SEVEN

140 6 0
                                    

A/N: Any comment, please? Thank you. :)

****

Zac's POV

Nagso-sorry ako kasi naging dahilan ako ng away nila ni Shin. Kaya nga ako umiiwas, dahil ayokong  maging dahilan ng pagkasira ng pagkakaibigan nila.

Pero kahit nalulungkot ako sa nangyari noong araw na 'yon, may parte pa rin sa akin ang masaya. Eh kasi naman... naging Night in Shining Flower ko na naman siya! Hindi ko talaga ini-expect na ipagtatanggol niya ako. Kaibigan niya kaya si Shin tapos ako, wala lang sa kanya.

Aish! Alam ko na pala kung bakit niya ginawa yun. May utang na loob nga pala siya sa akin 'no? Tsk.

"Hoy Ner—este Zac! Bakit wala si Mica?" tanong ni Takuya.

Mukha ba akong tanungan ng nawawala? Nagda-drama pa ako dito eh, e-epal pa.

"Di ko alam."

"Di ba close kayo? Bakit hindi mo alam?!" naiiritang tanong niya sa akin.

Oh, ano namang problema nito? Napapansin ko lang ah, kapag wala si Mica lagi niya nalang akong tinatanong ng kung anu-ano tungkol kay Mica. May gusto ata 'to eh. Akala mo pa naman kung sinong maangas, ang torpe naman pala.

"Hindi kami close, open kami. Bakit mo ba siya hinahanap? Miss mo na?" I frankly asked him.

"H-Hindi no! Bakit ko naman mami-miss ang aswang na yun?! Tss."

Sige, deny pa pre. Di naman masyadong halata. Tss.

"Pero ikaw! 'Wag kang , masyadong dikit ng dikit kay Mica! Maliwanag?!"

"Pa sa araw! Don't worry bro. Hindi rin naman ako papatulan nun," sagot ko. Paano? Si Takuya rin naman kaya ang gusto ni Mica.

"Buti alam mo," sabi niya sabay alis. Kasunod na tumunog naman ang bell.

Sa wakas lunch na! Kanina pa ako nakatunganga dito, wala kasi yung Prof namin eh. Wala rin si Zyra, wala tuloy akong energy. Tumayo na agad ako at lumabas ng room. Papunta na ako ng canteen nang... makasalubong ko siya.

"Zac."

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Syempre, first time 'tong tinawag niya ako sa pangalan ko. Kaya dahil sa gulat ko ay napatakbo ako. Bigla rin kasi akong kinabahan eh, ang bilis pa ng tibok ng puso ko. Ewan ko anong nangyayari sa akin pero ayoko muna siyang makausap.

"Hoy Nerd! Ba't ka tumakbo?! Hindi naman ako mangangagat, ah?!"

Ito na naman kami sa habulan. Baliktad nga lang. Siya ang aso, ako ang pusa. Wow! Bagay na bagay. Magandang aso at cute na pusa. Perfect match!

"Nerd na baliw! Humanda ka sa akin! Feeling mo talagang magpahabol!" sigaw niya sa likod ko.

"Sinabi ko bang, humabol ka? Hindi naman, ah!"

Binilisan ko ang pagkatakbo dahil ayaw ko pa talagang makaharap siya. Basta! Nahihiya ako.

"Patay ka sa akin pag naabutan kita!"

"Catch me if you can!"

Napangiti ako. Hindi pala ako dapat kabahan. Ang dapat kong gawin ay e-enjoy ang pagkakataon na hinahabol niya ako.

Ang saya kaya ng sitwasyon ko ngayon. Masarap sa feeling kapag hinahabol ka ng crush mo. Galing!

Pinagtitinginan na kami ng mga tao. Yung iba nagtataka kung bakit ako hinahabol ng prinsesa ng 'TAGAPAGTANGGOL NG NAAPI' gang.

May mga lalaki ngang humabol rin sa akin pero pinigilan ni Zyra. Teyka nga, bakit niya ba talaga ako hinahabol? Naman, eh! >_<

Papunta na ako sa rooftop ng malaman ko ang mali. Wrong way, siguradong mata-trap ako nito. Pero hangga't may paraan, kailangan kung makatakas.

TOTALLY OPPOSITE (BossSeries#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon