THIRTEEN

99 6 0
                                    

Zyra's POV

Wahahaha! Nakakatawa talaga ang Nerd na 'yon. Grabe! Ngayon lang yata ako tumawa ng ganito.

Speaking of tumawa. Ang tahimik ng paligid. Nakatingin lahat ng classmate ko sa akin na tila gulat na gulat. Kahit ang tropa ay naka-question mark ang mkha. Kung makatingin sila sa akin para bang bagong discovered specie ako.

"Pfft..." Natatawa ulit ako.

"Zee, anong nakakatawa?" kunot-noong tanong ni Shin. Siya lang yata ang naglakas loob na tanungin ako.

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung anong nangyayari sa akin. Basta, simula noong hinatid ako ni Nerd at nahuli ko siyang nakalapit ang mukha sa akin, gusto ko ng tumawa ng tumawa. Gusto ko na rin siyang... laging makita.

Tsk. Alam kong hindi pwede 'tong nararamdaman ko. Pero kahit alam kong magiging dahilan ito ng panghihina ko, gusto ko pa rin ang pakiramdam na 'to.

Kasi... sa pagkalipas ng pitong taon, ngayon ko lang ulit naranasan ang maging ganap na tao. Taong may emosyon at hindi puro pagmamatigas nalang ang ginagawa.

Kahit kailan, hindi ko yata naisip na mangyayari to sa akin. Tsk. Kasalanan to ng Nerd na 'yon, e.

"Labas lang ako," paalam ko sa tropa sabay tayo.

"Ha? Pero magsta-start na ang klase, Boss," awat sa akin ni Takuya.

"Edi magka-cutting."

"Sama kam—"

Hindi ko na pinatapos si Casper.

"Huwag na kayong sumama.''

"Pero—"

"Hindi ako maghahanap ng gulo. Psh," pigil ko ulit sa sasabihin ni Yong.

Heto na naman sila sa pagka-over protective nila.

"Bakit, Zee? Saan ka ba pupunta?" seryosong tanong sa akin ni Shin. Madalas ko yatang napapansin ang pagiging seryoso ng isang ito.

"Hahanapin ko lang ang Nerd na 'yon," natatawa kong sabi. Tss... Kapag naiisip ko si Zac, hindi ko talaga mapigilang mapangiti o matawa. Delikado na 'to. I am aware of this dumbsh*t feeling. Hindi naman ako tulad ng iba na sobrang manhid at tanga, pa as if na hindi alam ang nararamdaman. Tsk.

Agad na akong lumabas. At kahit ilang beses pa akong tinawag ni Shin, hindi ko na siya pinansin pa. Minsan, nakakabanas na rin kasi ang pagiging over protective nila.

Sa ngayon may gusto akong masubukang gawin. Pero kailangan ko munang mahanap ang Nerdong iyon.

Kanina pa ako paikot-ikot sa buong campus pero wala pa rin akong makitang Zac. Saan ba nagtatambay ang nerdong 'yon?

"Tsk. Hayop ka, Nerd! Pinagod mo na naman ako sa paghahanap sa'yo!" sigaw ko. Nasa likod ako ng school ngayon. May mini park na pala dito? Matagal-tagal na rin palang hindi ako nakapunta dito. Noon kasing highschool pa ako, puro bulaklak at iba pang halaman ang nandito.

"Sino ba naman kasi ang nagsabi na hanapin niya ako?"

Napatingala ako sa punong katabi ko nang may marinig akong bulong na rinig ko naman.

"Aha! Nandiyan ka palang unggoy ka! Bumaba ka diyan!" utos ko kay Zac na nakatuntong sa ibabaw ng sanga ng puno.

"Bakit naman kita susundin, ha? Nanay ba kita?" sagot niya sa akin.

"Aba't... Isa! Kapag hindi ka bababa diyan, babatuhin kita!" pananakot ko sa kanya.

"Neknek mo! Isusumbong kita sa principal kapag nasugatan ako."

Pucha! Bilib na talaga ako sa Nerdong ito. Ang lakas ng loob na kalabanin ako.

"Bobo! College na tayo! Hindi na uso ang principal!"

"Eh, pakialam ko ba?!"

"Dalawa! Kapag ako nainis... Patay ka sa akin!" pagbabanta ko.

"Bahala—"

"Bukas, hindi ka na masisinagan ng araw." Nag-akma akong umalis nang biglang...

May lumapag sa may likuran ko. Napatingin ako sa nahulog, na walang iba kundi si Zac.

"Aray ko!" daing niya habang hinihimas ang nasaktang pwet.

"Pfft... Pfft... BWAHAHAHAHA!!!"  Napahawak ako sa tiyan sa kakatawa. Pambihirang nerdong 'to, clown na ang dating eh. Lagi nalang akong pinapatawa.

"Kasalanan mo to, e!" turo niya sa akin.

Napatigil ako sa pagtawa at nakapameywang na hinarap siya.

"Hoy! Huwag mo akong pagbintangan! Kasalanan ko bang duwag ka lang talaga kaya dahil sa takot ay nahulog ka?"

"Ang cute niya. Babaeng tingnan kung nakapameywang pero ang bangis nga lang," bulong ni Zac na hindi ko na narinig.

"Anong sinabi mo?!"

"Ang sabi ko... Hindi ako DUWAG!" maktol niya habang naka-pout pa ang loko.

"Hindi daw duwag. Sige nga! Patunayan mong hindi ka takot sa akin!" I smirked at him. Alam ko namang puro kalampahan lang ang alam ng lalaking 'to eh.

"Sure. Why not?" Zac answered in a masculine and husky way. Napatigil ako.

He stood up and walked towards me. He stopped four steps away from me and looked at me deep in the eyes. I suddenly froze. Then he started to step closer to me again. Without breaking our eye contact.

Damn it! It makes me shiver.

How many character does this man have?


TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon