Zyra's POV
Nandito ako ngayon sa school. Papasok na ako sa English class ko. Isang linggo na rin ang lumipas at nakalabas na rin sa ospital si Zac.
"Are you really okay, Baby Zac?" Narinig kong tanong ng isang linta pagkapasok ko pa lang sa room.
"You want me to take care of you?" dagdag pa ng make-up na tinubuan ng mukha.
"Excuse me!" Tinulak ko ang uod na nakaupo sa upuan ko.
"Ouch!" angal pa nito pero agad namang lumipat sa kabilang side ni Zac nang makita ako.
Tumingin ako kay Zac at inirapan siya. Ngumisi naman ang loko. Tsk.
"Alam niyo girls, okay na ako. Magaling kasi mag-alaga ang nurse ko. So, no need to worry," kwento niya pa sa mga babaeng nakapalibot sa kanya sabay kindat pa.
"Tss..." Hinila ko ang katabing upuan ko at pinatong ang paa ko. Narinig ko ang pag-chuckle ni Zac. Kung hindi ang Prof namin hindi sila titigil sa pag-uusap.
...
Kanina pa hinahanap ng mata ko ang pigura ni Zac. Vacant namin ngayon pero hindi niya ako pinuntahan. Ganoon kasi lage ginagawa niya. Pero bakit ngayon hindi ko siya mahagilap?
"Really, Zac my loves? Pumapayag kang makipag-date sa akin?"
Napabilis ang pagpasok ko sa canteen ng marinig ko iyon. At sa pinakaunang table nakita ko si Zac na kinakapitan ng linta.
Aaminin ko! Maganda ang kasama niya ngayon! Pero kulang nalang maghubad na! Tsk!
"Bakit naman hindi? Single at available naman ako," sagot pa ng ex-nerdo. Grrr! Kaasar!
"Oh gosh! I have a date with Zac!" Sumigaw pa ang palaka para marinig ng ibang students. Tsk. Lamang na lamang naman ako sa kanya! Hindi ko lang kaya ang suot niya!
"Actually, may nakapag-prepare na nga ako ng date. Honestly, para sana sa isang tao pero ayaw niya sa akin e kaya sa'yo nalang," dagdag pa ni Zac sabay kindat.
Argh! Pinariringgan ba niya ako? Alam niya bang nasa may likuran nila ako at naririnig ko sila?
Pinatid ko ang katapat kong upuan at tumayo. Agad rin akong lumabas sa canteen.
"Hindi niya ako mahal e, kaya..." Iyon ang huli kong narinig kay Zac bago ako tumakbo paalis.
Zac's POV
"Hindi niya ako mahal e, kaya nag-iisip ako ng paraan para magustohan niya ako."
Nakita ko ang pag-alis ni Zyra kaya napabuntong-hininga ako.
"So it means you didn't mean our date? Sinabi mo lang iyon para magselos siya?" disappointed na tanong ng babaeng katabi ko.
Honestly, hindi ko siya kilala. Bigla nalang siyang tumabi sa akin kanina. Magandang timing kasi dumating si Zyra.
"Hmp! So sad. Wala naman akong laban kay Boss Z. Baka masira pa ang beautiful face ko. Back out nalang ako. Bye, baby Zac," paalam niya at agad ng umalis. Lumipat siya ng upo doon sa grupo ng soccer players.
Tumayo na rin ako. Pupunta nalang ako sa gym total malapit ng ang oras ng practice namin. Sumali ako sa basketball team ng school. Kasama ko ang tropa ni Zyr maliban kay Shin.
"Ang sakit pala..." kausap ko sa sarili ko. Nalungkot ako nang hindi siya sumagot sa akin. Masakit isipin na hindi ka mahal ng taong mahal mo.
Silence means yes? Ewan. Mas maniniwala kasi ako kapag mula talaga sa bibig niya. Kaya naisip ko na iwasan muna siya para mabigyan siya ng space. Baka kasi nagsasawa na siya sa pagmumukha ko.
"Basta hindi ako susuko. Sa ngayon, hahayaan muna kita."
Zyra's POV
Ewan ko pero naiinis ako ng sobra. Aware naman akong mahal ko rin siya. Kaya lang nahihiya talaga akong aminin sa kanya. Hindi ko tuloy nasagot ang tanong niya. Kaya ngayon ay iniisip niyang hindi ko siya mahal.
