KRYSTAL'S FINALE REVENGE 1

265 18 4
                                    


TITLE: PATAYIN SI ALEXIS
    (KRYSTAL MENDES)

ANG PAGPAPATULOY

Sa loob ng Sasakyan.

Seryoso na nag-uusap sina Andrus at Sebastian habang pasimpleng pinagmamasdan naman ni Andrus ang singsing na nakasuot sa kaniyang daliri.

"Sa ngayon ay pinaghahandaan ni Mister Arnold at Mister Louie Saavedra ang meeting na'to. At Sir, naayos ko na ang details ng interview mo, gusto niyo bang gawin ito sa mismong conference niyo?"

Walang emosyon ang mga matang  marahang iginiya ni Andrus ang paningin sa bintana ng sasakyan bago pinakatitigan ito at bumaling kay Sebastian,
"Darating ang representative ng GALLIA sa meeting diba?"

"Yes sir. Ini-reserve ng unang department ang main conference sa hapon pero kinansela ito ni Mister Arnold Saavedra. At na re-schedule ito bukas ng umaga kasama ang  representative ng GALLIA."

Sa tugon na ito ay isang maliit na ngiti ang sumibol sa labi ni Andrus bago nagtipa sa cellphone nito.
"Nire-schedule ng umaga?"

Sa nakikitang expression sa mukha ng boss, mabilis namang naunawaan ito ni Sebastian at muling nagpatuloy,
"Opo, base sa system, personal itong isinaayos ni Mister Arnold Saavedra. At ninanais ka rin po palang makausap ni Mister Louie Saavedra."

"Nais akong makausap ng matandang 'yon? Mukhang nagiging interesante na ang lahat. Sigi magtungo tayo sa Kumpanya at nais  ko ring makita kung anong plano ng mag-amang 'yon."

"Masusunod Sir Andrus."

Pagkatapos ng sagot na ito ni Sebastian ay mabilis nitong pinaharorot ang sasakyan patungo sa SAAVEDRA EMPIRE. Mababanaag ang pagiging kalmado ni Andrus sa sitwasyon na kinaroroonan nito, nag-iwan ng mensahe sa Ama at Grandpa Saavedra kapagkuwan ay muling pinakatitigan ang singsing sa kaniyang daliri at ngumiti ng matamis. Bago dinaial ang numero ng Butler Wu para malaman ang kalagayan ng pinakamamahal na gher wife niya.

"Young Master Andrus. Kasalukuyan po' ngayon na natutulog ang young madam. At sa araw din na ito ay hindi po namin siya kinakitaan ng pagsusuka o kawalang gana sa pagkain.Masayang bagay na po' ito sa atin na makitang nagiging maayos na ang pagbubuntis ng young madam Alexis!"
May ngiti sa tinig na tugon ng matandang Butler na siyang nagpagaan sa puso ni Andrus. Nang dahil sa pagbubuntis na ito ni Alexis ay halos tumalon ang puso niya sa pag-aalala. Sa una ay hindi lang isang  beses kung dumuwal si Alexis na siyang naghatid ng kaba at pagkabahala sa kaniyang puso. Ang makitang hindi ito makatulog nang maayos dahil sa sitwasyon nito, nag-uumigting ang pag-aalala sa puso niya bilang asawa. Hindi narin nito gusto ang pagkain na nakasanayan at kung minsan pa ay halos hindi na niya malaman ang gagawin upang mapakain nang maayos ang  kabiyak. At ang lubos na kinababahala niya ay ang mga bagay na ninanais nitong  kainin na hindi naman nararapat. Sa isipin na unti-unting kumakalma ang sitwasyon ni Alexis ay nakapagpagaan ito ng loob niya.

"Salamat Butler Wu. Pakiusap, pakaingatan ninyong mabuti ang wife ko may mga ilang bagay lang akong aayosin at uuwi rin ako."

"Masusunod Young Master. Ah siyanga pala, nasabi nga pala sa akin ng Madam Alexis na ninanais nitong mamasyal sa mall kasama ng Madam Saavedra."aniya ni Butler Wu na siyang nagpaangat ng noo ni Andrus. Naisin man niya ang proteksyonan ang kaligtasan ni Alexis ngunit hindi rin niya magagawang tanggalin ang kalayaan nito o ikulong ito sa Mansion. May takot man sa kaniyang dibdib pero hindi sapat na rason ito para pagbawalan niya si Alexis. Natural sa buntis ang maglibang at sumaya. Well, wala naman sigurong masama lalo pa't kasama nito ang Inang si Veronica.

"Kasama si Mama? Sigi, ngunit pag-ibayin ninyo ang pagbabantay at siguraduhin ang tamang pagkilatis sa mga taong itatalaga ninyo sa pagbabantay sa kanila. Ayokong maulit ang nangyari noon."ngayon ay pinupuno na ng mabigat na emosyon ang boses nito bagay na mabilis na naintindihan ni Butler Wu dahil buong determinasyon din itong tumugon ng 'Oo' sa kabilang linya.

The Possessive Husband (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon