Zyra's POV
Sa wakas last subject na namin 'to. Nakakainis nga lang, ang tagal mag-bell. eh! Naiihi na ako at gustong-gusto ko ng magpunta sa comfort room. Ang boring pang mag-discuss ng professor namin. Ang sarap pasabugan ng granada!
Business Management ang course naming lima. Puro naman kasi may mga company ang parents namin. Pero plano rin naming magtayo ng sariling business, kumbaga partners kaming lima. Si Casper ang nakaisip. Akala ko nga puro pagkain lang palagi ang nasa utak niya.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tumunog na rin sa wakas ang bell kaya dali-dali kaming tumayo.
"Mauna na kayo. CR lang ako," sabi ko sa mga kaibigan ko.
"Anong gagawin mo?" tanong ni Shin na nagpakunot ng noo ko.
"Magpapractice ng breakdance, 'Tol," sabat ni Yong.
"Congrats, Yong! Bad boy ka na!" tuwang-tuwang sabi ni Casper sabay tapik sa balikat ni Yong.
"Hahaha!" tawa naman ni Takuya na may patakip-takip pa sa bibig. Ang cute ng tsunggo!
Lumabas na ako habang nagkukulitan pa ang mga loko. Naiihi na talaga ako kaya pumasok na agad ako sa CR ng girls.
"Excuse me," sita ko sa babaeng nakaharang sa may pintuan.
Aba tonta! Irapan ba naman ako?! Mukha pa namang hipong may harina ang isang 'to!
"Aalis ka sa harang o ako magpapalayas sayo diyan?!"
I closed my fist, trying to control myself dahil parang walang narinig ang inaakto ng bruha. Kung ipagpalit ko kaya ang mukha niya at ng toilet bowl?! Tss. I gave her a deadly glare.
"Gosh! What do you want?" taas kilay niyang tanong.
Tarantada talaga! Hindi niya ba naintindihan ang sinabi ko kanina? Shyetness overload!
"Marina! Umalis ka na nga diyan! Hindi mo ba kilala 'yang binabangga mo?! Siya si Boss Z!" banta ng babaeng kalalabas lang sa isang cubicle at agad hinila ang shokoy. Dapat hindi Marina pangalan niya, eh!
Napabuga nalang ako ng malalim na hininga bago pumasok sa isang cubicle para magpractice ng breakdance. Tsk!
‥.
Nag-aayos ako ng buhok ng mapadaan ako sa may locker ng boys. May tatlong baboy-ramong nakapalibot sa isang lalaki.
"Hahaha! Tanga na nga, lampa pa! Hahaha!"
Tsk! Bakit ba nagpapaapi ang lalaking 'yan? Maskulado naman yata ang katawan niya at mataas rin siya. Ang liliit nga lang ng mga baboy kumpara sa kanya.
"Ehemn! Ang saya niyo naman diyan. Anong meron?" Napanganga ang tatlong baboy nang makita ako. Yuck! Nagdrool pa ang isa!
"Walang sasagot?!" Napatingin ako sa lalaking nakayuko. Naka-jumper siya at may suot na eye-glasses. He looks familiar.
"A-Ahh... Nag-uusap lang po kami," sagot ng unang baboy ramo.
"T-Totoo, B-Boss Z..." nanginginig na dagdag naman ng ikalawang baboy ramo.
"A-Ang g-ganda mo talaga..." sabi naman ng nag-drool na ikatlong baboy ramo.
I smirked at them. "Talaga?! GUSTO NIYO BANG MABALIAN NG BUTO?!"
"Tara na!"
Shoot! Sigaw ko palang, nagtakbuhan na ang tatlo. Napailing nalang ako.
"S-Salamat p-po."
Napatingin ako sa lalaki. Oh, si Nerdy guy pala. Tsk. Kaya naman pala familiar siya.
"Aish! Kay laki-laki mong tao pero ang duwag mo. Pambihira!" Nilagpasan ko agad siya. Nakaramdam ako ng inis. Bakla yata ang gago. Sayang ang genes, cute pa naman ang loko. Tsk! Nakaka-turn off tuloy.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...