Zyra's POV
Tsk! Bakit hindi na ako pinansin ni Zac? Dahil ba nabago ang itsura niya ay magbabago na rin siya? Pagtunog ng bell, agad na siyang umalis. Hindi man lang nagpaalam sa akin.
Bwesit na lalaking 'yon! Wala akong pakialam sa kanya! Umalis siya kung gusto niya! Kahit hindi na siya magpakita sa'kin! Nakakasawa rin naman ang itsura niya! Gago!
"Hoy, Zee! Hindi ka na naawa sa mga damo. Baka wala ng matira diyan dahil sa kakabunot mo! Ano bang problema mo?"
Bakit ko ba kasi iniisip ang lalaking 'yon? Tsk. Dapat kasi nagpaka-nerd nalang siya forever! Wala na tuloy akong babatukan. Wala na rin akong sidekick! Psh.
"Zee, may lakad ka ba sa sabado?"
Porke't nawala lang ang jumper, glasses at brace niya, ginawang heartthrob na agad nila! Tsk! Ang lalandi! Ang sarap pag-umpogin ng mga babaeng 'yon!
"Kasi kung wala, pwede mo ba akong samahan?"
Humanda sa akin ang Zac na 'yon! Gagawin ko siyang nerd ulit, sa pamamagitan ng isang suntok lang! Nakakainis! Nanggigigil ako!
"Zee! Nakikinig ka ba sa akin?!"
"Ay ampalaya!" Napatayo ako sa gulat dahil may halimaw na sinigawan ako at talagang dinikit pa ang bibig niya sa may tenga ko.
"Ano ba, Shin?! Bakit ka naninigaw?!" asik ko.
"Kanina pa ako nagsasalita dito! Hindi ka naman pala nakikinig."
"Bakit ba naman kasi bigla ka nalang sumulpot?! Kita mo namang may importante akong ginagawa!"
"Kailan pa naging importante ang pagbunot ng damo? Ngayon ko lang nalaman na hardinera ka na pala ng school."
"Tss," irap ko. "Ano ba kasing kailangan mo?"
"Niyayaya kitang mamasyal bukas. Sabado naman at walang klase," wika niya sabay iwas ng tingin. Siya naman ngayon ang bumubunot ng mga damo sa green field na kinauupoan namin.
"Kasama ang tropa?"
"Hindi! T-Tayo lang..."
"Ikaw at ako lang?" turo ko sa kanya at sarili ko.
"Oo," harap niya sa akin.
Napatigil ako saglit. Anong trip naman ng isang ito?
"You mean... a date?" pabirong tanong ko at ngumisi ng malapad. Namula naman siya bigla.
"Ahhh..."
"Hahaha! You're blushing! Seriously, Shin? Friendly date is not a big deal," ayon ko at inakbayan siya. Napansin ko pang medyo natigilan siya pero agad rin naman siyang ngumisi.
"Sabi ko nga!" He looked away again.
"Ayeee! Gusto mo yata ng real date e. Crush mo ako 'no, Shin? Uyyy... Crush niya ako!" I laughed as I teased him. Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.
"Tumigil ka nga!" iwas niya. But I continued tickling him. "Tsk! Ano ba, Zee! Haha! Zee! Hindi na ako natutuwa. Last na, Zee! Aish! Tigilan mo sabi e!"
He suddenly moved closer to me. Nabigla nalang ako nang magkalapit na ang mukha namin. Na isang maling galaw lang ay magdidikit na ang mga labi namin. While his hands were both holding my hands tightly in between us.
Shit! Shin, bitiwan mo ako.
Gusto ko iyong isigaw pero hindi ko magawa. Nakakatitig siya sa akin. So, I stared back. Nakita kong hindi naman siya mukhang galit. Pero... may kakaiba sa titig niya.
Malamlam. May gustong ipahiwatig.
Shin.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nagulat ako. Hindi ulit ako makagalaw. Then he softly pushed me away a little. He stared at my eyes again. Hanggang unti-unting...
"ARAY!" Bigla siyang napaigik. May tumamang libro sa ulo ni Shin. Dahilan para mapalingon siya sa likod niya.
Libro namin sa English ang nakita ko. Makapal pa naman ito.
"Ay, sorry! Hindi ko sinadya, pare..."
"Anong hindi sinadya?!" inis na tumayo si Shin. "Ang layo ng agwat ng bench at ng pwesto namin pero napunta ang libro mo dito?! Tapos hindi mo sinadya?!"
"Kasalanan ko bang marunong palang lumipad ang libro ko at sa ulo mo pa piniling mag-landing?"
Hindi ako nakaimik sa usapan ng dalawa. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanila. Nagulat rin ako sa biglang nangyari.
Bakit nandito si Zac? Kailan pa siya nakaupo diyan sa bench?
Nagsukatan na ng tingin ang dalawa. Ang init talaga ng ulo ng dalawang ito! Hindi ko alam kung anong problema at ang bilis kumulo ng dugo nila sa isa't isa.
"Tama na nga 'yan!" awat ko sa kanila. Pagkatapos ay bumaling ako kay Zac. "Anong ginagawa mo dito?" kunot-noong tanong ko sa kanya. Nakabusangot pa ako. Nainis na rin ako nang makaharap ko siya.
Ewan. Ayoko sa bagong itsura niya. Ang daming tumiting— Tsk. Bahala siya!
"Obviously, nakaupo ako sa bench. At 'wag kang mangialam kung bakit ako nandito, hindi mo naman pagmamay-ari itong field. Oh sige, tuloy niyo na 'yang lampungan niyo." He even smirked and rolled his eyes bago siya tuloyang umalis.
Ganun? Sinasagot-sagot niya na naman ako. At ano bang lampungan ang pinagsasabi ng mokong na 'yon?!
"Bwesit na Zac 'yon, ah! Tsk. Akala mo kung sino!" asik ko sabay sipa sa ere.
"Don't mind him. Pabayaan mo siya. Tss. Mauna na ako, Zee. Don't forget our date. Saturday. Nine in the morning sharp. Punta ka sa condo ko," paalala ni Shin tapos takbo paalis.
"Waw! Baliktad na pala ang mundo ngayon? Babae na ang susundo? Fine!Hindi niya nga pala alam kung nasaan ang bahay namin. Argh!"
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...