"Bakit kaya wala ang tropa?"
Nandito ako ngayon sa may field, sa tambayan ng tropa. Pero wala sila ng dumating ako.
"Baka may practice sila ngayon."
Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa bench at umalis. Malapit na rin naman ang next class ko kaya sa room nalang ako tatambay.
"Ang gagwapo talaga ng mga varsity! Hihi. Idol ko sina #5, #7 at #13," sabi ng isang babae habang hila sa kamay ang kaibigan niya.
"Tama ka girl! Basta akin na ang prince ko. Si #15 na sobrang hot!"
Napatingin ako sa kanila habang lakad-takbo sila papuntang gym. Mga freshmen yata ang mga babaeng iyon.
"Si Takuya ang #5, si Yong #7 at #13 naman si Casper. Pero sino si #15? Baka sumali si Shin? Eh, 'di 'yon marunong e!" Napatawa ako. "Matingnan nga." Agad akong sumunod sa mga babae papuntang gym.
"Go, Blue Dragons!" Narinig kong sigawan ng audience na karamihan ay babae.
Nakapasok naman ako agad at umupo sa gilid ng court, malapit sa stage. Napatingin ako sa mga manunuod. Maraming babaeng kinikilig, naglalaway at nagdi-daydream. May mga lalaki rin, kasama ang mga girlfriend na sigaw ng sigaw. Tsk.
"Go, Yong my loves! You'll always be my baby!"
"Aishiteru, Takuya! Pakasal na tayo!"
"Casper ng buhay ko! Halika't bubusogin kita ng pagmamahal ko!"
"Baby Zac!! Gawin mo akong ina ng mga anak mo!!"
Mabilis pa sa ipo-ipong napatingin ako sa huling sumigaw.
Pucha! Gusto niya bang palamunim ko siya ng bomba?!
Binigyan ko siya ng matalim na tingin kaya tumahimik na siya. Hinanap naman ng mga mata ko ang pigura ni Zac sa court. At nakita kong naglalaro nga siya.
Magaling pala maglaro 'tong nerdong 'to? Dinaig pa si Shin.
Napangiti ako. Napatingin naman siya sa akin kaya bigla akong napa-serious mode. Ilang segundo rin kaming nagkatinginan kaso naputol rin dahil naagaw ang hawak niyang bola.
Agad niya naman iyong inagaw ulit. Tumingin ulit siya sa akin at nag-wink sabay three points shoot.
Gusto kong ngumiti pero pinipigilan ko. Nagsigawan naman ulit ang mga tao.
"Zaaaccc!!! Will you marry me?!"
"Mr. Rain, I love you!!"
"Anak mo ako sabi number 15!!"
Napatingin ulit ako sa mga sumigaw.
Aba't—gusto yata nila ng sakit ng katawan?!
Napasimangot ako at tumingin sa court. Nagshi-shake hands na ang mga players. Ibig sabihin ay tapos na ang practice. Nagsitakbuhan naman ang mga fan girls sa court at lumapit sa mga varsity.
Bwesit! 'Wag niyong yakapin si Zac!
Mas lalong nag-init ang ulo ko ng may nagnakaw ng halik sa pisngi ni Zac. Hindi na ako nakapagpigil pa kaya tumayo ako at lumapit sa kinaruruonan nila. Agad kong hinila si Zac papunta sa stage. Palayo sa mga linta, cockcroach, daga at iba pang peste!
"Hey! Bakit mo ako hinila dito? Kita mo namang kinakausap pa nila ako."
Hindi ko siya sinagot at humarap sa mga studyanteng nasa court. Nagtataka ang mga mukha ng iba habang nakangisi naman ang tropa. Si Shin nakita kong lumabas ng gym.
"LISTEN STUPIDENTS!!!"
Natahimik silang lahat at napatingin sa amin.
"Si Zac Ken Rain ay akin lang! 'Wag na 'wag kayong magkakamaling hawakan kahit dulo ng kuko niya! Girls, take note... HUWAG NIYO NG LAPITAN O TAWAGIN MAN LANG ANG PAGMAMAY-ARI KO! MALIWANAG?"
Hindi maipinta ang mukha ng mga babae. May nakasimangot, nakanganga, naiiyak at mamamatay. Tsk. Walang silang ibang magagawa kundi ang sundin ako.
Dahil kung hindi, lagot sila sa akin.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...