Zyra's POV
"Bakit hindi ka sumama sa kanila, anak?" biglang imik ni Nay Belen habang nakatanaw kami sa papalayong kotse.
Napatingin ako sa kanya na nasa aking tabi. Nasa likod niya naman si Tay Danny na may nag-aalalang mukha. Hinarap ko sila at ngumiti.
"Ayaw niyo na ba akong makasama?"
"H-Hindi naman sa ganun. Baka ano..."
"Nay, alam nating tatlo na kailangan kong sumama sa kanila, gustohin ko man o hindi. Kaya nga gusto ko kayong makasama ngayon... sa huling pagkakataon."
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay, kasabay ng paghagulhol niya ng iyak.
"M-Mawawala ka na sa amin."
"Hindi po, Nay," I assured. "Pwede niyo pa rin akong ituring na anak. At maaari ko kayong dalawin dito kahit araw-araw pa."
Niyakap ko ng mahigpit si Nay Belen. Pati ako tuloy ay naiiyak na rin.
"H-Hindi na kailangan. Basta 'wag mo lang kaming kalimutan," madamdaming saad niya.
"Tama na iyan. Pumasok na tayo sa bahay. Mahamog na dito," sabat ni Tay Danny na agad ng pumasok sa loob. Nagkatinginan kami ni Nanay at mahinang napatawa. Kahit pinapakita niyang matigas siya, alam naming naiiyak na rin si Tatay.
Nasa gitna nila ako natulog. Parang batang niyakap pa nila ako ng mahigpit.
"Mamimiss ko kayo, 'Nay, 'Tay. Hinding-hindi ko kayo makakalimutan."
...
Maaga akong nagising kinabukasan. Pero tulad ng nakagawian, mas nauna pa ang dalawa. Naabutan ko silang naghahanda na ng agahan.
"Aba'y naaamoy ko ang masarap na sinangag, ah?" masigla kong bungad sa kanila. Agad naman silang napangiti ng makita ako.
They're always attentive to me, pero mas ngayon. Kahit nang kumakain na ako ay nakatingin pa rin sila sa akin. Waring kinakabisado nila ang mukha at bawat galaw ko. Nakaramdam na naman ako ng lungkot, pero pilit kong pinakita na masaya ako. Gusto kong masayang ala-ala lang ang iiwan ko sa kanila.
"Hindi ka na mahihirapan doon. Siguradong maganda ang buhay na naghihintay sa'yo. Basta lage kang mag-iingat at huwag ka ring magpagutom. Huwag mo ring kalimutan magdasal sa ating Panginoon," paalala ni Nanay Belen habang tinutulongan niya akong mag-impake.
"Lagi ko pong tatandaan lahat ng sinabi niyo." Niyakap ko si Nanay patalikod at hinalikan siya sa pisngi.
"Kagabi pa kayo, ah. Nagseselos na ako," pagtatampo ni Tatay.
Napatawa kaming dalawa ni Nay Belen at sabay niyakap si Tay Danny. Napatili pa kami ng buhatin niya kaming dalawa.
"Aray. Ang balakang ko. Ang bigat niyo pala," reklamo niya kaya napatawa na naman kami.
Nag-tricycle kami papunta sa bahay na tinutuloyan nina Zac. Sa totoo lang, hindi pa nila alam na nakapagpasya na akong sumama sa kanila. Hindi tuloy ako mapakali sa kinauupoan dahil sa kaba. Napansin siguro ako ni Nanay kaya hinawakan niya ang kamay ko at marahan iyong pinisil.
"Magiging okay rin ang lahat. Huwag kang mag-alala." Ngumiti siya kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.
Bumaba sila Nay Belen at Tay Danny sa bahay nila Myla. Kaya ako nalang mag-isa ang nasa harap ng bahay nila Zac ngayon. At heto na naman ako, nagdadalawang-isip kung kakatok ba o hindi. Pero sa huli ay napagpasyahan ko na huwag nalang at unti-unting binuksan ang pinto para sumilip kung nandito ba talaga sila sa loob.
Bumungad sa akin ang limang lalaking natutulog sa lapag. Nakabanig lang sila at may tag-iisang unan. Magkayakap na natutulog sina Casper at Takuya. Habang nakaunan naman si Yong sa tiyan ni Shin. At si Zac... Wala na siya sa banig. Nasa ilalim na siya ng upoan habang nakabaluktot at nakakumot.
BINABASA MO ANG
TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)
RomanceLumaking walang ama at galit sa ina ang dahilan ni Zaira kaya inilayo niya ang sarili sa ibang tao. Naging mailap siya at walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Pero nakuha ni Shin ang atensyon niyaー isang binatang kasali sa isang grupo ng gangste...