Zac's POV
Nalaman na ni Zyra ang totoo. Mag-iisang linggo na rin niya akong hindi kinakausap.
"Mabuti pa'y bigyan muna natin siya ng panahong makapag-isip at tanggapin ang mga bagay-bagay," sabi ni Mommy Zeny nang hindi na naman binuksan ni Zyra ang pinto ng kwarto kahit ilang ulit na namin iyong kinatok. Napabuntong-hininga na nagpunta nalang kami sa sala.
"Tama ang asawa ko, Zac. Marahil ay nagugulohan pa talaga ang anak ko. Huwag nalang natin siyang pilitin. Darating rin ang araw na maiintindihan ka niya tulad ng ginawa namin."
Binigyan ko ng isang malungkot na ngiti si Daddy Rico. Mahinang tinapik niya naman ang balikat ko.
"Marahil ay iyon nga ang kailangan niya. Panahon. Kaya... nais ko po sanang magpaalam sa inyo."
Parehong napatingin sa akin ang mag-asawa. "Magpaalam? S-Sa anong dahilan?" natatarantang tanong ni Mommy Zeny.
"Huwag niyo ho sanang masamain ang desisyon ko. Naisipan ko lang pong... lumayo na naman ulit," napayukong saad ko.
Naisip ko ito kahapon. Kapag hindi pa rin ako kakausapin ni Zyra ngayon, itutuloy ko ang plano ko. At katulad nga ng ilang araw na panunuyo ko sa kanya, ayaw niya pa rin akong kausapin.
"Noong una, ang dahilan ko po ay ang makalimutan siya. Nakakatawa lang isipin na sa ngayon... gusto ko namang maalala na niya."
Katahimikan ang bumalot sa paligid. Waring iniisip nila kung tama ba ang gagawin ko. Nagpapadala na naman kasi ako sa emosyon ko.
"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?" tanong ni Daddy Rico.
"Opo."
"Sige, kung iyan ang gusto mo. Papayag na ako."
"P-Pero paano ang anak natin?" hindi mapakaling tanong ni Mommy Zeny.
Marahan akong ngumiti. "Sa tingin ko po ay makakabuti ito para sa amin. Ang pagbalik ng alaala niya lang kasi ang pag-asa ko para mabalik kami sa dati. Ngunit kung hindi na talaga..."
"Huwag kang panghinaan ng loob, Zac. Alam ko kung gaano mo kamahal ang anak namin. Magiging okay rin ang lahat." Mahigipit na hinawakan ni Tita ang kamay ko tanda ng pagsuporta niya sa akin.
"Aalis na po ako," paalam ko at agad ng tumayo. Sabay nila akong hinatid palabas ng bahay.
"Zac," pigil ni Mommy Zeny bago ako makapasok sa kotse ko. Malungkot ang mga matang nilingon ko siya. Pero nabigla ako ng bigla niya akong niyakap.
"Mag-iingat ka lage. Anak na rin ang turing ko sa'yo. Kaya sana... ipangako mong babalik ka."
Hindi ako sumagot at niyakap lang siya pabalik. Pagkatapos ay tinapik naman ni Tito ang likod ko. Ayokong mangako sa kanila. Ayoko silang paasahin.
"Hanggang sa susunod po nating pagkikita." Senserong ngumiti ako sa mag-asawa bago tuloyang umalis.
...
"Saan ka naman pupunta?" tanong ni Yong sa akin. Nasa bahay ako at nag-iimpake na. Hindi pa alam ng iba pa naming kaibigan ang pag-alis ko. Nakiusap ulit ako kay Yong na huwag sabihin sa kanila dahil siguradong pipigilan nila ako. Pwedeng mabugbog rin ako ni Shin kapag nalaman niya ang gagawin ko.
"Sa Japan. Doon na muna ako."
"Malapit lang pala. Kailan ka naman babalik?"
Natigil ako sa pagpasok ng damit sa maleta at tumalikod sa kanya.
