Zac's POV
"This is so good!" bulalas ni Casper matapos tikman ang luto ni Zyra.
"Talaga?" natutuwang tanong naman niya.
Nakangiti lang ako habang nakamasid sa kanila. She looks so happy being with them.
"Iho, kumain ka na. Matutunaw ang anak ko niyan," biro ni Mommy Zeny sa aking tabi. Nakatingin rin sa akin si Daddy Rico na nasa kabilang side niya. I started calling them like that since that day, when we thought she passed away.
"I'm just so happy that she's finally here with us," I smiled at them and they did the same.
Napatingin ulit ako kay Zyra na kakulitan ang kanyang mga kaibigan. Tumatawa sila, except pala kay Shin na tahimik lang rin sa aking tabi.
Pagkatapos naming kumain ay agad na kaming naghanda sa pag-alis. Habang hinintay ang pagdating nina Nay Belen at Mang Danny kasama si Myla.
Mapaglaro talaga ang tadhana. Pero nakakabilib kapag sumang-ayon ito sa relasyon ng tao. Nagpunta ako dito para sana kalimutan siya. Tapos ngayon ay babalik na ako, kasama siya.
"Ken, ito nga pala ang advance payment mo sa bahay. Limang buwan pala ang binayaran mo. Pero hindi ka man lang nagtagal ng kahit dalawang linggo," nakangiting sabi ni Myla.
"Hindi ko rin ito inaasahan," napahawak sa ulong sagot ko sa kanya.
"Sampung libo lahat ng 'to. Mabuti nalang at hindi pa nababawasan ni Papang. Ang sabi niya ay libre nalang daw ang pagtira mo."
Inabot niya sa akin ang pera ngunit ibinalik ko iyon sa kanya. Nagtataka ang mukhang napatingin siya sa akin.
"Mas kailangan niyo 'yan. Ang totoo nga ay kulang pa 'yan. Hindi matatawaran ng kahit anong salapi ang ibinigay ng lugat na 'to sa akin," saad ko sa kanya sabay tingin kay Zyra na kausap ang parents niya at sina Nay Belen.
"Hangad ko ang kaligayahan niyo. Masaya ako't nakilala kita kahit sa kaunting sandali, Zac Ken Rain."
Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. Pero napalitan naman iyon ng ngiti at niyakap pabalik ang isang mabait na kaibigan.
Zyra's POV
"Oo nga po—" Napatigil ako sa pagsasalita ng makita sina Zac at Myla na magkayakap.
"Oh, bakit bigla kang natahimik— Ahh..." sambit ni Tay Danny na napasunod ang mata sa tinitingnan ko. Napalingon rin sa gawi nila ang iba kong kasama.
"Talagang nagkagaanan na ng loob iyang dalawa. Palagi ba naman kasing magkasama kaya naging magkaibigan na rin," wika ni Nanay.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa dibdib habang nakatingin sa kanila. Napasimangot ako. Ano bang pakialam ko kung nagkagustohan sila? Pareho ko naman silang kaibigan, bagay sila, walang problema.
Agad akong napaiwas ng tingin ng lumingon sa gawi namin si Zac. At sakto namang napunta kay Mama ang mga mata ko. May kakaiba sa tingin niya. Waring binabasa ang nararamdaman ko. Ngumiti nalang ako sa kanya at iwinaksi ang naisip.
"Zyra."
Napalingon ako kay Myla na nakalapit na pala sa amin. Nasa likod niya si Zac na nakangiti sa akin. Hindi ako ngumiti sa kanya at iniwas pa ang tingin.
"Myla."
"Huwag mo akong kalimutan, ah? Bumisita ka ulit dito."
"Oo naman."
Niyakap niya ako at ganun rin ako sa kanya. Naging mabuting kaibigan si Myla sa akin. Siya rin ang nagturo sa akin kung paano mamuhay sa lugar na ito.
"Pakibisita lage sila Nanay at Tatay, ah? Ikaw na ang bahala sa kanila."
"Makakaasa ka."
Kumalas kami sa yakap at ngumiti sa isa't isa. Mamimiss ko siya. Siya lang kasi ang naging kaibigan ko dito.
"Oh, sige na. Aalis na kami. Sa susunod ulit, Belen, Danny," paalam ni Papa. Tumango naman ang dalawang tinawag. Niyakap ko muna sila ng mahigpit bago nagmano sa kanila.
Narinig ko ang tawanan sa likod ko. Nakita kong niyakap nina Takuya at Casper si Myla at sabay hinalikan sa pisngi na ikinapula ng morena kong kaibigan. Napatawa tuloy ako.
"Anak, doon ka umupo sa tabi ni Zac," sabi ni Mama na nasa unahan nakaupo. Katabi niya si Papa na nasa driver's seat.
"H-Ha? Ahh... sa tabi nalang po ako ni Shin."
Agad akong lumapit at tumabi ng upo kay Shin. Nagtataka man ang mukha ay ngumiti siya sa akin at ganun rin ako sa kanya. Hindi naman ako lumingon sa gawi ni Zac. Pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin.
Nasa unahan siya nakaupo kasunod nila Mama. Katabi niya si Yong na uupo sana sa kinauupoan ko ngayon. Nasa may pinakalikuran naman namin sina Takuya at Casper.
Tahimik ang naging byahe. Nang tingnan ko ang mga kasama, tulog na sila. Maliban kay Papa na nagda-drive at Zac na nakatanaw sa labas. I exhaled deeply. Nagi-guilty ako sa naging pakikitungo ko kay Zac. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit biglang sumama ang mood ko kanina. Hindi ko man lang naisip na kung hindi dahil sa kanya, wala ako ngayon dito, kasama sila.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at kinalimutan muna ang mga tanong na naglalaro sa isip ko. Masasagot din ang lahat ng iyon, sa tamang oras at panahon.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...