Zac's POV
"Z-Zyra."
Nagulat ako ng siya ang nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto ng bahay. Naliligo pa ako ng may kumatok pero agad akong lumabas pagkatapos palibotan ng towel ang beywang ko pababa. I didn't expect to see her now. Mamaya pa sana pagkabalik ko sa bahay nila Nay Belen.
"P-Pasok ka."
Dali-dali kong binuksan ng malaki ang pinto at umusog para makaraan siya. Naiilang na pumasok naman siya habang iniiwas ang tingin palayo sa akin. Nakatapis pa nga lang kasi ako ng tuwalya habang tumutulo pa ang tubig mula sa ulo ko patungo sa katawan kong walang suot na pantaas na damit.
"B-Bakit ba kapag pumupunta ako dito, lagi kang walang suot na damit?!" sita niya na namumula ang mukha at iniiwas ang tingin.
"Sorry. I-I'll get change first." Iniwan ko muna siya sa sala at pumasok sa kwarto. Nagbihis ako ng puting sando at itim na jogging pants. Pagkatapos ay agad na akong lumabas habang sinusuklay ang buhok gamit ang kamay.
"Ahm... A-Ano..." panimula niya nang umupo ako sa kanyang tabi. Napausog pa siya palayo na para bang napapaso siya sa akin.
"It's good to see you fine. Nag-alala ako ng bigla kang mahimatay kahapon. Mabuti nalang at nasalo kita."
Nagulat siya sa narinig at biglang napatingin sa akin. Nakabuka pa ng kunti ang bibig niya.
She's so cute, as always.
"I-Ikaw ang bumuhat sa akin papunta s-sa bahay?"
"Oo."
"S-Salamat." Nahihiyang ngumiti siya sa akin.
Nakakaaliw siyang tingnan. Parang nagkabaliktad ang pagkatao namin ngayon. Ang dating Zyra na kinatatakotan ng lahat ay wala na. She is very different now
Parang panaginip lang ang lahat. Mula noong nasaksihan ko ang nasusunog na kotse niya hanggang sa hindi ako pumupunta sa burol niya dahil hindi ko matanggap ang nangyari, na naniniwala pa rin akong hindi niya ako iniwan. And now, she's with me. She has different character but still... the same woman I love.
Pareho kaming natahimik habang siya ay nakatingin sa kanyang mga paa at ako naman ay nakatitig sa kanya.
"Gaano mo ako kakilala?" she suddenly asked.
"Kilalang-kilala."
"Anong alam mo tungkol sa akin?"
"Lahat."
Napatingin siya sa akin. Nagtatanong ang mga mata. Gusto ko na sanang sabihin sa kanya ang lahat tungkol sa aming dalawa. Pero natatakot ako. Na baka tulad ng pag-iba ng ugali, pananalita at kilos niya, ay nag-iba na rin ang pagmamahal niya sa akin. Na nawala rin ang kanyang nararamdaman sa akin kasabay ng alaala niya.
"Ano ako noon?"
"May apat na lalaki kang kaibigan, sina Shin, Casper, Takuya at Yong. You used to be gangsters."
"G-Gangster?! A-Ako?!" hindi makapaniwalang tinuro niya ang sarili.
"Yes. And I-Im actually a nerd when I met you. We came from the same university and graduated two years ago. You had a car accident during my birthday and five hours before yours. We all thought that you're dead. May nakuhang bangkay sa tabi ng kotse mo at akala ng lahat ay ikaw 'yon. For two years, mahirap pa ring tanggapin na nawala ka."
I feel my eyes moist a little. Tsk. Hanggang ngayon, ang iyakin ko pa rin kapag siya na ang pinag-uusapan. Hindi ko maiwasang maramdaman ulit ang lahat ng sakit. I tried to kill myself that time. And I thank God so much, na hindi niya ako hinayaang mamatay. If ever my suicide attempt succeeded, I would never see her again and wouldn't even know that she was still alive. That would be my greatest regret then.
"Kaano-ano ba kita? Isa ka ba sa mga kaibigan ko?"
I froze. Kaibigan? Ako? Ang sakit marinig iyon mula sa kanya. Kahit alam kong wala siyang maalala kaya nasabi niya ito, tagos pa rin sa buto kung makasugat.
"Tita Zeny and Tito Rico are your parents. And you also have a Nanay, a nanny. We call her as Nay Ellen. They misses you a lot, like we, your friends do."
Damn it! Gusto yatang lumabas sa bibig ko lahat ng mura. Your friend? Heck. I'm not just her damn friend.
"I already called your parents and friends. Baka mamayang hapon ay nandito na sila."
Bigla siyang napatayo at hinarap ako.
"A-Ano?! Ba-Bakit mo iyon ginawa?!"
"Ayaw mo bang makita sila?" I seriously faced her.
"H-Hind naman sa ganun. It-It's just that... I'm n-not yet ready." Napaiwas siya na tingin at pinagdaop ang dalawang kamay sabay lagay sa may labi niya.
"Ayaw mo bang sumama kapag... kukunin ka na nila?"
She looked at me sadly. Then, she turned away her gazed without answering. Pero alam ko na ang ibig sabihin nun.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...