PAGPAPATULOY
Isang malakas na tinig ng pagsigaw ng Isang babae ang marahas na umaalingawngaw sa buong paligid. Kasalukuyan nasa loob ng puting silid ang babaeng ito habang napalilibotan ng Tatlong nurse at isang doctor. Madirinig ang malakas na pagtangis nito na maaring sa makakakita ay maghahatid ng takot at kaba sa kanilang mga dibdib. Ngunit sa mga taong hawak-hawak ang katawan nito, walang ni katiting na awa ang mababanaag sa mga mukha ng mga ito habang pilit na pinalalala ang sugat nito sa katawan at pisnge.
"Huwag!! Pakiusap...tama na!!!" Halos pumiyok na pagmamakaawa ng babaeng ito subalit wala ni isa sa mga ito ang nakikinig. Kung iyong susumahin ay lubos na kaawa-awa ang kalagayan ng babae. Ang magandang mukha nito ngayon ay nababalot ng sugat at pagtatanggal ng mga balat. Kahit ang katawan nito ay gayon din.
"Huwag--pakiusap! Pakiusap--Tama na! Huhuhu..."punung-puno ng pagmamakaawa na sabi nito ngunit patuloy lamang sa pagbibigay pasakit ang mga taong ito.
"Ayon sa utos. Bigyan niyo siya ng gamot para hindi malaglag ang sanggol sa sinapupunan niya. Ngunit, huwag ninyong gagamotin ang sugat niya."naiiling na sabi ng doctor bago mabilis na lumabas sa silid. At ng makalabas na ito ay agad rin namang sinalubong ang doctor ng taohan ni Andrus na si Sebastian at nagtanong patungkol sa babaeng nasa loob ng silid.
"Masisigurado namin ang kaligtasan ng batang dinadala ng babaeng ito. Ngunit ang Ina nito..."alanganing sabi ng doctor bago mabilis na humingi ng tawad sa pakikialam nito.
"Huwag kayong mag-alala. Hindi balak patayin ng Master Andrus ang babaeng si Krystal Mendes. Ang kailangan niyo lang gawin ay ang iparanas sa kaniya ang paghihirap na inuutos sa Inyo ng Boss ko."
"Masusunod Sir Sebastian."
Tama. Ang babaeng ngayon na pinahihirapan ay walang iba kundi ang babaeng si Krystal Mendes at siyang kasalukuyan na hinahanap ngayon ni Vincent Logan. Sa kabila ng katotohanang kapatid niya ito, hindi parin maalis ang katotohanan na dala-dala ng babae ang kanilang anak. Isipin palang ni Vincent Logan na magkakaroon sila ng anak ng half-sister niya, nagsisimula ng manikip ang puso niya.
Samantala.
Sa side ng Third Branch ng Saavedra Family. Nanginginig ang mga palad habang paulit-ulit na palakad-lakad si Dom Saavedra kasama ang anak at asawa nito. Nababalot ng mga pag-aalala ang mga mukha ng buong pamilya dahil sa takot na ganti ng Firts branch.
"Bakit niyo ba kasi ginawa 'yon!?" Nanginginig ang tinig na sigaw ng kabiyak ni Dom Saavedra sanhi upang higit na nag-umigting ang galit sa mga mata ng lalaki gayon din ang anak na lalaking katabi nito.
"Tumigil ka! Kung wala karin namang matutulong, manahimik ka nalang!"mariing balik sigaw nito bago nagpakawala ng malalim at bumaling sa anak nito.
"Kamusta ang side ng Second Branch?"
"Pa. Tahimik sila ngayon. Tila walang balak makialam o ni tulungan tayo ng second branch. Lumalaki siguro ang ulo ng mga taong 'yon dahil sa protection ng pamilyang Smith ni Veronica!"
"Bullshit! Tahimik sila? Tinatanggi na ba talaga nilang parte tayo ng Saavedra?! Smith Family? Mga hayop talaga!"galit na galit na sigaw ni Dom Saavedra. Mababanaag ang takot sa mga mata nito. Hindi pa nakakatulong ang malakas na pagtangis ng wife nito sanhi upang marahas na mag-umahon sa dibdib nito ang apoy ng galit at ibinunton sa asawa.
PAK!
TUNOG NG MALAKAS NA SAMPAL ANG UMALINGAWNGAW SA PALIGID.
"Sinampal mo 'ko! Sinampal mo 'ko! Hayop ka!"dahil sa malakas na sampal na natamo ay higit na tumangis ang kabiyak ni Dom Saavedra.
"Putcha, manahimik ka Ma!"galit naring sigaw ng anak nito sanhi upang doon ay tuluyang tumigil ang Ina nito.
Habang abala sa magkahalong emosyon sa kanilang mga puso. Tunog ng Cellphone ni Dom Saavedra ang pumukaw sa kanilang atensyon.
BINABASA MO ANG
The Possessive Husband (BL)
Hayran KurguTitle: THE POSSESSIVE HUSBAND (BOYSLOVE/ MEN TO MEN LOVESTORY) Edited ang book. Upang makaiwas sa sakit at kahihinatnan na malaking kahihiyan. Isang desisyon ang nabuo sa isip ni Alexis Mendes. Ang magpakasal sa taong hindi kilala. "Pakasalan mo ak...
