Zac's POV
Three weeks had passed. Lagi na kaming sabay umuwi ni Zyra. Minsan ay kotse ko ang gamit namin sa pag-uwi. At minsan naman ay ang big bike niya ang sinasakyan namin.
Masaya ako pero...
Ang bilis magpatakbo ni Zyra! Muntik ng mahulog ang puso ko sa kaba! Pati kaluluwa ko muntik ng humiwalay sa katawan ko!
"Hoy, Nerd! Para kang tanga diyan! Tumayo ka na nga, aalis na tayo."
"Ha? P-Pwede bang... sa kotse nalang ako sasakay?"
"Bakit naman? Sabay na tayo."
"Ano kasi..." Ano bang idadahilan ko? Isip, Zac!
"Ano?!"
"Na... Natatae ako!"
Isa, dalawa, tatlo... Tatlong segundo kaming natigilan at nagkatitigan bago siya humagalpak ng tawa.
"Baliw ka talaga! Takot ka lang e."
"Hindi 'no! Ba't naman ako matatakot?" deny ko pa.
"Edi kung ganun, tayo na."
"Zy naman! Oo na! Takot na ako," nahihiyang amin ko. "Kaya please naman Zyra Zee, kotse nalang tayo, okay? Yieee. Ang ganda mo!" sulsol ko sabay pinch ng cheeks niya.
"Che! 'Wag mo akong inuuto-utong Nerd ka!" asik niya sabay talikud sa akin at nagsimula ng humakbang. Kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na rin. Patay ako kapag hindi ako sumunod.
Pagdating namin sa parking lot ay naabutan namin ang tropa ni Zyra. Sabay pang napatingin sa akin ang apat.
"Sabay na naman kayong uuwi?" tanong ni Shin na matalim akong tiningnan. Ano namang problema ng lalaking 'to?
"Bakit? May problema kayo?" pabalang na sagot ni Zyra kay Shin.
"Sa amin ayaw mong magpahatid. Matagal na tayong magkaibigan pero hindi pa rin namin alam kung saan ka nakatira. Tapos sa Nerd na 'yan—''
"Shin, tama na," sita ni Yong kay Shin habang napatingin naman si Zyra sa akin.
"M-Mauna na ako doon," mabilis na alis ko.
Nagulat ako sa nalaman ko ngayon. Kaya pala hindi ko nakita na kahit minsan ay sumabay siyang umuwi sa tropa niya.
Umaga hanggang hapon ay magkasama sila. Pero pagdating ng uwian ay ako naman ang kasabay ni Zyra. Bakit kaya?
Medyo close na kami ni Zyra, na talagang gumulat sa lahat ng studyante ng campus. Pero kahit ganun, wala pa rin akong alam tungkol sa buhay o pamilya niya. Kilala ko ang mama niya, pero hanggang doon lang. At unti-unti ko na ring nakikilala ang pagkatao niya, na sa pagkakaalam ko ay sa akin niya lang pinapakita.
Pero kahit may asaran at tawanan na sa pagitan namin, may gap pa rin kami sa isa't-isa. Minsan kasi parang natatauhan siya sa kinikilos niya at bigla nalang sumiseryoso.
At gusto kong mawala ang pagitan na iyon.
Gusto ko pang makilala ng lubusan si Zyra.
Gusto ko ring maging parte ng buhay niya.
Kaya simula ngayon...
Ipinapangako ko na hangga't kailangan niya ako, sasamahan ko siya. Kahit maging katatawanan lang ako para sa kanya, okay lang basta ang importante masaya siya.
Para kay Zyra, mananatili ako sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...