Shin's POV
Napatingin ako sa tatlong shokoy na sabay humagalpak ng tawa pagka-alis ni Zac.
"Ano namang tinatawa-tawa niyo diyan? Natutuwa pa kayong malaman na may gusto ang nerdong 'yon kay Zee?!" angil ko sa kanila na namumula na sa katatawa habang namumula naman ako sa inis.
Tsk! Sarap sapakin ng mga mokong na 'to!
"Ikaw kasi! Hahaha! Nakisali pa sa Torpe Federation!" sugsog ni Casper.
"Kita mo na! Naunahan ka tuloy ni Zac! Hahaha!" pang-aasar ni Takuya.
"Torpe pa more!" dagdag naman ni Yong.
Grrr... Kaibigan ko ba talaga ang mga 'to? Mga walang support! Tsk!
"Tumigil na nga kayo! Lagyan ko ng granada 'yang mga bunganga niyo e!" asik ko sa kanila. Malapit ko na silang batuhin ng hawak kong kutsara't tinidor.
"Paano ba 'yan, Shin? Ano ng gagawin mo?" tanong ni Yong.
"Hahayaan mo nalang ba? O lalaban ka?" sabat ni Takuya.
"Hindi namin maipapangako na nasa side mo kami. Kahit naman kasi ikaw ang papanigan namin, si Boss Z pa rin ang may hawak ng desisyon. May the best man wins," nakangising saad ni Casper.
"Tss... Ang OA niyo!" I hissed.
"OA daw. Iyan lang ang masasabi mo?" pang-aasar ulit ni Takuya.
Psh. Ano ba kasing dapat kong sabihin? Yes. I love her so much to the point na pinayagan ko siyang maging gangster para lagi ko lang siyang makasama. Pero may magagawa ba ako kung may gusto rin si Nerd kay Zee? She don't even know na may gusto ako sa kanya. Natatakot pa rin ako sa magiging reaction niya.
At ngayong may banta na pwedeng maagaw siya sa akin...
Dapat na ba akong umamin?
Zyra's POV
"Anong ginagawa mo sa table nila? Tinawag ka? Anong pinagsasabi mo?" sunod-sunod na tanong ko kay Zac.
"Nag-usap lang kami ng mga bagay-bagay Huwag mo ng isipin 'yon. Halika na nga. Hatid na kita sa next subject mo. Saan nga ang room niyo?" Ngumisi siya. Inakbayan pa ako!
"Huwag mo nga akong akbayan! Baliin ko 'yang braso mo e!" maktol ko sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko.
"Arte naman nito. Parang 'di tayo friends e!" sagot niya ulit habang ngiting-ngiti pa rin.
Ano bang pumasok sa katawan ng nerdong 'to? Ba't ang saya-saya niya yata? Tss.
"Tumigil ka sa kangingisi mo diyang nerdo ka! Kinakalibutan ako sa'yo!"
Nauna na akong lumakad sa kanya. Nahihiwagaan talaga ako sa inaakto niya. Tahimik naman siya kanina. Bakit biglang nalang sumigla? Nag-multivitamins ba siya?
Ano ba kasing pinag-usapan nila ng tropa ko?!
"Huwag ka namang magmadali. Babe, naman e," sabi ni Zac sabay palibot ng braso niya sa beywang ko.
"Argh!! Nakakadiri kang Nerdo ka!Imudmod ko 'yang mukha mo sa sahig e! May babe ka pang nalalaman diyan! Gross! Yuck!"
Kainis! Tumawa lang siya!
Tinampal ko ang kamay niya na nakahawak sa beywang ko. Nanayo yata balahibo ko sa braso. Umiinit din ang mukha ko! Damn it!
Binilisan ko ang paglakad upang makalayo ako sa kanya.
"Huwag mo na akong sundan! Pumasok ka na sa klase mo!" sigaw ko sa kanya at tumawa lang naman siya ulit. Pero hindi na nga niya ako sinundan pa.
Seriously? Anong nakain ng Nerdong 'yon?
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...