THIRTY-TWO

69 4 0
                                    

Shin's POV

Nagising ako nang marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Ang bigat ng ulo ko. Wala akong maalala kung kailan ako nakatulog.

"Mabuti't gising ka na. Umupo ka at may dala akong mainit na sopas. Hindi lang 'to para sa may lagnat, mabisa rin 'tong pangwala sa hang-over."

Napabangon ako nang marinig ko si Zee. Pumasok siya sa kwartong kinaruruonan ko.

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko. Damn hangover! Naglasing nga pala ako kagabi.

"Dahan-dahan lang, ikaw talaga."

Napatingin ulit ako sa kanya. O mas tamang sabihin na napatitig.

Is this real or nananaginip lang ako? Si Zee ba talaga 'tong nasa harap ko? Itong babaeng may malamig na boses na nakakatindig balahibo?

"Sino ka?" biglang bulalas ko.

"Anong gusto mong umagahan? Mainit na sopas o malakas na suntok? Gusto mo bang madagdagan 'yang sakit ng ulo mo?!"

Psh! Sabi ko nga, totoong si Zee itong nandito. Umupo na ako ng maayos at ngumiti sa kanya.

"Kumain ka na nga, para kang baliw diyan," sabi niya na bigla yatang nailang sa titig ko at agad umiwas.

Kailan pa na conscious si Zee sa tingin ko? May nagyari ba kagabi?

"Umuwi ka na pagkatapos mong kumain."

"Ha? Tinataboy mo na ako agad?"

"Malamang."

"P-Pwede bang dito muna ako mag-stay, Zee?"

"Hindi pwede."

"Bakit hindi? Please naman oh... Boring sa condo." Tangna! Nag-pout pa ako. Gawain lang ni Takuya to ah?!

"Edi pumunta ka sa arena. 'Wag dito. Baka dumating si Mommy."

"Mas mabuti... para makilala ko na siya."

"Bahala ka. Kapag nagpumilit ka pa, last na 'tong makakatuntong ka dito."

"Zee naman! Ang unfair mo! Bakit si Zac, welcome na welcome dito?"

"Paki mo?"

"May pakialam ako kasi mah—Aish! 'Wag na nga! Aalis nalang ako." Tumayo na ako at inilapag sa table ang pinagkainan ko. Tsk! Muntikan na akong mapaamin.

"Hindi mo man lang ba ako ihahatid kahit sa may gate lang?"

"Ano ka? Siniswerte? LOL!"

"Sabi ko nga, 'di na kailangan," pagtatampo ko at tuloyan nang umalis.

Masakit, na alam kong wala siyang pakialam sa akin. Pero tatanggapin ko. Basta siya naman ang dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Kahit minsan lang siya nagpapakita ng pag-aalala sa akin, lagi niya akong sinusungitan, alam ko namang mahal niya ako. Iyon nga lang... bilang kaibigan.

Pero maswerte na rin ako. Kasi kapag nagtatampo ako, agad niya akong nilalambing, in her own way na may kasama pang batok.

Nanlulumong palabas na ako ng village nila nang may humintong bigbike sa gilid ko.

"Pakonsensya ka pa! Oh, sakay na! Tutunganga pa e!" ingos ni Zee. Nag-chuckle lang ako sa inakto niya. Tigre pero sweet.

Noong nasa likod na niya ako, sobrang laki ng ngiti ko habang nakahawak ako sa beywang niya. Pero pinitik niya ang kamay ko at inilipat sa balikat niya.

Zyra's POV

"Damn! Late na ako," mura ko habang tumatakbo palabas ng garahe namin. Pasakay na ako ng motor ko nang tumunog ang cellphone ko.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon