ni Alexis ang babaeng maid at namumukhaan naman niya ito at isa ang maid na ito sa Mansion.
"I'm sorry, maari ko bang malaman ang 'yong pangalan? Pasensya na, dahil sa dami ninyo ay mukha niyo nalang ang aking natatandaan."nakangiting pagtatanong ni Alexis bagay na bahagyang ikinagulat ng maid. Panandaliang nanahimik ito at nag-iwas ng mga mata bago tumugon ngunit sa mga sandaling iyon ay mabilis na nahagip ng mga mata ni Alexis ang pagkabalisa ng babaeng maid na siyang naghatid ng paghihinala sa kaniyang puso. At nagpasimula ng pagkaalarma sa kaniyang isip. May mali sa babaeng maid na ito at kinakailangan niya itong malaman.
Mabilis na yumukod ang maid, at may bahid ng pag-aalala ang dumungaw sa mga mata nito."Ako nga ho' pala si Maris, Young Madam. Isa Ako sa mga tagapangalaga ng Master Saavedra at naririto ako sa utos rin ni Butler Wu."nanatiling nakatuon ang mga mata nito sa sahig habang nakahawak nang mariin sa uniform nito na marahil ay hindi rin nito naaalintana.
"Patawad po' at hindi Ako agad na nagpakilala sa inyo, madam Alexis."
"Hindi bale, hindi bale...nauunawaan ko. So, Maris magtungo na tayo kay Andrus, okay?" May ngiti paring sabi ni Alexis at kitang-kita naman ng kaniyang mga mata ang mabilis na pagpakawala ng babaeng maid nang malalim na buntong-hininga at ang panginginig ng labi nito.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
أدب الهواةTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
