Zac's POV
Hindi ko talaga mapigilan ang sarili na isipin ang babaeng kamukha ni Zyra. It would be a rare case kung nagkataon lang na magkamukha sila. Nakita ko na rin ang kinikilala niyang ina, and I didn't see any resemblance between them.
Honestly, umaasa ako na tama ang hinala ko. Na si Razy at Zyra ay iisa. Nag-iba man ang ugali, pareho pa rin ang panlabas niyang anyo.
A tear suddenly fall from my eye. Until... nasundan pa ito ng ilang ulit na pagtulo ng luha ko. Magkahalo ang emosiyon na nararamdaman ko ngayon.
Alam kong hindi tamang mag-assume o mag-expect agad. Pero handa akong tanggapin ulit ang lahat ng sakit kung sakaling mali ang hinala ko. At gusto ko talagang subukan na maniwala. Mas hindi ako matatahimik kung wala akong gagawin para malaman ang totoo.
I hurriedly got my phone and dialed Myla's number.
"Myla, pwede ba kitang makausap bukas?" bungad ko sa kanya kahit kakasagot pa lang niya.
"T-Tungkol po saan?" sagot niya sa kabilang linya.
"Bukas ko na sasabihin," I seriously told her. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago sumagot.
"Sige."
"Salamat, Myla."
"Walang anuman. Puntahan nalang kita bukas diyan."
"Okay. I'll see you tomorrow." I ended the call and let out a heavy sigh. Sana lang ay masagot niya lahat ng katanungan ko tungkol kay Razy.
Zyra... Hintayin mo ako. Magkikita pa tayong muli.
Sana...
Myla's POV
Hindi ko alam kung ano talaga ang pakay ni Ken sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang ngiti ko kapag naiisip kong magkikita na naman kami bukas. Ang totoo kasi niyan, parang may bulta-bultahing kuryente sa katawan ko kapag kasama ko siya. Tingin pa nga lang niya, nanginginig na ako.
Sino ba naman kasing babae ang hindi mabibighani sa kakisigan ng lalaking tulad ni Ken. Para siyang anghel na bumaba galing sa langit. Isa pa, napakabait at napakamaginoo niya. Bonus pa na mayaman siya. Kaya masasabi kong, "He is every girl's dream guy".
"Bakit ba ang bagsik ng kamandag mo, Ken? Isang tingin mo lang, parang na-inlove na agad ako sa'yo." Kinikilig na niyakap ko ang unan.
Kung kailan ako tumanda, tsaka pa ako nagka-crush. Grabe na 'to! 'Di ako makatulog! Ehh!
Kinabukasan...
"Gising na kaya siya? Hmp! Bakit ba kasi ang aga kong pumunta dito?" Nagdadalawang isip tuloy ako kung kakatok ba o hindi. Tumalikod nalang ako sabay subo ng hinlalaki kong daliri, mannerism ko kapag kinakabahan.
Alas otso palang kasi ng umaga pero agad na akong pumunta dito sa tinutuloyan ni Ken. Kahit mga limang oras nga lang ang tulog ko kasi madaling araw na ako dinalaw ng antok.
"Hindi ka ba papasok?"
Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. At nakita ko si Ken sa may bungad ng pinto. Hindi ko man lang namalayan ang pagbukas nun.
"Halika na," aya niya sa akin habang nakangiti.
Agad ko namang iniwas ang tingin sa kanya at nagmamadaling pumasok. Ewan ko nalang kung anong naiisip niya sa nakitang pagkataranta ko ngayon.
"Sabayan mo na akong kumain," aya niya sa akin ulit.
"H-Ha? Eh, h-hindi na. Kumain na ako. H-Hintayin nalang kita dito." Nginitian ko siya. Sa totoo lang, hindi pa ako nakapag-almusal. Pero siguradong hindi rin ako makakakain ng maayos kapag nandiyan siya.
"Anong gusto mo? Coffee or juice? I won't take no for an answer."
Napatanga naman ako. Hindi talaga ako makalusot. Gusto ko lang namang kumain na siya para maiwan niya muna ako kahit sandali dito. Nangangatog na sa kaba ang mga binti ko, gustong-gusto ko ng maupo.
Pwedeng ikaw?
Napailing ako sa sinagot ng isip ko.
"Hmn... May gatas ba?" nahihiya kong tanong. Bigla ba naman kasi akong nag-crave na uminom ng gatas. Hindi ko rin naman hilig uminom ng kape o juice sa umaga.
Napangiti naman si Ken at tumango. Naku naman! Natutunaw na yata ako.
"Upo ka muna, kukuha lang ako."
Agad na rin akong umupo sa sofa habang pumunta naman siya sa kusina. Makailang sandali nga lang ay may dala na siyang baso na may lamang gatas.
"I only have fresh milk. Okay lang ba sa'yo 'to?" tanong niya sabay lapag ng hawak sa maliit na mesa sa harap ko.
"Oo naman. Thank you." Ito na naman po ako, napapa-english dahil sa gwapong nilalang na ito.
"Maiwan na muna kita. Kakain lang ako sandali." Tumango ako agad.
Hindi ko maiwasang tingnan ang likod niya. Kung gwapo ang likod, mas pa kung nakaharap na. Kay swerte ng babae magugustohan ng isang tulad ni Ken.
Paano kaya kapag naging kami?
Hindi ko napigilang mapangiti ng dahil sa naisip. Naloloka na talaga ako, nangangarap ng gising! Ang layo kaya ng agwat namin, impossible iyong mangyari. Siguradong maraming babae sa syudad na tila mga modelo sa ganda at sopistikada ang nagkakagusto kay Ken. Dito pa nga lang e, marami ng babaeng nahuhumaling sa kanya. Noong nagpunta nga kami sa palengke, halos lahat ng mata nakasunod sa amin. Mapababae man o lalaki, napapatingin talaga sa kanya.
"Oh, bakit hindi mo pa 'yan iniinom?" Napalingon ako kay Ken na umupo sa katapat kung sofa. Napatingin naman ako sa hawak kong baso na hindi pa nga nababawasan dahil sa lalim ng pag-iisip ko kanina. Mabilis ko iyong tinungga hanggang sa naubos ang lahat ng laman.
"Ayan, ubos na. Salamat." Nahihiyang ngumiti ako.
He suddenly laughed. Agad akong napalingon kay Ken. Parang may humaplos sa puso ko dahil sa nakikita ko ngayon. Ang sarap pakinggan ng tawa niya. Ang ganda niya sa paningin ko.
"May gatas pa sa bibig mo."
Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip ng bibig. Naging dahilan naman iyon para tumawa siya ulit. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit niya sa akin, kinuha ang kamay kong nakatakip at pinunasan ang bibig ko gamit ang magkabilang hinlalaki niya.
"Wala na. Ngiti ka na ulit," he said with amusement in his eyes. Nagising naman ako mula sa pagkatulala at agad iniwas ang tingin mula sa kanya. Morena daw ako, pero alam kong obvious pa rin ang pamumula ng mukha ko.
What a sweet gesture! That was the first time in my whole life!
Mahina kung kinurot ang braso ko para magising ako sa katotohanan.
"A-Ano nga palang pag-uusapan natin?" baling ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuga niya ng hininga.
"Tungkol kay Razy."
Mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...