"Hindi ko pa alam."
"Paano na si Zyra? Ano na naman bang dahilan mo sa pag-alis mong 'to?"
Pagod akong napabuntong-hininga. Hindi ko na rin maintindihan itong pinaggagawa ko. Kung ano ang maisip ko, iyon agad ang gagawin ko. Puro negatibo ang nasa utak ko ngayon. Mas tamang sabihing simula noong inakala kong wala na si Zyra.
Umupo ako sa kama at nilingon si Yong. Concern was written all over his face.
"Galit siya sa akin. At pagod na akong intindihin ang sitwasyon namin ngayon. Kaya bibigyan ko muna siya ng oras na pakapag-isip kung tatanggapin niya ba ako ulit sa buhay niya. Maghihintay ako sa panahong maalala niya ako ulit."
"Paano kung hindi na, Zac? Susuko ka ba ng ganun nalang?"
"Kung hindi na talaga... Siguro, kailangan ko ng bumitaw. Masakit man, matatanggap ko naman yata na hindi na maibabalik pa ang dati."
Hindi siya umimik at mataman lang akong tinitigan. Umiwas agad ako ng tingin.
"Sabihin mo ng bobo ako at duwag. Tanggap ko 'yon. I'm just... so damn exhausted and scared. I don't know"
"Naiintindihan kita."
Napatingin ulit ako kay Yong na kinakalikot ang DSLR ko.
"Hindi madaling pakisamahan ang girlfriend mo noon, na hindi mo alam kung kaano-anu mo ngayon. Lalo na't hindi ka pa niya kilala. Naiintindihan ko ang pakiramdam na gusto mo siyang yakapin ng mahigpit ngunit hindi mo magawa. Naiisip mong dalawang taon na ang lumipas na nagkawalay kayo, baka wala ka ng karapatan gawin 'yon."
Ibinaba niya ang hawak at tiningnan ako. "Alam kong gusto mo lang mapatunayan na kahit nakalimutan ka man ng isip niya, sana ay kilala ka pa rin ng puso niya. Ayaw mong ikaw mismo ang magsasabi sa kanya kung sino ka, gusto mong magmula sa kanya ang mga katagang alam niya kung sino ka sa buhay niya. You badly want to prove to yourself that she still love you whatever happened to her."
Parang hinaplos ang puso ko sa mga katagang naririnig ko mula kay Yong. I thought he would scold me. But I was wrong. He understands. And I'm so thankful that he really understand me.
"When the time you thought she passed away, it was a nightmare. And it continued torturing you on the following days, weeks, months and even years. The pain you get through was so unbearable but you tried to overcome it for your family. When you finally decided to stop the pain and struggle, you ended up knowing she was alive. The overwhelming ache turned to sheer bliss. But in an instant, it became a disappointment again. She didn't recognize you. She completely forget you. So, you felt a painful and intense fear and dismay that you'll experience excruciating pain again. This time, you're scared that you can no longer bear it if you'll lose her again."
Damn. I didn't know that Yong had this deep understanding. Sa kanilang apat, siya ang pinakaseryoso. Hindi rin siya mahilig magkwento ng mga pinagdadaanan niya. At ngayon, hindi ko maipagkakaila na may pakialam siya sa aming mga kaibigan niya. Kung wala siya, siguradong hindi kami magkakasundo ni Shin.
"Huwag kang mag-alala. Alam ko ang iniisip mo. The most effective way to make someone realize na importante sa kanya ang isang tao kapag nawala ito. Kaya sa tingin ko'y tama 'tong gagawin mo. Sa mga lumipas na araw, lage mong kasama si Zyra, kaya possibleng may nararamdaman na siyang kakaiba sa'yo. We will know her feelings kapag lumayo ka sa kanya."
Nagkatinginan kaming dalawa. He smiled at me, as if giving me hope. But I smiled sadly. Hindi talaga mawala ang takot sa dibdib ko.
Sana nga.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomansLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...